"Shiela, this is Prima Antonella Montenegro." Pagpapakilala sakin ni Ariesa sa sekretarya niya. "She will be your replacement, so I want you teach her everything she needs to know lalong lalo na ang schedules ko. I want you to make sure na bago ka tuluyan umalis ay alam na niya ang mga gagawin niya."
"Nice to meet you, Prima. I'm Shiela Campos, secretary ni Ms. Zariano." Sabay lahad ng kamay nito na agad ko namang kinamayan. "Don't worry ma'am, ako na po ang bahala sa kanya."
"I expect nothing but perfection at alam kong alam mo yan." Dugtong ni Ariesa.
"It never slipped my mind, Madam" Sagot nito.
"Prima, si Shiela na ang bahala sa'yo. Do you have any questions?"
"Meron, isa."
"And that would be?"
"Bakit Prima Antonella Montenegro lang pagpapakilala mo sakin?"
"Would you rather have me introduced you as Mrs.Galvez then?"
"Uhm..."
"RULE NUMBER 1: Never use the name that caused your weakness. Use the name that made you who you are. In your case, its Prima Antonella Montenegro."
Tinotoo niya talaga ang mga sinabi niya na tuturuan niya akong buhatin ang sarili muli. Mukhang nagsisimula na siya gawin ito dahil sa unang rule niya.
Nakita ko din na tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "May problema ba?"
"RULE NUMBER 2: Always dress to impress. Start by wearing a one-color statement then use color combinations. Always have a bag, a watch, less accessories, and a pair shoes that matches your outfit. Something simple yet elegant and comfortable."
Tiningnan ko yung suot ko tuloy. Maayos naman na corporate attire ko pero siguro para sa kanya ay iba kapag nakaayos pero kumportable.
"T-tandaan ko, Ariesa. Hayaan mo, sa unang sahod ko ay bibili ako ng mga damit ko." Mukhang ngayon palang may kailangan na akong paglaanan ko ng unang sahod ko.
"Well, I do have some old clothes at home that I don't wear anymore and looking at you, I think they'd fit you." Mukhang mapapamanahan pa yata ako ng damit.
"Naku wag na, nakakahiya. Saka baka may iba kang pagbibigyan nun kaya ayos lang." Mamaya kasi ay kung anong isipin niya. Baka isipin niyang sinasamantala ko siya. Mahirap na.
"I insist. Let's have you save your money for your children instead. Every peso counts for them. Specially now that you're raising them alone."
Napakabuting tao ni Ariesa. Hindi pa man kami lubusang magkakilala ay masasabi ko ngang mabuting tao ito. Kaya ayaw kong isipin nya na sinasamantala ko ang pagiging mabait niya.
Natapos ang pag-uusap namin nang magsalita si Shiela. "Ma'am your sister, Madam Saggitaria is on line 1. She wants to talk aboutthe launch of Project Hybrid."
Kaagad namang tumango si Ariesa at pumasok na ito sa kanyang opisina.
"Girl, ang swerte mo jan kay Ms. Zariano. Mabait yan at napakagaan katrabaho. Sa lahat nang napasukan ko siya lang ang bukod tanging amo na di maarte. Basta ang kanya dapat lahat maayos." Papuri ni Shiela.
"Ganun ba? Sana ako din magtagal katulad mo at di magkaroon ng problema sa trabaho."
"Naku, kung ako nga tumagal ng 7 years, ikaw pa kaya. Alam mo bang unang trabaho ko ito at maswerte ako dahil madami akong natutunan kay Ma'am Ariesa. Bukod sa trabaho, madami siyang 101 life lessons na itinuro nya sakin noon. Kaya laking pasasalamat ko sa kanya ako napunta. Sa lahat ng Zariano, siya ang pinakamahigpit pero siya ang pinakamabait. Yung si kapatid niyang si Ma'am Saggitaria naman na panganay nila ay ang pinakakunsitidora sa kanila. Hanggat maari ay ayaw niya ng away. Kung kayang ikumpromiso lahat, gagawin niya. Ang wag na wag mong babanggain ay ang bunso nilang kapatid, si Sir Thaurus. Dahil kahit ubod ng gwapo nun, napakasungit at napakalamig. Akala mo pinaglihi sa yelo. Ultimo mga ate niya, napapasunod niya. Basta siya ang nagsalita, tiklop na yung dalawa. Ilang empleyado na ang natanggal dahil sa kanya."
