Karen's POV
Bumungad saken ang liwanag na nanggagaling sa bintana at pamilyar na kwarto ang bumungad sakin. Nagising ako sa kwarto namin ni Khen, nakabalik na pala ako ng hindi ko man lang namamalayan.
Napatingin ako sa katabi kong nakayakap sa akin. Si Khen, malungkot ko siyang pinagmasdan at napatitig ako sa maamong mukha niya. Hindi ko alam pero gusto kong umiyak ng umiyak at manghingi ng tawad sakanya sa kasalanan na nagawa ko. Mahal na mahal ko si Khen ng walang pag-aalinlangan pero bakit ko ito nagawa sa kanya?
Bakit ko nagawang pagtaksilan siya? Hindi ko naman pwedeng sisihin ang alak na nainom ko lalong lalo hindi ko pwedeng sisihin si Kuya Pabs sa nagawa namin dahil alam ko sa sarili ko ginusto ko din iyon.
"Karen, Ma'ko anong nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?May nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan?", umiling ako sa sunod-sunod na tanong ni Khen at yumakap sa kanya.
"Khen, Ma'ko mahal na mahal kita."
"Mahal din kita Karen", sabi ni Khen nagiguilty ako paano kapag nalaman ni Khen or ni Ate Pao 'yong nangyari kagabi? Paano na ang relasyon namin ni Khen? Mapapatawad pa kaya niya ako? Nagulat ako nang magsalita si Khen.
"Karen lumabas na tayo para makapag breakfast na't alam kong gutom ka na." Tumango ako at sabay kaming lumabas ni Khen sa kwarto.
Pag-dating sa restaurant kung saan kami kakain. Nakita kong kompleto na pala ang lahat kami na lang pala ang hinihintay.
"Hay naku! Karen buti naman at nandito na kayo. Gutom na kami lalo na ang baby ko." Sabi ni biboy habang nakayapos sa baby niya na ikinatawa ko.
"Ehem...,ate Karen dito ka sa tabi namin ni Lenlen." Nagulat at napatingin ako kay ate Geline. Tumingin ako kay Khen at ngumiti naman siya sa akin.
"Sige lang ma'ko d'on ka na't dito na lang ako sa tabi nila Pao", tumango ako sa kanya, at umupo nga ako sa pagitan nila ate Geline at Lenlen.
"Ate Karen, kamusta ka pala kagabi? Nakatulog ka ba ng maayos?" makahulugang tanong ni Lenlen na ikinakaba ko, pakiramdam ko may laman iyong tanong niya o baka naman napapraning lang ako.
"Karen sa'n ka nga pala kagabi?" nakangiting sabi ni ate Geline. "at sino 'yong kasama mo na kahalikan mo kagabi?" Alam ko hinatid na ni Kuya Mark si Khen kagabi sa Kwarto nyo? seryosong dagdag niya, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko at napaupo na lamang ako ng diretso sa kinauupuan ko. Nakita ba nila ako kagabi?
"Ha?. A-ano kamo?", mahina kong sambit. Kinabahan at nanghina ako sa sinasabi ni ate Geline.
"Kagabi? D'yan lang, w....wala naman akong kasama kagabi." nauutal na sagot ko sa kanya.Nakatingin lang si ate Geline sa akin na tipong nagtataka. Akala ko don lang matatapos. Nang bigla siyang bumulong sa akin na sakto lang na marinig ko.
"Nakita ko kayo ni kuya Pabs ate Karen, naghahalikan."mahina niyang bulong, pero bakit parang napatigil ang mga kasamahan namin sa lamesa.
Nagulat kaming lahat nang may nahulog sa sahig. Napatingin kami sa likod ni ate Geline. Para akong sinabuyan ng mainit na tubig nang makita si Khen.
"A...anong sabi mo Geline?" nauutal niyang tanong. "Tama ba ang narinig ko? Naghahalikan si Karen at Pabs?" dagdag niyang tanong at diretsang nakatingin si Khen kay ate Geline.
"Hindi ako naniniwala, hinding hindi mo magagawa iyon sa akin Karen." bumaling siya akin at bakas sa mukha ni khen ang sakit at lungkot. Napatayo ako sa sinabi niya.
"Alam ko kung gaano mo ako kamahal, Karen sabihin mo na hindi totoo ang mga sinasabi ni Geline, na nagsisinungaling lang siya at hindi ikaw iyong nakita niya", pangungumbinsi ni Khen sa sarili niya habang nakatingin sa akin. Pero walang lumalabas na salita sa bibig ko, hindi ko alam ang sasabihin ko. Bakit ganon hindi ko maitanggi ang mga nangyari? Napaiyak na lang ako.
"Sorry Khen, so...sorry ma'ko. Patawarin mo ako hindi ko sinasadya", utal na sambit ko habang sunod sunod na tumulo ang luha ko. Hindi ko alam ang dapat sabihin, sumisikip ang dibdib ko sa mga nangyayare.
