Pag-uwi ko ng bahay ay sinalubong ako agad ng mga anak ko.
"How's your day po, Mama? Kiss?" Nguso ni Kio na agad namang humalik sa pisngi ko.
"Hi Ma, Kain ka na po. Nagdinner na po kami ni Kio. Sumabay na kami kina lala at lolo." Lala at lolo ang tawag ng mga bata kina mama. Tuwang tuwa naman sila kasi pang bagets daw.
"Sige. Nasaan ang lala at lolo nio?"
"Nasa likod bahay po nagpapahangin." Sabi naman ni Kio na patakbong lumabas sa likod. Sinundan ko siya para makapagmano.
"Mano po, ma at pa." Sabay mano sa kamay.
"Oh ano na Prima, aba'y anong petsa na? Wala ka pa rin bang ibibigay?" Ayan naman lagi mahalaga sa kay mama, ung ibibigay ko.
"Prima Antonella, hindi na kami natutuwa sa mga kilos mo ah. Hindi mo man lang din malinisan yung kwarto niyo. Ang kalat-kalat. Di ako magtataka kung may may sawa na jan na namamahay." Napabuntong hininga nalang ako at sumagot. "Opo, pasensya na." Ska ako pumasok sa kwarto.
Oo napakagulo at dumi ng nito. Dati naman ay hindi ganito pero halos napabayaan ko na nung nagsimula yung depression ko 6 months ago.
Simula kasi nang nalaman ko ang tungkol sa panloloko ni Dino ay tuluyan na akong nawalan ng gana. Dati ay talagang nakabukod kami hanggang sa napansin ko na madalas na siyang ginagabi pag-uwi o kung di naman ay hindi ito talaga umuuwi. Kapag tinatawagan ko siya palaging unattended o kaya ay busy tone, ultimo sa Facebook ay nagsimula na rin ako nitong iblock pati cellphone niya ay may lock na rin.
Kapag tinatanong ko ito madalas niyang sinasabi na nababaliw na naman ako o di kaya ay nagsisimula na naman ako ng pag-aawayan. May kutob na ako na mayroon nga itong iba hanggang sa isang gabi na umuwi ito ng lasing at napansin kong hindi nakalock ang cellphone niya. Nung gabi iyon ko nakumpirma lahat lahat ng paghihinala ko.
Sobrang sakit traydorin!!!
Hindi ko namalayan na pumapatak na pala yung mga luha ko. Hanggang kelan ko mararamdaman ang sakit na ito? Kelan ba ako magiging maayos? Hinihiling ko Diyos na maging maayos ang lahat.
Maya-maya ay pumasok na din ang mga bata sa kwarto upang magpahinga. Hindi ko na pinaabot sa kanila ang pag-iyak ko dahil ayokong magmukhang kawawa, isa pa dapat ako ang malakas sa aming tatlo. Nag-ayos na ako ng higaan at pinatulog na sila.
Nang maramdaman ko ang himbing ng tulog nila ay lumabas ako ng bahay upang magtungo sa malapit na palaruan samin. Tahimik kasi dito at walang gaanong tao na kapag dis oras na ng gabi.
Nilabas ko ang telepono ko at nagsuot ng headset upang makinig ng tugtog pampakalma ngunit imbes na kumalma ay nag-unahan magpatakan ang mga luha ko. Sa ganitong paraan ko nilalabas lahat ng sakit at sa ganitong paraan rin ako humihinga.
Sa sobrang tahimik ay hikbi ko nalang ang naririnig ko. Ipinagpapasadiyos ko nalang ang lahat ng nangyayari. Di man ngayon pero siguro sa mga susunod na araw at panahon ay magiging maayos din ako.
Naging magaan naman ang buhay ko sa trabahonung mga sumunod na mga araw. Hindi rin nakalimutan ni Ariesa ang pagbigay sakin ng mga damit. Kaya laking pasasalamat ko sa kanya. Sinamahan pa nga niya ito ng tatlong bagong pares ng sapatos. Bagong bili dahil may box at nakapaper bag pa ang mga ito nung binigay niya sakin.
Binigyan ko nalang sya ng dalawang cake bilang pasasalamat. Natuwa daw siya at nakikita niyang isinusuot ko ang mga bigay niya.
