6

3 1 2
                                    

Naging maayos ang fellowship namin. Tulad ng dati. Magkakaroon kami ng laro sa umpisa. Pagkatapos ay nag-deliver na si pastor ng mensahe. Tapos tapos na. Ganun kasimple.

"Mag-aabang talaga ako sa post ng school niyo kung kailan iyong Sports Fest," wika ni Ate Gaya sa akin. "Pupunta talaga ako."

"Pa'no iyong research niyo?" tanong ni Ate Mila dito.

Mabilis itong umiling. "Matatapos ko na iyong parte ko. Kapag tapos na iyon, wala na akong poproblemahin hanggang wala pang sinasabi sa amin si Ma'am," litanya nito. "Teka." Humarap siya sa akin. "Nagkakilala na ba kayo ni Beau? Nahuli ko siyang nakatingin sa 'yo nung huling Linggo!"

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. "Hindi ko pa siya nakikita," simpleng sagot ko dito at marahan pang umiling.

"Dapat makilala mo iyon." Tumingin siya sa paligid. "Beau!" malakas na tawag niya sa kung sino mang tinatawag niya.

Sinundan ko ng tingin ang tinatawag niya. Nakatalikod ito sa amin at may kalayuan kaya siguro hindi niya narinig ang pagtawag sa kaniya ni Ate Gaya.

"Teka lang at tatawagin ko." Pagkatapos nun ay naglakad siya papunta doon sa tinatawag niya.

"Naku, pagpasensiyahan mo na iyang si Joycelin," sambit ni Ate Mila nang makalayo ang tinutukoy. "Kulang sa aruga," biro pa nito at tumawa.

Nakitawa rin ako nang mahina. "Ang saya nga po niyang kasama." Of course, that's a lie. You're a freaking liar, Val.

Sinampal ko ang sarili sa utak. Unti-unti na ngang bumabalik sa Kaniya tapos magsasalita pa ng hindi dapat. Kailangan mong pigilan ang mga ganung salitang lumabas sa bibig mo. Hindi dapat. Ang mga ganoong bagay, hindi na dapat hinahayaan pang makalabas.

Hindi nagtagal ay bumalik si Ate Gaya. "Pupunta raw dito pagkatapos makipag-usap kay pastor," sabi niya nang makatabi sa akin. "Tuloy na talaga ang pagsali niya sa In Through Souls."

Hindi ko mapigilang mag-look forward sa pagkakakilala namin. Matagal ko nang naririnig ang pangalan niya kahit saan. Sa school, sa bahay, pati dito sa kapilya. Isa siyang lalaking dapat hangaan kung ibabase sa pagde-describe ng mga tao sa kaniya. Nakakatakot nga dahil may nabubuo na agad siyang image sa ibang tao kahit na hindi pa naman siya ganoong kakilala.

"Magaling naman talaga. Deserve niyang makapasok," segunda ni Ate Mila kay Ate Gaya.

"Naku, kung gugustuhin ko lang talaga, ipinagdasal ko na siya kay Lord!" tili pa ni Ate Gaya na sinamaan ni Ate Mila ng tingin. "Ano? Totoo naman, ah! Sino bang hindi magkakagusto doon? Bukod sa matalino at mabait, maka-Diyos din!"

Napailing na lang si Ate Mila dito. "Wala sa kamay mo kung sino ang magiging asawa mo," sermon niya pa dito. "Ipagdasal mo na lang kay Lord ang tamang tao."

"Ipinagdadasal ko pong siya na ang tamang tao," nakapikit na saad ni Ate Gaya.

Mahina siyang binatukan ni Ate Mila. "Mahiya ka nga. Hindi ka deserving. Beau can do better."

Ngumuso si Ate Gaya sa sinabi niya "Kaya kong maging better!" angal pa niya.

"Be better everyday," diin pa ni Ate Mila. "Hindi tuwing sinisipag lang."

Nagpatuloy lang ang pagbabangayan nilang dalawa. Hindi ko alam kung ganito rin sila sa labas ng kapilya dahil parang sanay na sanay sila doon. Pareho silang hindi nauubusan ng isasagot kaya hindi natatapos ang usapan.

Napatahimik silang dalawa mula sa pagbabangayan nang may lumapit sa aming lalaki.

"Good evening," bati niya gamit ang malamyos na boses. Nang tignan ko kung sino ito ay nanlaki ang mga mata ko. Bagsak ang two-curtained bangs niya. Maputi din siya at makinis. Namumukhaan ko siya. Siya... Siya iyong nagbigay ng ID ko! Ngumiti siya nang magtama ang mga mata namin.

Brought By HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon