KABANATA 7: Cool Off

12 0 0
                                    

Karen's POV

Tinawagan ko si Khen kasi gusto kong makapag-usap kami, gusto kong sabihin sakanya na nalilito na ako sa nararamdaman ko. Gusto kong mag-paka totoo sakanya dahil alam kong maiintindihan niya ako. Naka ilang ring lang ng sinagot na ni Khen ang tawag ko.

"Hello Mako, bakit na pa tawag ka?May problema ba?", biglang tanong niya ng sagutin ang tawag ko.

"Khen may sasabihin ako sayo", napabuntong hininga ako, hindi ko alam kung paano ko sasabihin.

"Karen gusto mo bang mag-kita tayo?", agad na tanong niya.

"Hindi na Mako, dito ko na lang sasabihin sayo kasi alam kung busy ka", saad ko agad, dahil alam kong marami siyang ginagawa.

"Sige Mako, anong sasabihin mo?", agad naman niyang sagot sa akin.

" K-Khen pwede bang mag-cool off muna tayo, kasi naguguluhan na ako e hindi ko na alam Khen, Mahal kita pero yung pag-mamahal na yun unti-unting nawawala", malungkot kong saad

"Khen mahal kita alam ko at sigurado ako doon pero naguguluhan ako ngayon", dugtong ko sa mahinang boses.

"Karen, sa tono ng boses mo at pananalita mo parang pinapaniwala mo nalang ang sarili mo na mahal mo ako. Karen hindi ko alam kung bat tayo umabot sa ganito maayos naman yung relasyon natin", malungkot na saad niya, tama siya, maayos ang relasyon namin.

"Pero nung sumama si Pabs sa Tagaytay at may nangyari pa sainyo,  alam mo ba kung gaano kasakit sa akin iyon, ha? Alam mong ikaw lang ang mahal ko at hindi ko kayang gawin sayo yung ginawa mo sa akin at ganon kita kamahal", tumulo na ang kanina pang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Sobra akong nasasaktan ngayon lalo pa at humihingi ka sa akin ng cool off, bakit kailangan umabot pa tayo sa ganito Karen, diba ikakasal na nga tayo", sunod sunod na saad niya.

"Khen i can't marry you", naiiyak kung sabi kay Khen.

"Bakit karen, kasi inalok ka din ng kasal ni Pabs? At ano, paano ako? itatapon mo na lang ako na parang basahan?", sa binibitawang salita ni khen alam kong sobra na siyang nasasaktan at tama lang a g desisyon ko, na magisip isip muna para saming dalawa.

"Khen please hayaan mo muna akong mag-isip at sa pag balik ko, malinaw ko ng sasabihin sayo ang desisyon ko",

"Karen bakit mo ba ito ginagawa sa akin? Bakit ba pinapahirapan mo ako?", bakas sa boses ni khen na umiiyak ito, masakit para sa akin na marining sa kanya ang mga salitang binibitawan niya ngayon.

Umiiyak ako lalo sa sobrang sakit nang marinig ko si khen na mahihinang hikbi ni khen sa kabilang linya.

"Sige karen, kung yan ang gusto mo mag cool off muna tayo, pero mangako ka sa akin na pag-mahal mo pa din ako bumalik ka sakin",

Pangako Khen pakakasalan kita at babalik ako sayo ng buong buo.
Sapat na sa akin na marinig yan.
Karen mahal na mahal kita kayo ng magiging anak natin.

Khen salamat sa lahat mahal din kita. Pinatay ko na ang tawag at umiyak tumayo na ako sa kinauupuan ko at naisipan ko ng umuwi sa bahay.Pag dating ko nga sa bahay kaagad akong nakatulog sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko at nakitang maaga na pala. Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang may tumatawag sa Kuya Pabs pala.Bakit sya tumatawag sa akin ng ganito kaaga? Kinakabahan man pero nagawa ko pa din sagutin ang tawag nya. H-Hello?

Hello Karen,Kamusta ka na Karen?
Ok lang naman kuya Pabs bakit ka na pa tawag?
Karen pwede ba kitang makasama ngayong araw na ito?
Kuya Pabs hindi pwede.
Karen please kahit ngayong araw lang na ito ngayong lang na birthday ko.
Napatigil ko sa sasabihin ko sana nang mag salita ulit si Kuya Pabs

Karen gusto kung ikaw ang kasama ko ngayong special na araw ko kayo ng anak natin.

Kuya Pabs hindi maaari.
Karen kahit ngayon lang pag-bigyan mo na ako.
Sige kuya Pabs sasama ako sayo pero ito na ang huli na gagawin ko ito.
Salamat Karen sobra mo akong napasaya susunduin kita.
Tinapos ko na ang tawag at napatulala na lang ako tama pa ba itong ginagawa ko?Nakipag cool off ako kay Khen tapos ngayon sasama ako kay Kuya Pabs.

Kung pwede lang na pumili na ako sa kanilang dalawa gagawin ko para lang hindi ako mahirapan ng ganito.
Pero pinapangako ko na kung sino man ang pipiliin ko sa kanilang dalawa mamahalin ko ng tapat at totoo,Mamahalin namin ng anak ko.

Nag ayos na ako para sa pag-sama ko kay kuya Pabs sa pag celebrate ng birthday nya.Hinawakan ko ang tyan ko at sinabing Anak sana mapasaya natin ang Daddy mo ngayong birthday nya,Ngumiti ako sa ngayon pipiliin ko muna kung anong nag papasaya sa akin.

See you on next kabanata🩷

Nag-mamahal:Karen❣️

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon