PROLOGUE

327 10 0
                                    

ROWAN

Loud music, blinding lights, cold hard drinks, and being surrounded with people who don't give a fuck about tomorrow are the opposite of what makes me feel alive the most, but this kind of place is where I can find the type of people that makes me feel alive the most.

I learned to love it, though. I did enjoy being here. Perhaps it's 'cause of the people I'm always with. Kanina ko pa hinahanap ang table nila pero iba ang nahahanap ko.

"Nice hair, dude!" bati sa 'kin ng kakilala ko.

"Naman, p're!" Nakangiting tinanggap ko ang bro-fist niya at ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Rowan? Shut up..." a girl suddenly got in my way to kiss me in the cheeks, "bagay sa 'yo!"

"Thanks, Cindy! You smell good," malambing na komento ko that made her softly chuckle.

"Later?" She winked.

"We'll see." I caressed her hair before finally letting her go and finally reaching my circle's table.

"Hakot na hakot si blondino!" salubong na asar agad ni Marvin.

Umakto akong nagpa-gwapo at mas lalo silang nagtawanan. Umupo ako sa couch at mariing isinandal ang likod. Nakakapagod! Pa'no ba naman? Pagkaratig ko ng condo, bigla naman silang nag-aya agad na mag-bar. Who am I to say no? Ayos na rin 'to. One last, bago tuluyang magsimula ang school year.

"Ano, may take out ka na naman mamaya?!" Inabot sa'kin ni Marco ang isang drink.

"Oo, ako! 'Di ba, babe?" Malambing na sabi ng katabi kong si Sam at pilit na inilagay ang braso ko sa balikat niya.

"Gago ka talaga!" Natatawa siyang hinampas ni Marco.

Ginulo ko ang buhok niya. Sanay na ako sa kanya. Lagi ba naman akong biruin at lambingin ng ganito. Kung hindi ko lang kaibigan, pagbibigyan ko talaga.

Umiling akong ininom ang alak na parang tubig lang. "Good boy na ako ngayon."

"Ngek, sino'ng niloko mo?" Sabat naman ni Joseph at humagalpak na naman sila sa tawanan.

Hinayaan ko lang sila. Biro ko lang naman talaga 'yon. Hindi ko na rin talaga alam kung magseseryoso pa ba ako. I don't know. Being a playboy gives me excitement and thrills. Pamparaos lang naman ang habol ko, ayoko ng attachment. I'm too good just for one single person to enjoy.

"Makakahanap ka rin ng ka-tapat mo, Rowan. Sinasabi ko sa 'yo!" pabirong sabi ni Marco.

"Rowan..." An alluring voice suddenly captured me. Bigla siyang lumapit sa'kin at umupo sa lap ko.

Agad kong naamoy ang kanyang matamis na pabango. Damn, why am I so attracted to nice scents?

"Ay, sis! Ano? Jeep ba 'to at punuan? Ba't may pagkandong sa babe ko?!" Sam crossed his arms. Nagtawanan sila sa sinabi niya.

"Uh... who is this, Rowan?"

Binaba ko sa table ang hawak na baso at binawi ang kamay ko mula kay Sam para tuluyang ipadama sa napakagandang lalaki 'to ang hinahanap niya by grabbing his dainty waist.

"Hmm he's just kidding, Timothee," I started pursuing his precious neck, "I missed you, darling."

"Really... Bakit hindi mo ako nirereplyan?"

Narinig ko ang malakas na pagbuga ng alak ni Marvin. Nagtawanan din ang iba. Nanatili akong kalmado. Bakit nga ba? Hindi ko na kasi alam sino uunahin sa daming messages. That's why I hate commitments; they're time consuming.

Sincerity's Sanctuary (Siren Avenue #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon