1

8 1 2
                                    

Wala sa sarili akong bumangon at pinatay ang alarm na tumutunog sa cellphone ko. After doing that, napahiga muna ako nang kaunti.

Another suffocating day. Makikita ko na naman ang mga classmate kong makakapal ang mga pagmumukha. Kung pwede lang sana ay huwag na akong tumayo but the everyday routine has to continue.

Tinupi ko ang kumot na ginamit at ipinatong sa unan ko. Pagkatapos ay sumilip sa kusina. Bukas na ang ilaw doon at naririnig ko na rin ang tunog ng naluluong sinangag.

Kinuha ko muna ang mga gagamitin ko mula sa damitan ko—twalya, sabon sa mukha, toothbrush, at underwear. Dumiretso agad ako sa banyo at naligo na. It wasn't a rush shower but it took me twenty minutes to finish.

Pagkalabas ko ay nagbihis agad ako. It's Monday so I wore our typical school uniform. Our upper uniform is white, short-sleeved, buttoned-up shirt. It's collar and the end of its sleeves are in navy blue. I also wore our below knee-level, navy blue skirt. Sinuklay ko na rin ang basa kong buhok.

"Kain na!" rinig kong sigaw ni papa.

Tinungo ko ang kusina at kumain na doon. Nakita ko na rin si Laizan na tumayo. Si Riley naman, naririnig ko ang tunog ng laro niya sa cellphone nito. For sure, she's still on bed. Hindi ko pa naririnig ang boses ni Jhree. Siguro, tulog pa siya.

Naglagay na ako ng agahan sa pinggan ko at kumain na. Our breakfast is also the typical breakfast of most Filipino, fried rice, egg and tuyo. Idagdag pa ang katitimpla kong kape. Perfect match!

Sinabayan na nila ako sa pagkain. Napatingin ako kay Jhree nang halos sumigaw ito.

"Pinggan ko iyan!"

Sinasamaan niya ng tingin si Riley na nakahawak sa isang pinggan. It wasn't an extraordinary plate. Kagaya lang ng design nun ang design ng mga plato namin. Siguro ay wala nang ibang platong natira. Wala kasing naghugas kagabi.

"Akin, 'no!" asik ni Riley at dinilaan ang ibabaw ng pinggan. Tinalikuran niya ang isa at naghain na sa pinggan nito.

Walang nagawa si Jhree at kumuha ng ibang plato.

I averted my gaze from them. I continued eating until I was done. Pagkatapos uminom ng tubig ay kinuha ko ang bag. Pinuno ko muna iyong tumbler ko ng tubig bago tinignan ang bag. I am pretty confident I slid everything I need inside my bag last night but you know, I have this unexplainable feelings that I need to check it again. Nang masigurong nasa loob na ang lahat, tumayo na ako.

"'Pa, una na ako!" paalam ko dito at isinukbit ang bag.

"Oo!"

Nang marinig ko ang pagtugon niya sa akin, lumabas na ako ng bahay. Isinuot ko muna ang sapatos ko bago lumakad.

May tricycle naman kami kaya naihahatid kami kaya naihahatid naman kami ni Papa araw-araw pero masyadong mabagal ang mga kapatid ko magbihis kaya kapag hinintay ko pa sila, kukulangin na ako sa oras sa paglilinis. Masyado silang maraming delaying tactics. Isa pa, hindi naman ganun kalayo ang school mula sa bahay.

Malaki-laki pa naman ang cleaning zone ng grupo namin ngayon. Isama pang matagal maglinis ang mga kagrupo ko. If they weren't late, they wouldn't go on our zone without me. If that wasn't the case, nag-uusap-usap naman sila sa isa't isa tungkol sa mga bagay na pwede namang pag-usapan sa susunod na oras habang naglilinis, leading to a slow work. Kung hindi naman ganun, may dadating na kaibigan nila na dadaldalan sila and apparently, hindi na sila makapaglilinis nang maayos.

And one thing I hate, hindi nila ako marespeto at masunod bilang leader. I wasn't dictating nor manipulating them. Wala akong ganung intensyon. Sinasabihan ko lang sila na maglinis na dahil tumatakbo ang oras. Para saan pang sinabi nila sa adviser namin na ako ang gawing leader ng grupo namin kung hindi naman nila ako kinikilala bilang leader? Or not, they could have just did their responsibilities as a member!

Brought By HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon