The Whispers of the Darkness

9 3 0
                                    

The Whispers of the Darkness

Lucina's Nightmare

Nasa gitna kami ng kadiliman. Ang bawat hakbang ko ay mas lumalalim ang pangamba, parang may humihila sa akin pabalik.

“Lucina… tulungan mo ako!” sigaw ni Flor, puno ng takot at pangamba.

Napalingon ako, hinahanap siya, pero hindi ko siya makita. Tila nababalot ng mas makapal na anino ang lahat, habang ang kanyang sigaw ay lalong lumalayo. “Flor! Nasaan ka?!” Tumakbo ako, pilit na hinahanap siya, ngunit parang lumalayo siya sa bawat galaw ko.

Sa wakas, nakita ko siya. Si Flor—nakaluhod sa lupa, umiiyak, ang mga anino’y humahawak sa kanyang katawan. “Lucina! Tulong!” Sigaw niya habang pilit niyang kumakawala, ngunit dahan-dahang hinihila ng dilim ang kanyang katawan, nilalamon ng mga anino. Gusto kong abutin siya, pero parang may pumipigil din sa akin. “Flor!” Pilit kong sigaw, ngunit hindi ko siya maabot.

Nang bigla siyang nawala, nilamon ng anino, at isang malamig na sigaw ang umalingawngaw sa aking isipan.

Nagising ako nang bigla.

Ang aking hininga’y habol-habol, pawis na pawis ang katawan ko habang nakatingin ako sa kisame. Kinapa ko ang sarili ko—ako'y nasa kama, ngunit ang takot sa panaginip ay hindi kaagad nawala. Bawat hibla ng buhok ko’y tila tumatayo, at ang puso ko’y nanlalamig pa rin.

Pagtingin ko sa gilid, halos napatalon ako. “K-Kieran?” Hindi ko alam kung paano siya napunta rito. Umupo siya sa tabi ko, hawak ang isang basong tubig.

“Lucina, are you okay?” Tanong niya, ang mga mata niya’y puno ng pag-aalala. Iniabot niya sa akin ang baso, at dahan-dahan kong kinuha iyon, nanginginig pa ang mga kamay ko.

“What... what are you doing here?” Pilit kong hinahanap ang mga salita, litong-lito at gulat na gulat sa presensya niya sa loob ng apartment ko.

Umiling siya, halatang nag-aalala. “I... I found you outside, Lucina. You were unconscious.” Puno ng takot ang boses niya habang tinitignan ako, parang hindi rin siya makapaniwala sa mga nangyari. “I brought you here, inside. What happened to you?

Naalala ko bigla. Dahan-dahan, bumalik sa akin ang mga pira-pirasong alaala ng gabing iyon—ang mga bulong, ang malamig na hangin, ang pakiramdam na may sumusunod sa akin. “I... I don’t know,” sagot ko, habang sinisimulan kong alalahanin ang mga nangyari. “I was already home... then something felt wrong. I heard whispers again... ‘Ang dilim, paparating.’”

Nakita ko ang reaksyon ni Kieran, bahagyang kumunot ang noo niya. “The whispers... You’ve been hearing them again?” Tumayo siya, bakas ang pagkalito at takot.

Tumango ako, pinilit kong maging kalmado kahit ramdam ko pa rin ang bigat ng kaba sa dibdib ko. “Yes. I tried to ignore them at first, but... they just kept getting louder. I thought I was imagining things, pero nung nasa labas ako ng apartment, may naramdaman akong malamig sa likod ko.”

Malamig?” Ulit niya, tila iniisip kung anong ibig kong sabihin.

“Yeah, something... cold. Tapos, the next thing I knew, I was on the ground, unconscious.” Pinikit ko ang mga mata ko, sinusubukan pa ring alalahanin ang buong pangyayari. “That’s all I remember. Then I woke up... and you were here.”

“And then I found something... sa loob ng apartment.”

Kumunot ang noo niya. “What did you find?”

The First Sibylline (The Magic of Contrast Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon