"The next few slides will be discussed by my assistant, Prima." Pagpapakilala ni Ariesa sakin. Bumulong ito sakin at nagpaalala. "Remember, be confident." Tanging tango nalang ang naisagot ko.
Sana maitawid ko ito ng maayos nang hindi ako nagkakalat. Huminga ako ng malalim at humarap sa kanila.
"Good Morning, ladies and gentlemen. Allow me to continue." Pagsisimula ko.
"As Ms. Ariesa have said, these components are what we need for the remaining items to complete the launch of the project. Finances wise, I think we are still within budget an..." Hindi ko naituloy dahil biglang nagsalita si Thaurus.
"You think? So you're not yet sure, Ms. Montenegro?" Tanong nito sakin. "You are not sure if the budget that we have for the launch is still enough? Did you really study this project? Have you read it from end to end?" A-ano ba ang gusto niyang iparating? na hanggang dito ba naman palpak ako? Ganun ba?
"Listen carefully, Ms. Montenegro. My company invests in people we hire. If you were hired but presents as if you were reading a guide and is not sure of what you're presenting, then you're not fit to be in the position where you are right now. It just goes to show that our investment on you is a failure. I can't entrust my sister's department with someone so incompetent. If I were you, I'd pack my things and leave after this. You a are fucking waste my time."
Napayuko nalang ako dahil alam kong patulo na yumg mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Thaurus!" Saway ng mga ate niya.
"What? She needs to learn the damn truth." Sighal nito. "I can't believe na tumatanggap kayo ng walang kwenta."
"Thaurus, thats enough!" Sabi ni Sagittaria
Iyon na yung hudyat ko para lumabas ako. Inangat ko ung ulo ko at tumingin sa kanya na parang walang nangyari. "S-salamat sir. P-pasensya na ho kayo." Tuluyan na akong lumabas sa conference room papuntang elevator upang tumungo sa rooftop para doon ilabas lahat ng sama ng loob ko.
Akala ko hanggang bahay ko lang maririnig ang ang salitang ayaw ko marinig pero dito rin pala.
Nakakasawa na. Hindi nila inalam man lang muna ang kalagayan ko. Bakit ganon? Kasalanan ko kagad? Palagi nalang ako. Nawawalan na ako ng gana sa buhay. Kung di dahil sa mga problema ko na pilit kong sinosolo dahil alam kong wala namang maitutulong sakin si Dino ay ayos sana ang buhay ko.
Sakit sobra. Alam kong mali ako pero para ipahiya niya ako sa harap ng maraming tao. Masama pa rin ang loob kong bumalik sa trabaho. Ngunit parang gusto ko nang umuwi dahil lahat ng tao pinagtitinginan ako. Siguro sa isip isip ng mga tao "ay ito yung tatangang secretary, nakakahiya."
Ipinagsawalang bahala ko na ang tingin at dumiretso na mismo sa desk ko. Hindi ko na inabala ang sarili kong pumasok sa loob ng opisina ni Ariesa dahil nahihiya ako.
Buong araw akong nagtrabaho ng tahimik at walang imik, kung may kailangan man ako sa kanya ay ipinadadaan ko nalang sa chat platform ng kumpanya. Humingi nang pasensya ang dalawang Zarianong babae sakin dahil sa nagawa ng bunso nila. Sabi ko nalang na kasalanan ko ito at ayos lang ako.
Ultimo si Nadia nakichismis din sa nangyari.
Nadia Balasbas: ayos ka lang ba?
Prima Montenegro: Oo naman.
Nadia Balasbas: Kaloka ka, binalaan na kita. Ang sabi ko sayo, mag-ingat ka kay Thaurus. Alam mo namang ayaw niya ng tatanga tanga.
Napakunot yung noo ko sa nasabi niya. Bakit kung parang banggitin niya ang pangalan ni Sir Thaurus akala mo close sila at parang tila alam na alam nito ang ayaw ng lalaking yun.
Hindi ko nalang nirepyalan dahil ayoko makapagbitiw ng masasakit na salita. Sobra sobra na ang sama ng loob ko ngayon. Baka kapag may gumatong pa ay sumabog na ako.
Natapos ko araw ng trabaho ng tahimik. Akala ko makakahinga ako saglit dahil uuwi na ako sa mga bata kaso pag labas ko ay nakita ko ang huling taong ayaw kong makita ngayon. Si Dino.