"Karen paano mo nagawa sa akin ito? Mahal na mahal kita." seryosong sabi ni khen sabay punas ng luha sa mata niya't tumalikod na at umalis. Naiyak nalang ako ng tuluyan.
"Ate Karen?" tinawag ako ni ate Pao. Lumingon naman ako kay ate pao
"Halikan lang ba ang nangyari sa inyo? O may nangyari pa na higit pa sa halikan?" tanong niya at bakas sa mukha niyang nasasaktan na din.
"Ate Pao, hanggang doon lang kami ni kuya Pabs." tumulo na ang luha ko.
"Hindi, hindi Karen. Kasi kung halikan lang ang naganap sa inyo. Hindi ka iiyak ng ganyan." nagtatakang paliwanag ni ate Pao sa akin at umiling iling pa ito.
"Uulitin ko karen, wala ba talagang nangyari sa inyo ni kuya Pabs?" Ulit niyang tanong at binalingan na rin si kuya Pabs, na ngayon ay nagpapaliwanag na rin sa nobya niya. Hindi ko na kayang itago pa, madami na kaming nasasaktan. Pati ang nobya ni kuya pabs ay umiiyak na din.
"M-May nangyari sa amin ate Pao." iyak kong pag-amin sa kanila, natigilan si ate Pao, bakas sa mukha niya ang galit at sakit. Hindi na siya nagsalita, bumaling siya kina ate geline, lenlen at biboy.
"Ate Gel, Len at Biboy, una na muna kami." pagpaalam niya sa mga kasamahan namin at umalis na sila ni Kuya Mark. Nasasaktan ako, sa isang iglap lang lahat ng importanteng tao sakin ay nawala.
"Nagulat ako ng lumapit sakin ang girlfriend ni Kuya Pabs.Ang galing! Boyfriend ko pa talaga Karen?" naiiyak at nanggagalaiting sabi ni Madeline habang masamang nakatingin sakin. Ang long term girlfriend ni kuya Pabs.
"Maddie, tama na " saway ni kuya Pabs na nasa likod lang ni Madeline.
Lumapit ito sa akin at nagulat ako ng sinampal niya ako. Napahawak ako sa pisngi ko, parang namanhid ang mukha ko sa ginawa niya.
"Karen, akala ko mabait ka? Hanggang akala ko lang pala iyon, by the way, Pabs is all yours Karen." naluluhang sambit ni Maddie sabay talikod sa amin.
"Sorry Karen. Mag-usap na lang tayo sa susunod." Tarantang utas ni kuya Pabs at sinundan nito ang nobya.
Napatulala nalang ako ng umalis silang dalawa,Sumasakit na ang dibdib ko sa mga nangyayare.
"Ate Karen. Papaanong nangyari ito? Hindi namin maintindihan? Akala ko ba, mahal mo si Khen?" Nalilitong tanong ni Biboy sa akin. Nanghina na ako at hindi ko na alam ang sasabihin, niyakap ko na lang si Biboy at nagsimula na namang umiyak
"Ff hindi ko na alam ang gagawin ko, paano na kami ni Khen?" naiiyak at nanghihinang bulong ko sa kanya. I feel so drained, kanina pa ko walamg tigil sa pagiyak.
"Ate Karen nandito lang kami, pero kailangan mong tanggapin na nagkamali ka. Bigyan mo ng panahon si Khen na makapagisip, pareho ninyong kailangan yan lalo na si Khen." sabi ni ate Geline na pinapatahan ako at hinahaplos ang likuran ko. Kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko, thankful ako dahil nandyan sila sa tabi ko. Siguro nga kailangan ko munang mag-isip at ganon din si khen, mahirap at masakit pero kailangan at sana maging okay din ang lahat.
"Masakit pero tama. Kasalanan ko ito ate Geline, Lenlen at Biboy." kumalas ako sa yakap namin Biboy. May inabot na panyo si kuya jp at pinunasan ko ang luha ko. Kumalma na ko sa mga nangyayare
"Bean tara na, maiwan na natin muna si Karen." Rinig kong bulong ni Darryle kay ate Geline. Ganon din si Jp kay Lenlen. Napatingin silang lahat sa akin, nahihiya akong ngumiti sa kanilang lahat at tumango.
"Sige mauna na kayo. Okay lang ako. Gusto ko munang mapag isa." sabi ko sa kanila, mas okay na din to pra makapagisip isip ako on my own, laking tulong pag nandito sila sa tabi ko pero naiintindihan ko na may kanya kanya kaming buhay.
Nagmamahal,
Karen❣️

BINABASA MO ANG
Loving You
RomanceNaniniwala ka ba sa Love? eh sa "Fall out of love" or naranasan mo na yan kasi ako Oo. Ako si Anna Karina Bautista. Flores o mas kilalang Karen at ito ang aking Lovestory.