The Light Bounded by the Shadows
Lucina’s Nightmare
Mabilis akong tumatakbo, pero parang hindi ako umuusad. Nasa harap ko si Flor—ang kaibigan kong palaging andiyan para sa akin. Pero ngayon, hindi niya ako naririnig. Hindi niya ako nakikita. Nakaharap siya sa dilim, tila hinihila siya ng mga anino.
"Flor!" tinatawag ko siya, ngunit hindi siya lumilingon. Ang mga anino ay nagsasama-sama, bumabalot sa kanya habang lumalalim ang kadiliman sa paligid namin.
"Please, Flor, hear me!" Humahagulgol ako, tumatakbo palapit, pero sa bawat hakbang, parang mas lalo akong lumalayo sa kanya. Ang malamig na hangin ay bumabalot sa akin, halos hindi ako makahinga. Nasa gitna na siya ng dilim ngayon. Nakikita ko ang mga mata niya, nangingislap ng takot, pero hindi na siya nagsasalita. Ang katawan niya ay unti-unting naglalaho sa mga anino, parang tinutunaw ng kadiliman.
"Don’t leave me! I’m here!" halos sigaw na ang boses ko, pero parang walang silbi. Hindi ko na siya marinig. Hindi ko na siya maaabot.
At sa isang iglap, si Flor ay nawala na sa akin.
Napabalikwas ako ng bangon, hingal na hingal at may malamig na pawis sa noo. Parang totoo pa rin ang nararamdaman ko—ang takot, ang pagkabigla. Pangitain na naman.
Ilang linggo na akong binabagabag ng mga ito. Paulit-ulit, gabi-gabi, ang parehong eksena—ako, si Flor, at ang dilim na kinukuha siya mula sa akin. Pero bakit? At bakit si Flor?
Huminga ako nang malalim, pinipilit kalmahin ang sarili. Pero kahit anong gawin ko, hindi mawala sa isip ko ang imahe ng mga anino. It felt too real, too close. Sabi ko nga, nagiging weirdo na ang lahat ng ‘to.
...
Pagkatapos ng ilang oras ng pag-ayos ng sarili, lumabas na ako ng bahay. Nakatago pa rin sa likod ng mga mata ko ang imahe ni Flor na nawawala sa mga anino, kaya kahit maaraw ang umaga, parang mabigat pa rin ang pakiramdam ko.
Pagdating ko sa library, parang wala namang kakaiba. The usual quiet filled the room, with the familiar scent of old books welcoming me. Tahimik ang lahat, ang mga estudyanteng pumupunta rito ay subsob sa kanilang pag-aaral o pagbabasa. It should’ve been comforting—this was my sanctuary, my escape from the outside world. Pero ngayon, ang mga anino mula sa panaginip ko ay parang naglalakad kasama ko sa bawat hakbang.
Bumuntong-hininga ako at sinimulan ang trabaho. Maraming mga libro ang kailangang ayusin, cataloguing, at kung anu-ano pang administrative tasks. Pinipilit kong ituon ang isip ko sa mga libro, pero tuwing napapatingin ako sa mga anino sa sahig o sa mga kanto ng shelves, hindi ko maiwasang maalala si Flor. Every shadow seemed deeper than it should be, as if waiting for something—or someone.
Habang binubuksan ko ang mga libro para ma-catalog, nakita ko ang isang lumang koleksyon na nasa itaas na shelf. It was an antique collection we rarely touched. Pinalipas ko ang tingin doon, pero napahinto ako nang may biglang kumaluskos.
Thud.
Isang libro ang bumagsak mula sa itaas, walang dahilan. Walang malakas na paggalaw o kung anuman. Tahimik ang paligid pero naramdaman ko ang bigat ng presensya sa paligid ko. Napatingin ako sa sahig, at nakita ko ang aklat na nakabukas—“Sibylline."
BINABASA MO ANG
The First Sibylline (The Magic of Contrast Trilogy)
Fantasía"Sibylline" Si Lucina, isang ordinaryong babae, ay unti-unting nagigising sa isang mundo ng propesiya at misteryo matapos niyang maranasan ang mga bangungot na puno ng anino. Habang sinisikap niyang tuklasin ang mga lihim na nakatago sa mga sinaunan...