Anong ginagawa ng magaling kong asawa dito? Nagdiretso lang ako ng lakad kunwari ay hindi ko ito nakita kaso huli na nung dapat nalalampasan ko siya dahil hinila nito ang braso ko.
"Prima, pwede ba tayo mag-usap?" Pilit kong kinalma ang sarili ko.
"Bitawan mo ko, Dino. Wala na tayong dapat pag-usapan pa." Sinubukan kong higitin ang braso ko kaso mahigpit ang pagkakakapit niya.
"Meron dahil kukunin ko ang mga bata sayo." Natakot ako sa narinig ko pero kailangan kong lakasan ang loob ko.
"Hinding-hindi mo sakin makukuha ang mga anak ko. Gumawa ka ng sa inyo dahil kahit dulo ng mga buhok nila hindi mo mahahawakan. Hindi ako tanga para ipamigay yung mga anak ko na parang mga tuta. May magulang sila at ako yun. Ngayon kung baog yang kabit mo, problema mo na yun." Ipaglalaban ko ang karapatan ko sa mga anak ko. Hindi ko sila ipapamigay dahil akin sila.
"Ano bang pinagmamalaki mo? Yang trabaho mo? Hoy Prima, tandaan mong wala nang ibang tatanggap sayo dahil sa bukod na pinagsawaan ka na, laspag ka pa." Akmang sasampalin ko sana siya nang magulat akong may humila sakin palayo kay Dino at tumilapon siya dahil sa may sumuntok dito.
Nang iangat ko ang tingin ko ay hindi ko inaasahan ang taong nakita ko. "S-sir Thaurus?"
"Don't fucking move. We'll talk later. I'll deal with this bastard." Galit na sabi niya.
Tumayo si Dino mula sa pagkakatumba nito. "Putang ina, sino ka ba? Bakit ka ba nangingialam? Away mag-asawa kaya wag kang pakialamero."
"You're harassing my employee in my fucking property, so I suggest you fuckin leave before I call the police on you."
"Ito na ba ang pinagmamalaki mo ngayong Prima? Kaya pala malakas ang loob mo dahil sa may pera ka na kumakapit ngayon. Nagpuputa ka na pala sa mayaman para lang may maipakain sa mga anak ko."
Kinwelyuhan ni Thaurus si Dino sa sobrang galit dahil mga sinabi nito sakin. "Call her a whore again and I'll fucking swear you'll end up behind bars with your mistress." Pahagis niyang binitawan si Dino na halatang natakot at kumaripas ng takbo.
Nang makasiguro niyang wala na ito ay lumapit ito sakin at binuhat ako bridal style at ibinaba sa shotgun seat ng sasakyan niya. Nang makasakay siya ay pinaandar nalang niya ang sasakyan. Hindi ko magawang umimik dahil sa natatakot din ako sa kanya.
Huminto ang sasakyan nito sa isang overlooking. Ang tantya ako ay sa may bandang Rizal na kami dahil iyon lang naman ang malapit sa Metro Manila na may overlooking. Bumalot ang katahimikan nang patayin niya ang makina ng sasakyan.
"I need his name." Pagbasag niya sa katahimikan.
"B-bakit?" Nakita ko ang ekspresiyon ng mukha niya nung makita niyang nagpasa ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Dino kanina.
"I need his fucking name. Antonella." Pagpupumilit niya.
"D-dino, Dino Galvez."
"Why was he harassing you?" Ayoko sanang sabihin dahil baka madamay pa siya sa problema ko kaya napayuko nalang ako. "Tell me, damn it." Hampas niya sa manibela. Galit na siya pero alam kong nagpipigil siya.
"H-he's my ex-husband and he wanted to take my k-kids away from me." Alam kong sa puntong iyon umiiyak na ako.
Naging kalmado ang tingin niya sakin, "Tell me everthing. Don't you dare leave out a single fucking detail."
Bakit gusto niya malaman?
∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆
Ayan may moment na sila.
Enjoy reading, Bookworms 😘
YOU ARE READING
A Failure Beyond Efforts
RandomWhat would it be like if it they were to see the real situation beyond the failures they're seeing? Is it always a mistake to get tired and let things be? People only see the good but always failed to see the stab wounds behind your back. Will Pri...