Chapter 2

24 4 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong naghanda para makapasok ang mga bata at para maaga din ako makalakad.

"Mama, good luck sa pag-aapply mo. Ipagpray ka namin ni Ate."

"Yes Mama, good luck. We believe in you." Sabay halik sakin sa pisngi.

Dumating na ang service nila na si Kuya Mackie, isa sa mga pinsan ko. Hatid sundo kasi niya ang mga bata gamit ang sasakyan niya.

"Naku Kuya Mac, maraming salamat talaga ah. Ang laking abala namin sayo."

Simula kasi ng iwanan kami ng papa nila, siya na ang naghahatid sa at sundo mga bata. Buti nalang ay iisa lang ang eskwelahan ng mga anak namin.

"Ano ka ba Nel? Araw-araw  mo nalang sinasabi yan. Di ka kahit kelan naging abala samin no. Saka isa pa, nag-eenjoy naman silang magpipinsan kapag magkakasama."

"Mabuti naman. Nga pala, may lakad ako ngayon. Pwede bang dun muna sa bahay nio mga bata pagkasundo mo sa kanila? Mag-aapply kasi ako ng trabaho sa BGC na inalok ng isang kaibigan ko."

"Walang problema. Gusto mo bang sumabay na din para makarating ka man lang nang di namomoroblema sa traffic?"

"Sure ka kuya?" Nakakahiya na kasi.

"Oo nga Mama, sabay ka na para makasama ka pa namin." Sabi ng panganay kong si Shana.

"Oh anak mo na nagsabi ah. Sakto din naman dahil susunduin ko naman si Ate Jessa mo sa call center na pinagtatrabahuhan niya." Si Ate Jessa, ang mabait na asawa ni kuya. Sa kanya ako lumalapit kapag kailangan ko ng kausap o nang payo sa mga bagay bagay.

Pagkahatid namin sa mga bata ay dumiretso na kami sa BGC. "Anong oras pala interview mo?"

"10AM Kuya."

"Saan ka ba mag-aapply?" Tanong nito sakin.

"Sa Zariano Group of Companies, Kuya. Doon kasi nagtatrabaho si Nadia. Sakto daw na nabakante ang receptionist position."

"Mabuti naman. Kailangan mo yan para hindi ka na masigawan nila Tito Ver at Tita Marinel. Grabe naman sila kasi sayo. Ni hindi ka man lang naiintidihan na pinabayaan na kayo ni Dino. Hinayaan ka nyang mag-isa at sumama sa kabit niya. Napakakapal ng apog ng hayop na yun. Wag lang siyang magkakamali na magpakita pa at talagang malilintikan yun sakin. Lintik lang ang walang ganti."

Napatingin nalang ako sa labas habang umaandar ang sasakyan. Pagkaraan ng ilang minuto ay huminto na ito sa harap ng kumpanyang aapplayan ko.

Bumaba na ako at nagpasalamat kay Kuya Mackie. Dumiretso ako patungong Starbucks at tumawag na ako kay Nadia.

*Calling Nadia*

Pagkatapos ng tatlong ring ay sumagot na ito.

"Girl, nanjan ka na sa SB?" Tanong nito.

"Oo nandito na. Hinatid ako ni Kuya Mackie."

"Naku, mabuti naman. Sige palabas na ako. Saglit lang." At pinatay na nito ang tawag.

Ilang saglit pa ay nakita ko na siya papasok ng Starbucks.

"Mabuti naman nakapunta ka, tara kape muna tayo. Wag ka mag-alala, sagot ko na to. Sa susunod ka na kapag nakasahod ka na." Magalak na sinabi siya sakin.

"Oo ba sige."

Nag-usap kami at sinabi nito na  mahigpit nga daw ang may-ari ng kumpanya dahil araw-araw daw itong nanjan.

"Ano ba ang pangalan ng may-ari ng kumpanya?" Tanong ko dito. Maya maya ay itanong sa interview. Kahit man lang iyon ay masagot ko.

"Ang talagang may-ari niyan ay sina Mr. Leo Zariao and Mrs. Libra Zariano."

A Failure Beyond Efforts Where stories live. Discover now