Echoes of a Veiled Fate

6 3 0
                                    

Echoes of a Veiled Fate

Lucina's Perspective

Hindi pa rin maalis ang tensyon sa katawan ko habang tumatakbo kami palayo sa bahay ni Kieran. Mabilis kaming sumakay sa sasakyan niya, habang si Tala ay nasa likod na tila walang kabang nadarama. Ilang beses kong inisip kung tama ba na magtiwala agad sa isang taong bigla na lang dumating at tumulong, pero wala na akong ibang pagpipilian. Hindi ko maikakaila na mas ligtas kaming tatlo kapag magkasama.

Tiningnan ko si Kieran, mahigpit ang kapit sa manibela habang binabaybay namin ang madilim na daan. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano siya nagkaroon ng ganoong kapangyarihan—ang apoy sa kanyang mga kamay, na parang kasing-init ng nararamdaman kong kaba.

"I can’t believe this is happening," bulong ni Kieran, halatang nasa hangganan na rin siya ng kanyang katinuan. "What the hell is going on?"

Hinahaplos ko ang aking noo, sinusubukang pakalmahin ang aking sarili. "Hindi ko rin alam, Kieran. Everything's too... unreal." Napatingin ako sa likod ng sasakyan, tila ba inaasahan kong susundan kami ng mga anino.

"There’s more to this than just shadows," biglang sabi ni Tala, na parang walang takot sa kanyang boses. "You’re both part of something much bigger. The whispers… the shadows… they’re just the beginning."

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Parang may malamig na hangin na dumaan sa katawan ko kahit na nasa loob kami ng sasakyan. Ano'ng ibig niyang sabihin?

Makalipas ang halos isang oras ng tahimik na biyahe, huminto kami sa isang maliit na bahay na nasa gilid ng isang kagubatan. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng mga puno at insekto ang maririnig. Bumaba ako ng sasakyan, nararamdaman ang lamig ng gabi. Nilingon ko si Tala, na parang may alam sa lugar na ito.

"We’ll be safe here for now," sabi ni Tala, tumuturo sa lumang bahay. "This place is protected."

"Protected?" tanong ko, hindi pa rin lubos na makapaniwala. "Paano? At sino ka ba talaga, Tala?"

Tumigil siya saglit, na parang nag-iisip kung sasabihin ba niya ang totoo. "I’m here to help, that’s all you need to know for now." Hindi ako nasiyahan sa sagot na iyon, pero wala na akong magawa.

Sumunod kami ni Kieran sa loob ng bahay. Maliit lang ito, may sala, isang maliit na kusina, at dalawang kwarto sa itaas. Walang mga gamit, pero sapat na para sa amin ngayong gabi.

Umupo ako sa isang upuan sa sala habang si Kieran ay tahimik na naglalakad papunta sa bintana. Ang daming nangyari, pagod na pagod ang katawan ko. Inaantok ako...

Lucina's Nightmare

Malamig. Nakakapaso ang lamig ng hangin, ngunit ang bigat ng mga yapak ko sa kawalan ay hindi ko alintana. I’m running. Running toward something—or someone. Muli kong nakita ang likod ni Flor, patakbo rin. I called her name, but she didn’t stop. Her figure vanished into the dark mist, at naramdaman kong para bang mas lalo akong nalulunod sa dilim.

"Flor!" Sigaw ko, desperado.

Bigla niyang iniangat ang ulo niya. Humarap siya sa akin, pero hindi siya naglakad papunta. Nakakatakot ang anyo niya—pale, gaunt, and her eyes seemed hollow. "Tulungan mo ako, Lucina. Nandiyan siya, kinuha niya ako... Paparating na ang dilim." Nanginginig ang boses niya, na parang isang bulong na naliligaw sa hangin.

Bago pa ako makagalaw, nilamon ng anino si Flor. Napatigil ako, hindi makapaniwala sa nakita ko. And just like that, the darkness claimed her.

Nagising ako bigla, nanginginig at malalim ang hininga ko. Pawis na pawis ako, and the room felt suffocating despite the chilly air. Sa gilid ng kama ko, nakita ko si Kieran na tahimik akong pinagmamasdan, hawak ang isang baso ng tubig.

The First Sibylline (The Magic of Contrast Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon