“Hey sab wake up! May seatwork daw after discussion” mahinang wika ni Jean kay Sabrina na nakayuko ngayon dahil inaantok.
“Hmmm, Just let me sleep. I didn’t have enough sleep last night” reklamo niya.
“May seatwork daw after this. Dali na Sab, baka mapansin ka ni Ma’am”
“Hindi tayo mapapansin pag hahayaan mo lang ako. Just listen Jean, don’t mind me” reklamo niya ulit kaya hinayaan na ni Jean si Sab at baka masuway pa sila ng guro nila.
The classes went on and Sabrina fell into a sleep. Nang magseatwork na sila ay sinusubukan siyang gisingin ni Jean pero mahimbing na ang tulog niya.
“Ms. Araneta, wake up!” Paggising sakanya ng guro nila.
Napakagat labi si Jean sa kaba, “Ms. Araneta”
Unti unting minulat ni Sabrina ang mata niya at napaayos ng upo when she saw their subject teacher na nasa harapan niya.
“Yes? Is this your room? Sa pagkakaalam ko we’re in a class, why are you sleeping? Gusto mo bang maguidance for sleeping at my class?!”
Hindi nakaimik si Sabrina
“Uhm M-ma’am?” Jean butt in kaya napalingon ang guro nila sakanya.
“Yes Ms. Lorenzo?”
“Sabrina’s not feeling well po kayo, I was telling her kanina pa to go to the clinic pero ayaw niya. Nilalabanan po niya yung sama ng pakiramdam niya para makapagseatwork but nakatulog na po siya” kabadong wika ni Jean
She was crossing her two fingers, manifesting na sana lumusot ang sinabi niya.
She saw sab smiled a bit, palihim niyang inirapan ito. “Humanda ka talaga mamaya Sabrina” she thought.
“Is that true Ms. Araneta? Are you sick?” Their teacher asked sab.
“H-hindi naman po mainit ma’am but medyo not feeling well po talaga, I’m a bit dizzy since kanina” palusot na rin niya.
“Okay you’re excempted today Ms. Araneta. Just take a special activitiy for this, and next time go to the clinic if you’re not feeling well. Ayaw na ayaw kong may natutulog sa klase ko, understand?” Striktang wika nito. Tumango tango naman si Sab at ngumiti ng kaunti sa guro nila.
_
“Gaga ka, you made me worried. Akala ko mapapaguidance ka na” reklamo ni Jean habang nasa bench sila nakaupo, eating snacks.
“Thanks Jean, akala ko rin magguidance na ako. Baka madagdagan nanamab ng weeks confiscated gadgets ko” she chuckles.
“Di pa rin ba kayo okay ni Tito?”
“We’re civil jean, casual lang. I think that’s okay na”
Jean sighed, “What about tita Irene?”
“I don’t know too e. Iniiwasan ko parin siya, even though i miss her so much na”
“Eh bakit ba kasi iniiwasan mo?”
“Can’t explain Jean, can we not talk about it na?”
“Sab paalala ko lang ang pride hindi presyo ng bigas ha?”
“Huh? Anong connect?”
“Hindi dapat tumataas, dapat ibinababa” she chuckles, “Walang masama kung kausapin mo sila. Kung makipag-ayos ka, panigurado nahihirapan na rin sila paano magadjust” dagdag pa nito.
Napatango unti si Sab, her bestfriend is somehow right. Kahit naman si Sab di maitatanggi na may lamat na yung samahan nila ni Irene, she badly wants to reconcile with her pero hindi niya alam papaano. Everytime kasi na susubukan niya parang may taling naghihila sakanya palayo. Parang may bumubulong sakanya na trinaydor siya ni Irene.