2

3 1 2
                                    

My days went on like that. Gigising nang maaga, maliligo, kakain, papasok, mag-aaral, uuwi, magpupuyat kakagawa ng walang katapusang assignment at kakahabol sa mga deadline na nag-uunahan palapit, at matutulog. A never ending cycle. May Prayer Meeting din kami tuwing Miyerkules pero hindi ako nakakapunta. Sa Sabado naman ay naglaba lang kami at ngayon—Linggo, araw Niya.

Many weeks had passed since the last day I went on church. Ni hindi ko na nga nabilang. I lost count. Every weekdays, I would think and look forward for this day to come but whenever it comes, ewan ko, hindi rin naman ako pumupunta. Tinatamad ako palagi. Kung hindi naman, maghahanap ako ng rason para hindi makapunta. Maybe, I'm just letting the devils to win on me.

Dinampot ko ang walis-tambo nang mawala sa paningin ko sina Mama at Laizan. Winalisan ko na lang ang hindi kalakihan ngunit hindi rin kaliitan naming bahay. Wala pang sampung minuto ay natapos ko na ang ginagawa.

Wala na akong ibang gagawin pa. Not that there's nothing to do here, ayoko lang. Kinuha ko ang cellphone at iyon ang inatupag.

Hours passed until Mama and Laizan went home. It was already striking twelve in clock. Nag-aya agad si Mama na kumain na kami.

Narinig ko ang pagpunta sa kusina ng mga kapatid ko. Narinig ko rin ang tunog na ginawa ng mga kilos nila.

"Valeree, halika na!" sigaw ni Mama mula sa kusina.

That's my cue. Tumayo na ako at pumunta doon. Mahirap na, baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig niya o 'di kaya ay sa bibig ni Papa. Baka banggitin na naman nila siya.

"Tinatanong ka ni Pastor," saad pa ni Mama nang maupo ako sa lamesa.

Hindi ko tinugunan ang sinabi niya at naghain na lang sa plato ko. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin. Sobrang tagal na. Ilang buwan na rin. Gusto ko nang bumalik pero iisipin ko pa lang ang mga itatanong nila sa akin ay parang nasasakal na ako. Hindi ko kayang marinig ang mga itatanong nila. Hindi ko kayang sagutin. Wala akong maisasagot.

"Ano bang lesson niyo ngayon?" Iyon na lang ang sinabi ko upang maiwasan ang sinabi niya. Nandito na kaming lahat at nagsimula na rin silang kumain.

Despite our family being religious for years, hindi pa rin kami nakakapagdasal nang sabay-sabay sa lamesa. Ni minsan, hindi pa. Hindi naman kasi sumasama si Papa sa amin. Ang palagi niyang sinasabi tuwing inaaya namin—nila siya, "Kilala ko naman Siya. Sapat na iyon."

"Be strong always," si Laizan ang sumagot sa akin.

Matipid na lang akong tumango at nagsimula na ring kumain.

"Iyong bago sa kapilya," usal na naman ni Mama at mukhang may ikukwento na naman. "Taga-school niyo rin iyon, 'di ba?" Tinignan niya si Laizan. "Ano nga ulit iyong pangalan niya? Bi? Beh? Basta, may Isaac sa pangalan niya!"

"Beau," sagot ni Laizan dito. "Beau Isaac."

Tinignan ko rin siya. Parang naririnig ko ang pangalan na iyon nitong mga nagdaang araw. Madalas siyang pag-usapan ng mga classmate ko. Ang sabi nila, transferee daw siya.

"11-A," saad pa ni Laizan. "Magaling daw siya doon sa dati niyang eskwelahan sabi nung classmate ko na kinumpirma ng kuya niya. Talagang magaling daw iyon."

11-A? Magaling talaga. Ni hindi nga ako nakaabot doon sa section na iyon. Kahit na ako ang first sa klase namin last year, hindi pa rin ako nakapasok doon, o kahit sa 11-B man lang. Ang sabi nila, para raw may matira pa rin na magaling sa 11-C kaya nandoon ako... and I doubt that. Hindi lang talaga ako ganun kagaling. Pwede naman akong magrequest na magpapalipat ako ng section. Ang kaso lang, baka imbes na pumunta ako sa mas mataas na section, baka bumagsak ako sa 11-D. Ayoko pa naman doon.

Brought By HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon