KABANATA 6: Harapan

16 0 0
                                    

Karen's POV

Tumalikod ako kay kuya Pabs, kailangan kong magisip ng tama, kailangan ko ng time para maprocess lahat ng mga nangyayare samin, hindi pwedeng magpadalos dalos.

"Karen! nak natin yan, hindi lang yan sayo, sa ating dalawa yan, sa aming dalawa ni khen ako ang mas may karapatan kaya please, sakin ka nalang aalagaan ko kayong dalawa", pagmamakaawa ni kuya pabs

"Kuya Pabs kalimutan mo na ako, kalimutan mo na yung gabing yun. Parehas tayong may karelasyon", ayan nalang ang nasabi dahil ayoko munang magdesisyon agad agad

"Pero karen parehas nating gusto ang nangyari", napayuko siya at nagmamakaawang tumingin sakin

"Karen umamin ka nga mahal mo mo ba ako? Kahit ba kaunting pag-tinggin meron ka ba sa akin?", dugtong niya habang umiiyak na tumingin sakin, parang pinipiga ang puso ko, pati ako ay napaluha na rin.

"please, bibitawan ko lahat para sayo, hindi ko alam kung kailan ko naramdaman na mahal kita pero sigurado akong mahal kita", naiiyak niyang sabi sakin.

"Kuya Pabs naririnig mo ba yang sinasabi mo?" naiiyak na pasigaw kung sabi sa kanya, naiiyak ako at hindi ko na makontrol ang sarili kong emosyon.

"Mahal? Mahal mo ako? Nasasabi mo lang yan dahil buntis ako at ikaw ang ama, may girlfriend ka pero paano mo nasasabi sa akin ang mga yan" pinunasan ko ang luha ko at tumingin ng diretso sa mga mata niya

"Karen makinig ka, humahanap lang ako ng dahilan para hiwalayan sya, alam mo ba kung bakit? Dahil sya nga ang girlfriend ko pero ikaw ang nasa puso at isipan ko", sabay hawak niya sa kamay ko at pilit kong kinuhmkuha ang kamay ko na hawak niya, halo halong emosyon ang binibitawan naming dalawa at hindi ako makapagdesisyon ng tama.

Tumalikod ako sakanya at sinabing kalimutan niya na ako. Nagulat ako ng niyakap niya ako ng patalikod, Naiiyak nanaman ako at naguguluhan, feeling ko ay sasabog nako.

"Kuya Pabs", humarap ako sakanya habang itinataas ang kamay ko para hawakan ang kanyang mukha.

'Kuya Pabs' naiiyak na halos pabulong lang ng sinabi ko iyon pero bakit ganon ang lakas ng tibok ng puso ko? Nag katitigan kami ni Kuya Pabs at lumapit ng paunti unti ang mukha nya sa mukha ko at di ko namalayan na nag-lapat na pala ang aming mga labi.

'Karen Mahal kita' Sa sinabing yun ni kuya Pabs doon parang nagising ako. Tinulak ko si kuya Pabs at sinabing mali ito dahil mahal ko si Khen

"Umalis ka na Kuya Pabs", mahina kong sabi habang umiiyak na

"Pero karen", pagmamakaawa niya

"Pakiusap kuya Pabs, umalis ka na", mahina kong sabi dahil hinang hina nako at hindi ko na alam ang gagawin.

"Ihahatid muna kita madilim na", mahina niyang anyaya, gustong gusto ko na siyang umalis dahil drain na drain nako, feeling ko pag kasama ko pa siya ng matagal bibigay ako.

"Sabi ng umalis ka na! Bakit ba hindi mo iyun maintindihan?", naiiyak nako at hindi ko na nacontrol ang sarili ko

"Karen buntis ka huminahon ka, Aalis na ako, mag-iingat kayo ng anak natin", pagpapaubaya niya, tumalikod nako at umalis na sa harapan niya. Tuloy tuloy lang naglakad at wala sa sariling nakarating sa tapat ng bahay namin, hindi ko namalayan na nasa bahay na pala ako.

Pumasok nako at dumiretso na sa kwarto, nahiga at tulala sa kawalan hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng may narinig akong ring sa phone ko, may tumatawag sa akin na Unknown Number. 'Sino naman kaya ang tatawag sa akin ng ganito kaaga?' Pero sinagot ko pa din ang tawag.

"Hello?", inaantok na boses na sinagot ang tawag

"Karen mag-usap tayo", seryoso at may galit sa tinug ang pag-kakasabi ng nasa kabilang linya,

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon