01

28 8 0
                                    

Eryx Keir Zaven

Napaka ganda talaga nang palabas na iyon, grabe na intindihan ko talaga. Lalong lalo na yung may sinabi yung isang lalaki na hindi ko na intindihan. Hindi ako japanese para malaman ang sinasabi nila. Na scam ako sa subtitles, dapat talaga tumitingin muna sa comment section para malaman kung may English na subtitles.

Nag sasayang lang tuloy ako nang kilig, di ko naman alam ang mga sinasabi nila. Nakaka puta talaga si bilibili, yung iba naman na download ko may kulang na episode dahil deleted kamo sa nag post.

Ganon na ba ako ka sama nang maranasan ko ang mga yun, iiyak na ba ako? O wag na dahil sayang lang yung iluluha ko. Ano ba talaga?

" Di ka pa ba talaga dyan babangon Inting! "

Yun ang Inay ko nag sisigaw sa labas nang kwarto ko. Alam mo bang kanina pa yan si Inay sa labas, katok lang nang katok tapos sisigaw nang malakas. At tsaka di ka ba nag tataka sa tinawag niya sa akin. Inting? Sa mukha kong to anlaswa nang binigay na pangalan. Kahit saan at kahit kailan yan ang tinatawag ni Inay sa akin.

Nahihiya din naman ako dahil sa laki at lakas nang tinig ni Inay. Kapag ako'y kanyang tinatawag lahat nang atensyon nang mga tao ay sa amin, para bang all eyes on me agad. Kaya parati na lang akong nakikinig sa mga sasabihin niya kapag nasa labas kami.

" Oo na, Inay. Lalabas na po! "

Mag sisigawan lang talaga kami ni Inay kapag umaga na, alam mo bang na kakatamad kapag umaga. Tapos bangag na bangag yung utak mo.

" Tatayo ka dyan o ihahampas ko itong dala dala kong walis tinting? "

Sa nakita kong dala niya napa balikwas agad ako nang bangon. Ang sakit kaya. Okay na kong isang tagkos yung ihahampas sayo, eh. Hindi naman isang piraso ba naman. Masakit kaya iyon.

" Inay! Paano ka naka pasok sa silid ko? "

Nagka pag tataka naman dahil sa kanina pa siya katok nang katok. Tapos ngayun naka pasok na, may super powers ba si Inay?

" Malamang bahay ko ito Inting, di ka pa ba tatayo diyan at maligo. Alam mo bang amoy na amoy ko na ang baho nang pakpak mo. "

Suminghot naman ako sa kilikili ko. Di naman na ngangamoy, ah. Scammer din itong si Inay.

" Scammer ka nay. Alam mo bang ang bango nang kilikili ko. At tsaka nay. Kapag ba ako nag dala dito nang lalaki tapos sasabihin ko sayong boyfriend ko iyon, anong gagawin mo? "

Paano naman na punta yung usapan namin sa boyfriend na iyan? Gusto ko tuloy ma tawa sa reaction na ginawa nang Inay. At sino naman ang dadalhin ko sa bahay na lalaki, eh. Wala naman akong naging jowa at tsaka takot akong maghanap nang lalaking mamahalin.

" Abay, sino naman ang lalaking iyan? Sinisigurado ko talaga sayo, Inting. Kapag ikaw na buntis papalayasin talaga kita sa pamamahay na ito. "

Buntis? Anong nakain ni Inay? Baka nakaka limutan niyang lalaki ang anak niya hindi babae.

" Inay, for your information, you have a son not a daughter. Ya know, eyyy ka nga eyyy. "

Pinataas ko ang kamay ko at gumawa nang call sign and then I shake it. Ginaya rin naman ito ni Inay na may pagtatakang naka paskil sa kanyang mukha. Nang matauhan ito ay hinapas talaga ako nito sa dala dala niyang isang pirasong walis tinting.

" Aray ko Inay! Tama na ang sakit. Maawa ka naman sa iyong beautiful daughter. "

Sabi ko sa kanya sabay talokbong nang kumot ko. Ngunit hampas parin nang hampas si Inay sa akin.

"For your information din Inting. Lalaki ka hindi ka babae, kaya wag mo akong ma-daughter-daughter dyan."

Natawa naman ako sa sinabi ni Inay. Ang galing na niyang maging copycat ko.

" ay, wow. Inay ang galing mo nang gumaya sa akin. English ba naman ang Inay ko. "

Tawa pa din ako nang tawa nang lumabas ako sa pagkaka talukbong nang kumot ko. Tapos na kasi si Inay mang hampas.

