Valeree Salgado:
Salamat sa reviewValeree Salgado:
HahahhaBim:
Good evening!Bim:
Your notes helped me to review well thoNapatigil ako sa ideyang pumasok sa utak ko. Okay lang kaya kung banggitin ko sa kaniya iyong reviewer ko? Pero hindi naman niya iyon tinatanong. Tama. Huwag na lang. Hindi naman niya tinatanong kaya 'di ko na lang sasabihin. Baka magmukha pa akong bastos at mayabang.
Bim:
Isauli ko tomorrowValeree Salgado:
Take your timeBim:
How about you?Bim:
Di ka magrereview?Valeree Salgado:
Tapos na akoBim:
Really?Bim:
I can just photocopy your notes namanBim:
So that, you can review tooValeree Salgado:
Okay lang talagaValeree Salgado:
May ginagamit din naman ako para magreviewValeree Salgado:
Take your timeBim:
Thank you, valeree!Hindi na nasundan ang conversation naming iyon dahil nag-heart react lang naman ako doon sa huli niyang chat.
Hindi rin ako tinigilan nina Riley at Laizan sa pang-aasar. Ni hindi ko makita ang pinupunto nila.
"Magbabanyo lang ako," pagpapaalam ko sa mga kapatid.
"Hintayin ka namin sa labas," saad ni Laizan at hinila si Riley palabas.
Naglakad na ako patungo sa CR. May iba akong nakakasalubong na ngininginitian ko. Nasa kapilya kami ngayon para sa young people's fellowship. Tapos na iyon at pauwi na kami pero naiiihi ako kaya magbabanyo muna ako.
Pagkatapos ng layunin ko doon ay lumabas na ako. Eksakto namang may lumabas sa CR ng mga lalaki at nang tapunan ko iyon ng tingin at nakita ko ang matangkad na lalaking may bagsak na two-curtained bangs.
Ngumiti siya, sandaling magtama ang mga mata namin. Naglakad din siya palapit sa akin. "Good evening!" nakangiti niyang bati.
Ngiti lang din ang sinagot ko sa bati niya.
"Pauwi na kayo?"
"Oo," sagot ko habang tumatango. Nagpauna na akong maglakad at naramdaman ko naman ang pagtabi niya sa akin.
"Thank you."
Sinulyapan ko siya saglit. "Para saan?"
"For letting me borrow your notes," sagot nito. "When I told you that your handwriting is pretty, I really mean it."
Tinikom ko ang bibig para pigilan ang ngiting gustong kumawala. Hindi ganoon kaganda ang sulat-kamay ko. Maliliit iyon at halos wala nang space. Maituturing kong out of the blue ang makatanggap ng papuri tungkol doon. Kahit kasi ako ay hindi maituring na maganda iyon.
"Salamat," tugon ko. Napakagat ako sa ibabang labi nang mapagtantong nakangiti na pala ako! Mabuti na lang at magkatabi lang kami. Hindi niya iyon makikita!
"Am I making you uncomfortable?" tanong niya matapos ang ilang sandali.
Napanguso ako at umiling "Hindi naman." Naging mahina ang boses ko. "Hindi lang talaga ako sanay makipag-usap."
Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagtango niya. "I'm sorry," mahinang sambit niya.
Mahina akong tumawa. "Walang dapat ika-sorry."
BINABASA MO ANG
Brought By Heaven
SpiritualMatthew 7:7-8 [7] Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you. [8] For everyone who asks receives; the one who seeks finds; and to the one who knocks, the door will be opened. --- Valeree Salga...