"Black suits you best. I like the color on you." Sabi niya sakin. "You should find more black pieces." Sa totoo lang din napansin ko nga na mas bagay ang itim sa akin dahil mas nililitaw nito ang kaputian ko.
"Salamat, Ariesa." Sabay ngiti dito.
"By the way Prima, prepare for our meeting at 10AM. My sister and brother will attending too since this is for the launch of Project Hybrid."
"Will do, Ms.Ariesa." Nagtungo na ako sa desk ko upang magbasa ng materials nang puntahan ako nito.
"You don't apply make up, do you?" Tanong nito sakin. "You look pale." Pagtototoo niya. "Try putting on some."
"Naglalagay naman ako pero mas sanay ako ng wala."
"Rule number 3: Always make yourself look presentable. Apply light make-up, never do a strong one. The last thing you wanna see yourself on is looking like a giveaway."
"You will also presenting on my behalf. So be ready. I want you to convince why Project Hybrid is important." Dagdag pa nito.
"H-Hindi ko alam kung kaya ko, Ariesa. Mahina ako sa mga ganyan. M-May stage fright ako at takot sa public speaking." Mahiyain talaga kahit noong nag-aaral ako.
"Rule number 4: Always carry yourself with confidence. Show them that you own the house. Have that good posture. Stand straight, shoulders back, and chest out. A woman who knows how to carry herself is powerful"
"Another rule is...Rule Number 5: Speak with conviction. Be confident. Get their attention by looking at them straight in the eyes. Don't give them any chance to interrupt. Set that expectation that you are in control."
"Rule number 6: Have faith in yourself. Never ever bring yourself down. You in control of your own life. Don't stoop low. Show them who you really are. Always believe in yourself."
"Tatandaan ko, Ariesa. Alam kong malayong malayo pa ako sa pagkataong gusto kong maging ako at handa ako dahan dahanin ang proseso."
"All good things come to those who wait. Take time and don't rush. Now let's meet them. You can do this." Pag-alo nya.
Papasok kami sa conference room at agad siyang sinalubong ng mga board of directors pati na ang kapatid na si Saggitaria ay naroon na rin. Nakilala ko ito nang minsang pinuntahan niya ang kapatid.
Umupo na ang lahat at ako naman ay nagtungo sa harap para ayusin ang presentation nang may biglang pumasok na isang lalaki na may kasamang dalawa pa. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pag-aayos.
"Good morning Mr.Zariano." bati sa kanya ng ilang kalalakihan.
Nang iangat ko ang ulo ko para batiin ito ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napalunok ako nang mapagtanto ko kung sino yung lalaking nakasabay ko sa elevator ilang araw na nakararaan.
"Thaurus, be nice." Sabi ni Ariesa. T-Thaurus? S-siya ang CEO? "She's Prima, my secretary."
"N-nice to m-meet you, S-sir." Sabay lahad ng kamay. Lupa pakilamon ako. Siya pala ang CEO, hindi ko man lang inalam. Nang magtama ang tingin namin ay kitang kita ko ang madilim na ekspresiyon nito. Naktingin lang ito sakin na nakakapanliit ng pagkatao.
Pakiramdam ko ay napahiya ako nang hindi niya ako kinamayan at nilagpasan lang. Humugot ako ng malalim at pilit nalang intindihin ang sitwasyon tutal ay kasalanan ko rin.
"Don't worry, he's always like that." Sabi ni Ma'am Saggitaria.
"A-ayos lang po. Baka po masama lang ang araw ni Sir Thaurus."
Nagsimula ang meeting sa pangunguna ni Ariesa ngunit napansin kong nakatingin si Thaurus sa akin. Tingin na parang ineeksamin ang buong katauhan ko. Yumuko nalang ako upang maiwasan ang atensiyon niya.
Nang matapos magsalita si Ariesa ay siyang angat ng ulo ko. Ang hindi ko inaasahan ay nakatingin pa rin sa akin ito.
Kalma ka lang, Prima. Wag ka kabahan.
Kung ano man trip mong toro ka, sana maduling ka.∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆
Another update.
Thank you much bookworms.
YOU ARE READING
A Failure Beyond Efforts
RandomWhat would it be like if it they were to see the real situation beyond the failures they're seeing? Is it always a mistake to get tired and let things be? People only see the good but always failed to see the stab wounds behind your back. Will Pri...