Ch. 4

86 1 0
                                    

-Sheena-

Anong oras na at hindi pa rin dumarating si Mikha, si miss Macey pa naman yung first subject namin.

"Good morning, class. Please prepare for a pop quiz."

Juice colored! Eto na nga ba sinasabi ko.

"Staks! Tawagan mo nga si Mikha. Anong oras na, hindi naman yon nale-late ah?" bulong ko kay Staku.

"Baka kasama yung hilaw niyang girlfriend? Hayaan mo na yun, malaki na yun." iritableng sagot nito.

"Ano ba! Wag ka na ngang magmaldita dyan! Birthday mo ngayon so dapat good vibes lang. Dali na! Call mo na si Mikhs." pagpupumilit ko.

Inirapan lang ako ni Stacey pero kinuha niya na rin yung phone niya at pasimpleng tinawagan si Mikha.

"Papunta na daw."

Nakaka 8 na kaming question nang biglang dumating si Mikha kasama si Criza. Muntikan pa silang hindi papasukin ni miss Macey but buti nalang cinover namin sila ni Stacey. We lied at sinabing we forgot to inform miss Macey na sinabihan kami ni Mikhs na nasiraan siya ng kotse dahil na excite kami sa pa pop quiz ni miss. Buti nalang talaga at once in a blue moon lang tong si Mikhs ma late at pinalampas ito ni miss Macey.

Pagkatapos ng first subject namin, pansin kong inaantok si Mikha. Kita rin na parang lumalaki yung eye bags niya. Ano ba kasing ginagawa nitong babaeng to at parang palaging puyat? Ganon ba sila ka lala mag late night talks nitong si Criza?

Break time na rin namin at naisipan ko sanang ayain si Mikha upang imeet up si Ate sa grandstand. Nag bake kasi ito ng cookies at cupcakes for Staku pero bigla nalang itong nawala sa classroom. Hindi naman sila magkasama ni Criza dahil andito lang siya sa classroom at nakikipag harutan sa mga boys.

"Hi bebe!" bati ko sa poging girlfriend ko na tahimik lang na nakaupo. Agad naman itong tumayo at sinalubong ako ng yakap.

"Hi bebe! Si Mikhs?" tanong nito.

"Di rin namin alam bebe. Biglang nawala sa room eh"

"Baka nag de-date lang sila ni Criza." Biglang sulpot naman ni Colet habang hawak hawak ang mga cupcakes na gawa ni Ate.

"Anong date? Abalang nakikipag harutan nga yung hilaw na girlfriend niya dun sa mga classmates namin eh."

Inis na napaupo si Stacey sa grandstand at gigil na nag selpon nalang.

"Cols, si Ate?" tanong ko nang mapansin kong hindi niya pala kasama si Ate.

"Nasa classroom pa nila, hahabol lang daw. Checking nalang sila ng quiz. Patapos na rin yun. Dinaanan ko lang to, pinapaabot niya daw."

"Sus! Dinaanan ba talaga ang cupcakes or may dinaan na classmate ni Ate?" pang aasar ko sa kanya.

"Issue mo talaga, Shee. Oh eto, cupcake."

Kumuha na rin ako at hindi talaga ako nag bibiro guys, ansarap!

"Eyyyy! Bida na naman ang cupcakes ng Ate ko!" halos mapapikit ako sa sarap. Sobrang lambot ng cupcakes at sakto lang talaga sa tamis. Pwedeng pwede na talagang sumunod sa mga yapak ni tito eh.

Kumekendeng kendeng ako dito sa grandstand dahil sa sarap ng cupcakes na kinakain ko.

"Wow naman! Sayaw na sayaw yang bebe namin ah."

"Ate!" napatigil ako ng sayaw nang marinig ko yung paparating at patakbo akong yumakap sa kanya.

"Ateeee Oaiaaah! Ansarap ng cupcaaaakes!" pagpapabebe ko sa kanya sabay halik sa pisngi nito.

GlimpseWhere stories live. Discover now