Chapter IIII

172 9 2
                                        

.
.
.
.

—Pau's POV—

Kakaiba talaga 'tong librong 'to, hindi ko naman masasabing creepy kumbaga medyo weird lang, ganon.

"hay nako, distracted nanaman si Pablo!" pag saway ko sa sarili ko.

Dapat nga pala nag re-review ako ngayon, gusto ko'ng paniwalaan itong nakikita ko, pero there's a part of me na inisip na baka umaatake nanaman imagination ko.

I closed the book and tried my best to focus back on what I was reading. After 5 minutes or so, habang nagbabasa— biglang sumakit ulo ko.

Dami namang istorbo gusto ko lang namang mag review, I stopped reading and massaged my head with my hands for a while. I had my eyes closed when I heard a ringing sound in my ears, it was faint but it was noticeable.

Napadpad ulit yung mata ko doon sa kakaibang libro, I reached out and opened it once again. Ay talaga naman oh, imagination ko lang pala talaga 'yung drawing kanina, nawala eh!

"hay nako Pablo, 'wag ka na mag puyat next time" I whispered to myself as I closed the book.

I sighed and decided to just borrow my reviewer from the library, mas comfortable kasi talaga ako mag review sa bahay. Tsaka tuturuan ko pa si Josh, puro laro kasi eh.

I gathered my stuff and as I was about to stand up, I glanced at that book and picked it up. Ibabalik ko na sana sa pinag kuhanan ko kaso pag buhat ko, natanggal 'yung cover!

Nilapag ko ulit sa desk and I tried to see if I could still fix it, as I was doing so, nag chime yung phone ko so tinignan ko muna.

It was from Josh, tinatanong kung anong oras daw ako uuwi, hay nako.
I just left him on seen since nag aalala ako kung pano ko aayusin yung libro.

I decided to ask the librarian kung may glue sila or kahit ano na magpapa dikit ulit sa cover nung libro, kaso nga lang sermon ang inabot ko.

Wala na ngang glue, nasermonan pa. Well kasalanan ko naman talaga so I guess iuuwi ko nalang muna. Wala kasi akong cash na dala para pang bayad sa damage.

I went home with the book, habang naglalakad pauwi parang weird 'yung feeling. Para akong napa-paranoid na ewan, parang feeling ko biglang may manghahablot sa libro any moment.
I just held it tight and continued walking home.

Sa wakas I arrived and I saw Josh sitting on the couch, scrolling on his phone.

"uyy, asan pasalubong ko?"

"pasalubong mo mukha mo, di ka nga sumama mag review eh" I said as I rolled my eyes.

Nilapag ko na mga gamit ko including the book and as I was walking towards my room to change my clothes, I heard Josh ask about the book.

"anong libro 'to bro? Number lang naka lagay??"

"huh?" pagtataka ko

Napapunta tuloy ako sakanya at napatingin din doon sa libro, hanep may number nga! Cellphone number 'yung naka lagay eh wala namang ganyan dyan kanina ah.

"ah, oo haha.. Uhm una na 'ko ah?" Pagdadahilan ko.

I said as I grabbed the book out of Josh's hand and proceeded to my bedroom. I closed the door behind me and sat on the floor, I analyzed the book flipping every page. Pero wala talagang nakalagay maliban doon sa number that wasn't even there in the first place.

Nahihibang na ba talaga ako? Una may drawing tapos nawala, ngayon naman biglang may phone number dito! Pero imposibleng imagination ko lang kasi nakikita din ni Josh eh, hmm.

Dekada Wala || A PabKen Au ||Where stories live. Discover now