16

354 35 7
                                    

“Happy Birthday Sabrina! Please do always remember that we love you so much hija. Marami na akong utang, babawi si Tita pagkauwi ng Pilipinas okay? Enjoy your day Sab! Love ka ni Tita Dawn!”

“Happy birthday my baby, Sabrina! Sorry can’t geeet you in personal, I promise to celebrate your birthday once na makauwi ako. Love you so much Sabby! Enjoy your day!”

“Nuks, 17 na yung nonchalant bestfriend ko. Happy Birthday Sab! Iwasan ang pagiging masungit, joke. Love you Sab! See you sa school mamaya” 

Napangiti si Sab while reading the messages she received. What a great way to start her day. Birthday na pala niya, di man lang niya namalayan. 

Napangiti siya, isang ngiti na hindi malaman kung pilit ba o dahil masaya talaga siya. 

She sighed, “It’s your day today Sab! Cheer up, don’t ruin your birthday” paalala niya sa sarili. 

Pinilit niya ng bumangon para magready na rin at maaga pa siyang papasok. 

Mabilis lang siyang naligo at nagready ng sarili, bitbit niya ang bag niyang bumaba ng bahay nila. 

“Good Morning Sab! Happy Birthday” nakangiting bati ni Kuya Jem sakanya pagkababa nya

Nginitian niya ito, “Salamat po kuya” wika niya bago dumiretso sa kusina. Nadatnan niya ron si Ate Linda at Nanay Rose na masayang bumati rin sakanya. 

“Anong gusto mong ihanda mamaya? Anong oras ka ba uuwi? Anyayahan mo si Jean pati na ang iba niyong kaklase. Dito na kayo maghapunan, magluluto kami” wika ni Nanay Rose sakanya. 

Napangiti si Sab ngunit agad na umiling, “naku Nay huwag na ho kayong mag-abala. Okay lang ho kahit hindi na po maghanda, huwag na po kayong magpagod” sagot niya 

“Pwede ba na hindi ka maghanda Sab? Naku, maghahanda tayo para sa birthday mo. Ano ka ba” wika ni Ate Linda. 

“Okay lang po talaga ate. Kung gusto niyo ay mag oorder nalang ako mamaya para di na kayo mapagod magluto. Sa school ko nalang rin ho ililibre ang mga kaibigan ko para di na kayo mag-abala”

“Sigurado ka ba? Kung nandito ang daddy mo panigurado na pipilitin ka nun na maghanda o di kaya ay magparty” napangiti ng mapait si Sab. 

Wala na atang balak umuwi ang daddy niya, mukhang nawili na sa Singapore kasama si Irene.

Alam kaya nilang birthday ko ngayon? 

“Sa susunod nalang po yang party na ganyan nay. Sakto ho debut nun pwede na talagang party” wika niya, wala naman ng nagawa sila Rose kundi umayon kay Sab dahil iyon naman ang desisyon ng bata. 

Mabilis lang siyang kumain at agad na nagpahatid kay Jem sa school nila. 

She sighed as she face the entrance of their school, maaga aga pa kaya halos iilan palang ang mga estudyanteng pumapasok. May iilan din na nakatambay na sa mga benches nagsusulat. 

Sab started walking, nang nasa quadrangle na siya ay may tumawag sakanya napalingon siya and she saw the junior girl na tinulungan niya sa Library. 

Lihim na napataas ang kilay ni Sab nang makitang ngiting ngiti ang babae. Sino ang normal na estudyante ang sasaya? Bukod sa lunes ng umaga ay isipin pa lang na ito lang ang araw na may pasok sila sa buong linggo ay nakakaumay. 

They could have just suspend the class today for students to have their long long vacation week. 

“Hala umagang umaga nakataas ang kilay mo Ate” pansin nung babae. 

Taming A Cold HeartWhere stories live. Discover now