"Mukhang marami pa akong kailangan malaman sa trabaho ko dito." Sa kwento palang niya mukhang mahirap nga ito.
"Hayaan mo, napakadalang naman ng mga kapatid niya dito lalo na yung bunso. Once in a blue moon mo lang makita." Dugtong pa nito. "Tara magsimula na tayo at madami dami akong ituturo sayo."
Buong araw akong tinuruan ni Shiela. Mula sa daily schedules ni Ariesa hanggang sa mga personal nitong lakad.
Ultimo timpla ng kape na Starbucks ay dapat na alam ko din na kung tawagin ay Veranda Blend. Binibili daw yun limang minuto bago siya dumating sa opisina dahil gusto daw nito na mainit pa dah iyon daw ang simula ng umaga nito.Halos makalahati ko yung notepad ko sa dami ng notes ko.
Mga bandang alas syete ng gabi ay naghanda na ako sa pag-uwi para di ako maabutan ng traffic ng husto. Mabuti nalang nagsabi si Kuya na madadaanan niya ako dahil syang hatid naman nya kay Ate Jessa.
Pasakay ako ng elevator nang may sumabay saking matangkad na lalaki. Nanliit ako bigla. Nag-cherifer siguro siya. Tangkad sagad. Nasabi ko pa sa isip ko.
Pinindot ang ground floor at saka tumingin sa cellphone ko nang bigla itong nagsalita.
"19th Floor" sabi nung lalaki. Napakalalim at buong buo ang baritonong boses nito.
"Huh?"
"I said 19th Floor. Are you fucking deaf or just dumb?" Sabi nito sakin.
Humugot ako ng malalim ng hininga. Kapal naman ng mukha nito. Siya na nakisuyo, siya pa galit. Nilingon ko ito at saka sinigawan.
"Kapal naman ng mukha mong sabihan ako ng bobo at bingi. Ikaw na nga itong nakikisuyo, ikaw pa galit. Oh ayan, 19th floor. Baka umiyak ka, kasalanan ko pa."
Nang magtama ang tingin namin ay doon ako napalunok ng husto dahil sa kagwapuhang taglay nito. Kulay abo ang mga mata nito na mejo singkit, makinis ang mukha, at mahahaba ang pilik mata.
"Did you just fucking yelled at me, woman? Who the hell do you think you are?" Singhal nito sakin.
"Are you fucking deaf or just dumb?" Pagbabalik ko sa sinabi niya. Akala nito ay magpapatinag ako sa mga ganyan ganyan niya. Gwapo ka nga, pangit naman ugali mo. Sabi nga nila, you can't have it all. Yan nalang ang nasabi ko sa sarili ko.
"Do you fucking know who you're talking to right now?" Sagot nito.
"No and I don't need to." Pagmamatigas ko.
Magsasalita pa sana ito ngunit bumukas na ang elevator ng 19th floor.
"We're not yet done, woman." Sabi nito habang palabas ng elevator.
"Wala akong paki." Sagot ko pabalik sa kanya.
Lumingon ito sakin at tumingin ng masama kaya inirapan ko ito na siyang sara naman ng pinto ng elevator. Siguro naman sa laki ng building na ito, maliit ang tyansang magkita kaming muli.
∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆
Thank you for the reads, Bookworms.
Enjoy 😍😘❤❤
YOU ARE READING
A Failure Beyond Efforts
عشوائيWhat would it be like if it they were to see the real situation beyond the failures they're seeing? Is it always a mistake to get tired and let things be? People only see the good but always failed to see the stab wounds behind your back. Will Pri...