" Bangon ka na dyan at mag ayos, may klase ka pang pupuntahan ngayun. "

What the fuck. Bakit di ko iyong na isip, may klase talaga ako right now, tapos heto ako di pa naka pag ayos nang gamit at di pa naka pag ligo .

" Inay! Bakit di niyo ako ginising. "

Imbes na sagutin ako ay tinalikuran lang niya ako at umalis nang silid ko.

Grabe talaga ang mood ni Inay, ang bilis mag bago mas mabilis pa kay flash.

" Buti at umabot ka pa sa klase Keir. "

Kapag ba sasabihin ko sa kanya ma ibabalik pa ang lahat? Di ba hindi? Kaya wag na itong sabihin.

" I overslept, ay mali di ako naka tulog. " sabi ko sa ka seatmate ko na si Cassian.

He's my friend and also a seatmate. Matagal na kaming mag kaibigan, I knew him when we were in junior high school. May iba din akong mga kaibigan kaso di namin sila ka klase.

" let me think. Di ka naka tulog dahil nanonood ka na naman nang series. Tama ba Ako? Nako-nako ikaw talagang bakla ka, paawat na kakapanood nang mga series na iyon. Wag kang gumaya kay Clyde. "

Cassian, is also a gay. Parehong pareho sila ni Clyde na Kapatid niya. But he's like a mother kung umasta, lahat nang mga gagawin mong mali sesermonan ka na niya.

" Clyde recommended that series maganda raw kasi. Maganda naman talaga kaso di ko na intindihan yung mga sinabi nila, walang subtitles. Naka tanga lang akong nanood sa series na iyon. "

Naka nguso akong inilapag ang ulo ko sa table at tumingin sa ibang direksyon. Napa buga na lang nang malakas si Cassian sa mga inaasta ko.

" Habang maaga pa Keir, itigil niyo na iyan. Ayaw kong maging mukha kayong adik na naglalakad pa punta dito sa universidad dahil sa wala kayong tulog. At alam mo bang lampa ka pa naman, tapos idagdag mo pa iyang pagka delusional mo. "

Mag sasalita pa sana ako nang pumasok na yung professor namin. Mas mabuting makinig na lang ako kesa patulan ang isang to, ayaw ko pa naman nang maraming dada sa araw kong ito. Ngunit sa mga inaasta nang mga kaibigan ko kapag naka paligid sila sa akin ay ibang iba, napaka protektadong protektado ako. Mapagmahal sila sa isa't-isa lalong lalo na kapag ako ang nakikita nila, naku di talaga ako maka hingal nang maayos dahil sa pagmamahal nila.

Takot man akong mag mahal, peru naghahanap din ako nang kung sinong magmamahal sa akin. It feels like parating may kulang sa akin.

Di naman sa nag aassume ako na may lalaki talagang magmamahal sa akin, dahil lang sa mapang husgang henerasyon natin ngayun. Kaya sinong may gustong lalapit sa akin para gustohin ako,diba?

Natapos ang klase na bangag na bangag yung utak ko, ni isang leksyon walang pumasok sa isipan ko. What happened to my mind right now. Gusto ko na lang magpa lamon sa lupa dahil sa mukha kong ito.

" okay ka lang ba Keir? "

Tanong nang mga kaibigan ko, mismong nasa basketball court kami ngayun dahil sa gusto daw nilang manood nang basketball. Basketball ba kaya o yung man lalaro, dahil kanina pa sila sigaw nang sigaw sa mga manlalaro na di ko naman kilala. Lutang ako ngayun, gusto kong matulog sa tahimik na lugar kaso dinala ako nang mga baklang ito sa court para manood nang game.

" Ha? May sinasabi ka ba Wayne? " tanong ko sa isa kong kaibigan.

" Tulog ka pa ba Keir? "

Nag aalalang tanong nito sa akin, tsaka winagayway Yung kamay niya sa harapan ko na nasa ibang lugar ang iniisip.

" Aalis lang ako. Maghahanap ako nang matutulogan. "

Paalam ko sa kanila at tumayo sa inuupuan. Madali din naman akong naka labas sa inuupuan ko dahil mismong nasa harap lang kami nang court.

" Keir! Umilag ka! " sigaw nang mga kaibigan ko.

Sa di inaasahang pag harap ko ay tumama yung bola, mismong sa mukha ko pa talaga. Namayani ang katahimikan sa loob nang court nang tumama ang bola sa mukha ko.

" Hey! Wake up. " ang huli kong narinig bago ako mawalan nang ulirat.

One Kiss, One Desire  (College Series 1)Where stories live. Discover now