3

2 1 2
                                    

Cutting people off one's life is normal. Especially when they affects you negatively. Ayos lang. Walang problema. Buhay mo iyan at ikaw ang makakaramdam ng ginahawa o ng hirap. Cutting someone off your life but wishing them the best is normal too.

But trying to ignoring and avoiding them for a long time then seeing them—having an eye contact with them so suddenly... Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang epekto niya sa akin. Alam kong masakit pakinggan pero nagsisisi ako sa mga ginawa ko sa kaniya. Sana, kung kaya ko lang bawiin ang mga nagawa ko, babawiin ko ang lahat. Lahat-lahat.

I was so occupied while I was cleaning our zone when my groupmate tapped me. Napaayos ako nang tayo at tumingin sa kaniy. "Why?"

"Magfa-flag ceremony na," nakangiwi nitong saad.

"Tara na," saad ko at nanguna nang maglakad. Iba na ang cleaning zone namin ngayon dahil every week kami nagpapalit.

Every Monday lang kasi kami magflag ceremony. And because today is Monday, magfa-flag ceremony kami at ako ang nakatoka para mag-beat for the National Anthem ngayon.

Marami-rami na ang nakapila at nakita ko pang nilalagay pa lang nila ang flag sa flagpole.

Nagtungo agad ako sa operation room. Nadatnan ko doon ang mga kasama ko. Nagpalitan lang kami ng bati. Mabilisan akong nagpunas ng mukha at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

"Val, wala kang ID."

Para akong nabato sa narinig. Tumingin ako sa sarili at doon nakita ang sinasabi niya. Nakasuot sa akin ang lanyard ko pero wala doon iyong ID ko. Hindi pa naman pwedeng wala iyon. Hindi ko naman pwede ipasok sa damit ko ang lanyard para magmukhang may ID. Pagagalitan ako ng facilitator!

Tumingin ako sa paligid para makapaghanap ng solusyon. Sinubukan kong hanapin sa bulsa ng palda ko iyon pero wala din. Panyo ko lang din ang nakapa ko doon. Anong gagawin ko? Pinagpapawisan na ako dahil naririnig ko na ang prayer na nagpe-play. Kami na ang sunod!

"Ito." Napatingin ako doon sa nagsalita. Lalaki. Inaabot niya sa akin ang lanyard niyang may ID. "Isuot mo tapos baligtarin mo na lang iyang ID," saad pa nito. "Hindi nila iyon mapapansin."

"Pa'no ka?"

"Panatang Makabayan pa ako," sagot nito sa akin. "Ibabalik mo naman agad."

Walang atubili kong kinuha sa kaniya iyon lalo at naririnig ko na ang bridge nung prayer song. Isinuot ko iyon at ginawa ang sinabi nung may-ari ng ID. Binigay ko rin sa kaniya iyong lanyard ko na walang ID. Inayos ko ang buhok ko. Huminga ako nang malalim nang marinig ang pagtatapos ng kanta.

Nakalinya kaming lumabas at hinarap ang mga estudyante. Inilagay ko sa hangin—pantay sa dibdib ko ang kanang kamay at nag-beat. Pigil ang hininga ko sa buong kanta.

Pinakawalan ko ang hangin nang makatalikod kami sa kanila. Habang naglalakad kami pabalik doon sa room, tinanggal ko iyong suot kong lanyard. Nakasalubong namin iyong mga magpa-Panatang Makabayan kaya tinignan ko sila. Kanino ko 'to ibibigay? Ni hindi ko man lang nakita kung sino iyon!

Nakasalubong ko silang lahat pero lahat naman ay nakasuot ng kani-kaniyang ID. Napailing na lang ako. Kung sino man iyon, maraming salamat. It was my first time having no ID! Nasaan naman ang ID ko? Tumigil ako sa ginagawa upang isipin kung saan ko nailagay ang ID ko. I can't remember removing my ID from my lanyard. Sino naman ang kukuha nun?

Napatigila ko sa pag-iisip nang may lalaking tumayo sa harap ko. May kaputian at kakinisan ang balat niya. Bagsak din ang buhok niyang parang sa mga Koreano. Bago pa ako makapagsalita ay iginawad niya ang palad sa harap ko.

"Ah!" bulalas ko at dali-daling tinanggal ang suot na lanyard. Binigay ko iyon agad sa kaniya. Binalik din niya sa akin iyong lanyard kong walang ID. "Salamat." Ngumiti ako pero pakiramdam ko ay naging ngiwi lang iyon.

Brought By HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon