Chapter 1

23 4 0
                                    

"Alam mo bang wala kang silbi? Simula nung hindi ka na nagbibigay, wala ka nang pakinabang. Liability ka na! Palamunin ka na lang namin. Kelan ka ba aalis dito, naalibadbaran na kami sa pagmumukha mo. Kaya ka rin siguro iniwanan ng asawa mo dahil wala ka nang pakibang."

Araw-araw ganyan ang naririnig ko sa mga magulang ko. Paano ko umabot sa sitwasyon na ganito? Anak naman nila ako, di ba? Nung nakakapagbigay naman ako, wala akong naririnig na ganyan.

Tahimik nalang akong pumasok kwarto, hangga't maari ay ayaw kong makasagot ng magulang. Bahay pa rin nila ito at may respeto pa rin ako.

Aaminin ko naman na nakakasagot ako minsan pero nangyayari yun kapag talagang punong puno na ako.

"Mama, okay ka lang?" Tanong ng anak kong pangabay na si Shana.

"Mama, sit down ka na dito sa tabi ko." Yaya ng bunso kong si Kio.

Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko. Kaya isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at saka umupo sa tabi nila. Kasalukuyan silang gumagawa ng homework nila.

"Everything is going to be alright, Mama. We'll soon figure things out. You're still the best for us." Hayyy... Kundi lang dahil sa kanila, matagal na akong sumuko.

Nawalan kasi ang trabaho mga 3 buwan nang nakakaraan at kasalukuyan pa akong may utang sa bangko na 100,000 pesos. Kaya ito wala akong magawa kundi tanggapin at lunukin ang pride ko.

Naghahanap naman ako ng trabaho kaso mukhang mailap ang panahon.

"God damn it!" Isang rejection letter na naman ang natanggap ko sa email. Shit! Hanggang kelan ba itong problema ko.

Hindi dapat ako nagtiwala sa asawa ko na itinakbo ang pera tapos sinama ang kabit niya. Gusto kong magwala kaso ayoko makita ako ng mga anak ko na madaling sumuko ang nanay nila.

Tumawag ako sa kaibigan kong si Nadia para magtanong kung may bakante sa kanila.

"Nadia, baka may bakante sa inyo kahit janitress papatusin ko na. Hindi ako natanggap sa inapplyan ko sa Ortigas."

"Gaga ka, hindi bagay sa kagandahan mo ang pagiging janitress. Siraulo ka. Undergrad ka lang pero wag mo naman masyado ibaba ang sarili mo. Pero timing na tumawag ka dahil may sakto kaming bakante. Kaya mo naman siguro maging receptionist?"

"Sa ngayon, wala na akong hindi papatusin. Oo, kaya ko yan. Ano ang kailangan ko, resumé ba?"

"Wag na, basta pumunta ka nalang dito bukas sa BGC tapos hanapin mo ang Zariano Group of Companies. Magkita tayo ng 7AM sa may Starbucks para mabriefing muna kita bago ka sumalang sa interview."

"Thank you, thank you, Nadia. Sige magkita tayo bukas."

Pagkababa ko ng telepono, nakita ko ang email ng bangko na naninigil na. Naikuyom ko ang kamao ko dahil pagkabukas ko ng Facebook, nakita ko ang post ng kabit ng asawa ko at tinag ito. 

*AveryNiDino tagged Dino Galvez on a post*

AveryNiDino: Thank you babe sa bagong shoes ko. Love you.

Nakita kong nagheart react si Dino at nagcomment pa ito.

*Dino_Galvez: Para sayo, Babe. Love you too.

Akala ko kaya ko na after 6 months na wala siya. Nagkakamali pala ako. Sa sobrang sakit, kusang tumulo na lang ang mga luha kong nauunahan magsipagbagsakan. I did everything for my family, I gave all my efforts to keep him. Ngayong nawalan ako ng trabaho, ultimo sa magulang nakakarinig ako ng masasakit na salita. Wala siyang ibang ginawa kundi ang asahan ko.

Nang dahil sa pagpapabaya niya samin, nagkanda leche leche ang buhay ko. Nabaon ako sa utang ng husto. Nananlangin nalang ako na sa bagong trabaho ko ay hindi masilip ang financial records ko.

Ipinangako ko sa sarili ko na oras na makabangon ako, kakasuhan ko si Dino.
Tama na ang pagiging martyr ko. Unti unti kong bubuuin ang sarili ko.

Ako si Prima Antonella Montenegro-Galvez. Hindi pa panahon para sumuko. May Shana at Kio pa akong pag-aaralin. Ang mga anak ko na mahal na mahal ko. At sa susunod, tatanggalin ko ang apelyido niyang Galvez at ipapalit ang Montenegro na siyang apelyido ko sa pagkadalaga.

Papatunayan ko sa mga magulang ko na hindi ako talunan. Hindi ako susuko at na may kwenta pa rin ako.

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆
Another shot for a new story.

Hopefully it catches your heart.

A Failure Beyond Efforts Where stories live. Discover now