Chapter 12

784 3 0
                                    

"Girl ano nangyari sayo, absent ka ng ilang araw ah" tanong agad ni Sophia sakin.

After kasi ng ilang araw na pagpapahinga ay bumalik na ko sa eskwela. Madami na din akong dapat tapusin dahil nawala din ako ng halos isang linggo, unti na lang kasi at bakasyon na. Mahigit isang linggo din hindi pumasok si Lucas at inaalagaan ako. Medyo nasanay na nga ako sa presensya niya.

"U-uhm.. wala may pinuntahan lang kami" pagdadahilan ko. Kahit malapit na kaibigan ko si Sophia hindi ako komportable na pag usapan ang nangyari samin ni Lucas.

"Wala daw. You're kinda suspicious" tinitimbang niya ko sa kanyang pagtingin "Nevermind! Do you know Direk and Shiela hiwalay na sila girl" chika niya sakin.

Direk and Shiela are the famous lover here in school. Si Shiela ay classmate namin at siya ang pinaka maldita sa lahat. Nambubully din siya at pinapahiya niya ang mga binubully niya. May alipores siyang dalawa si Beth atsaka si Ingrid they are all bullies. Ilang beses na din ako nakaranas ng pambubully nila pero di ko na lang pinapansin. Hindi pa naman nila ako sinasaktan kaya hindi ko na din sila binibigyan ng atensyon.

Naglalakad na kami papunta sa next subject namin ni Sophia we are taking HRM and I am on my first year patapos na ang school year at mag second year na kami.

"Oh! Talaga. Bakit daw?" tanong ko naman sa kaibigan ko.

"Well according to my source, may gusto daw si Direk na ibang babae" sagot niya naman.

Direk is a number one womanizer in the campus halos ata ng babae dito sa school ay gusto siya. Gwapo naman siya pero mayabang pa sa mayabang. Direk family has also a share in this school. His father is the director of the school. Kaya kahit mambully man siya hindi siya nakakaalis sa paaralan na to. Connection this day is really manipulative. Basta may kapit ka at mayaman kaya nilang magbulag bulagan.

Nang makapasok kami sa room ay nakita ko agad si Shiela at ang kanyang mga alipores. Napatingin sila sa gawi namin ni Sophia, nakita ko siyang napangiti habang nakatingin sakin, masama ang kutob ko sa ngiti na yun. Pero dumiretso na ko sa upuan ko at binawela lang siya.

"Okay class.. After this discussion you may all ready for next year" sabi ng professor namin "Miss Mendoza, sumunod ka sakin sa faculty room" napaangat naman ako at tumayo na din para sumunod sa professor namin.

Nagtataka ako kung bakit ako pinasunod ng aming professor, di na lang ako nagsalita habang sinusundan ko si Mr. Perez. Nang makarating sa faculty room ay nilapag niya ang mga bond paper na nakacompile sa harap ko.

"This are the lessons that you miss Ms. Mendoza, Mr. D'lore requested that" sabi ni Mr. Perez "You're lucky because we don't do special treatment here. But since Mr. D'lore requested that we need to follow" mahaba niyang paliwanag.

Napayuko naman ako dahil sa sinabi niya, hindi ko alam na ginawa ni Lucas ito. Pwede naman hindi kasi andyan naman si Sophia para mahingan ko ng tulong. Pero hindi na lang ako nagreklamo dahil ayaw ko din na mahuli sa klase namin. Patapos na din naman ang school year at malapit na din ako mag birthday.

Pagkatapos kong kinuha ang mga aaralin ko ay lumabas na din ako at hinanap si Sophia dahil mag uuwian na din.

"Ano yan?" tanong ni Sophia nung nahanap ko siya. Dumeretso na kami palabas ng gate.

"Mga lessons na namiss ko nung nakaraan" turan ko sa hawak kong mga lesson.

"Ay taray naman pala. Special treatment yarn. Bakit wala ako niyan nung nagbakasyon ako kasama family ko" reklamo niya sa akin.

I rolled my eyes at here "Aba'y ewan itanong mo sa professor natin" maldita kong sagot sa kanya.

"Hmp! What if mag transfer na lang ako para mamiss mo ko" pag iinarte niya.

OBSESSED TO BELLA (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon