Karen's POV
Kagigising ko lang ng may natanggap ako na tawag mula kay ate Pao. Nag-aya siya na pumunta kami sa Tagaytay. Para mag staycation syempre kasama namin yung mga Boyfriend namin at syempre sinama din namin si Kuya Pabs kasama din yung girlfriend niya.
Pinaalam ko kay Mommy yung van na gagamitin namin papuntang Tagaytay. Pumayag naman si Mommy basta may lisensya daw ang magmamaneho. Kaya si Khen ang driver namin at ayun na nga nakasakay na kaming lahat sa van papunta na ng Tagaytay, 5pm na nga kami nakarating. Kaya nag-dinner na kami pag-karating palang namin at nung pumatak na nga ang alas sieyete naisipan namin na mag-bonfire sa tabing dagat.
May inumin din kaming dala puro hard drinks at may dala din kaming guitara kasi kakanta sila kuya Jp at kuya Mark. Alas onse na ng gabi ng lasing na kami. Nakita ko si kuya Khen na lasing na kaya pinahatid na siya ni ate Pao kay kuya Mark. Sasama na dapat ako kay Khen ng pigilan ako ni ate Pao.
"Karen dito ka lang. Mag-papakalasing tayo ng sobra ngayon."
Mayamaya pa lasing na din ang girlfriend ni kuya Pabs. At nag paalam na nga si kuya Pabs na babalik na daw sila sa kwarto para makapag pahinga na ang girlfriend niya. Kaso pinapabalik siya ni Biboy kasi nahalata raw ni Biboy na hindi umiinom si Kuya Pabs. Kaya di nalalasing. Pumayag naman si kuya Pabs na babalik daw siya kapag nakatulog na daw ang girlfriend niya. Mayamaya pa ay nakita na namin si kuya Pabs na pabalik na sa amin at tumabi sya sakin.
"Shot na tayo Karen"sabi ni kuya Pabs. Sina ate Geline at Darryle ay nawala na. Hindi ko napansin na wala na pala yung dalawa. Tumayo si ate Pao at nag sabing kukuha lang daw siya ng alak kaya ang natitira nalang ay si Biboy at ang Boylet niya at si ate lenlen kuya jp,ako at kuya Pabs. At halata naman din na lasing na si Biboy at niyaya niya na nga ang Boylet niya na bumalik na sa kwarto nila. "Baby lasing na ako balik na tayo sa room natin." sabi ni Biboy sa Boylet niya. Tumayo na din sila ate lenlen at kuya jp sabi nila mag lalakad-lakad muna sila sa dalampasigan.
Nag katitigan kami ni kuya Pabs at nag-ngitian. Ang awkward naman pero nag-salita si kuya Pabs. "Karen napaka-ganda mo talaga." Hindi ko alam kung sa tama ba yun ng alak or hindi. Nagulat ako ng umangat ang kamay ni Kuya Pabs at humawak sa kabilang pisnge ko kaya napatinggin ako sa kanya. Unti unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko hindi ko alam pero hinayaan ko lang na lumapat ang labi niya sa labi ko.
Hindi ko magawang itulak si Kuya Pabs bagkus unti unti pa akong pumikit at gumanti sa mga halik ni kuya Pabs.Naghiwalay ang aming mga labi at nag salita siya Karen "I need you like water."
Nangungusap ang mga mata ni kuya Pabs kaya tumayo ako at hinatak si kuya Pabs. "Please take me with you." Hindi ko alam pero nung mga sandaling iyon hindi ko naisip na nag-kakasala na ako kay Khen.
May nangyari samin ni kuya Pabs pero ililihim namin ito at ibabaon sa limot ni kuya Pabs.
Nag-mamahal:Karen❣️
BINABASA MO ANG
Loving You
RomanceNaniniwala ka ba sa Love? eh sa "Fall out of love" or naranasan mo na yan kasi ako Oo. Ako si Anna Karina Bautista. Flores o mas kilalang Karen at ito ang aking Lovestory.