Echoes of a Hidden Past
Lucina's Memories
Nasa isang malawak na hardin kami noon ni Flor. Magkabilang bahagi ng bulaklakin na damuhan ay sumasalubong sa mga paa namin habang tumatakbo kami, hagikhik at tawa ang pumupuno sa hangin. Parang walang katapusan ang saya namin tuwing naglalaro sa ilalim ng araw.
“Lucina! Habulin mo ako!” sigaw ni Flor, habang mabilis siyang tumatakbo palayo. Siya yung tipo ng tao na laging may liwanag, parang araw. Kahit gaano man kalungkot ang mundo, lagi siyang may ngiti, laging masaya. Siya ang nagsisilbing liwanag sa araw-araw kong buhay.
Ako naman, sumusunod sa kanya, natatawa at napapahabol. Lagi kaming ganito—magkasama, walang iniintinding problema sa mundo.
Hanggang isang araw, tumigil ang lahat.
Ang bahay nila ay puno ng mga kahon. Hindi ako makapaniwala noong sinabi ni Flor na aalis na sila. "Canada? Bakit biglaan?" Hindi ko maiwasang tanungin. Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko—ang pagkakapit ng isang batang takot na mawala ang kaibigan.
“Lucina, sorry... kailangan namin lumipat. But I promise! I’ll send you letters. Hindi kita kalilimutan, okay? Best friends forever!” ngumiti si Flor, pero may lungkot sa kanyang mga mata. Alam kong hindi ito basta-bastang paalam.
Pinilit kong ngumiti, kahit parang mabigat na masyado ang nararamdaman ko. “Oo, maghintay ako ng letters mo. Best friends forever.”
Pero walang dumating.
Dumaan ang mga buwan, pagkatapos mga taon, pero kahit isang sulat, wala akong natanggap mula kay Flor. Sa umpisa, araw-araw kong inaabangan ang sulat, nagbabakasakaling baka nadelay lang. Pero wala—kahit isang liham mula sa taong naging ilaw ng buhay ko, wala.
Wala rin akong ibang paraan para makipag-ugnayan sa kanya. Hindi ko alam ang bagong address nila sa Canada, ni hindi ko alam ang bago niyang numero. Ang tanging meron ako ay ang pangako niyang babalikan ako—pangakong natunaw na sa hangin.
Walang araw na hindi ko siya naisip. Bakit siya tumigil magpadala ng balita? Napakaikli ng distansya ng isang sulat, pero bakit parang napakalayo na namin sa isa’t isa?
Lucina's Nightmare
Madilim. Nakapalibot sa akin ang malamig at malungkot na hangin. Nasa gitna ako ng isang kakahuyan, malayo sa kahit anong liwanag, at sa paligid ko ay puro anino.
Biglang narinig ko ang tinig ni Flor—malabo, pero malinaw ang takot sa boses niya. “Lucina! Lucina, tulungan mo ako!”
"Flor!" sigaw ko, takot at naguguluhan. Saan siya nagmula? Bakit parang naririnig ko siya kahit saan?
Nagsimula akong tumakbo, sinusubukan siyang hanapin sa kadiliman. Pero bawat hakbang ko ay tila papunta sa mas malalim na anino. Hindi ko makita ang daan, hindi ko maramdaman ang liwanag. Ang tanging naririnig ko ay ang paulit-ulit na sigaw ni Flor, tumatawag para sa tulong.
“Lucina! Hindi ko na kaya! Tulong!” Malakas ang sigaw niya, halatang nasa panganib.
“Nasaan ka, Flor? Nandito ako! Sagutin mo ako!” Sumisigaw ako, pero wala akong matanaw. Nagsisimula na akong mawalan ng pag-asa, habang tila palapit ng palapit ang anino sa akin.
Sa isang iglap, biglang lumitaw si Flor, pero hindi siya ang kaibigan kong masaya at puno ng liwanag. Ang mukha niya ay maputla, at ang mga mata niya ay puno ng takot. Hinahabol siya ng mga anino—mga aninong tila gustong lamunin siya ng buhay.
BINABASA MO ANG
The First Sibylline (The Magic of Contrast Trilogy)
Fantasy"Sibylline" Si Lucina, isang ordinaryong babae, ay unti-unting nagigising sa isang mundo ng propesiya at misteryo matapos niyang maranasan ang mga bangungot na puno ng anino. Habang sinisikap niyang tuklasin ang mga lihim na nakatago sa mga sinaunan...