*The beginning of everything*
"Mamaya ka na, Gwen! Baka mahuli tayo!" sigaw ni Lia habang pababa ng hagdan. Si Gwen, nakangiti lang, habang iniipit ang librong muntikan nang malaglag sa kanyang braso.
"Ano ba, Lia. Relax ka lang. Hindi naman tayo late," sagot ni Gwen, pero alam niya na may punto ang kaibigan. First day of classes sa university, at parehong third year na sila sa kursong Business Management. Ito na ang simula ng mas seryosong phase ng college life nila, kaya ayaw na nilang magloko.
Paglabas nila ng dorm, agad silang sinalubong ng sikat ng araw at ang preskong hangin ng campus. Pero kahit gaano kaganda ang paligid, hindi napigilan ni Gwen na kabahan nang makita ang mga tao sa quadrangle—mga bagong mukha, mas maraming tao, mas matinding pressure.
"Mukha bang okay ako?" tanong ni Gwen kay Lia, huminto saglit para ayusin ang buhok.
"Perfect. Mas lalo kang magmumukhang 'di ka approachable," natatawang sabi ni Lia, pinapagpag ang uniform ng kaibigan.
"Grabe ka," Gwen replied, pero natawa na rin. Kung tutuusin, hindi naman siya sobrang suplada, pero may aura talaga siyang madalas napagkakamalan ng iba.
Sa gitna ng tawa nila, biglang may bumangga kay Gwen mula sa likuran. Nabitiwan niya ang libro, at napaatras siya. Sa bilis ng pangyayari, hindi niya na napansin kung sino ang may kasalanan.
"Sorry!" sabi ng boses mula sa likod. Agad niyang tinignan kung sino ang may gawa.
At doon niya siya nakita—isang lalaking matangkad, nakasuot ng simpleng hoodie at ripped jeans, parang galing lang sa isang pop music video. Medyo naka-messy ang buhok, at nakakunot ang noo, halatang guilty sa nagawa.
"Oh, sorry," ulit ng lalaki, sabay abot ng librong nahulog.
"Okay lang," Gwen answered, pero naramdaman niyang bigla siyang kinabahan, hindi dahil sa gulat, kundi dahil sa presensya ng lalaking ito.
"Next time, tingnan mo rin sana ang dinadaanan mo," dagdag ni Lia, na nakatawa pero may kasamang pangaasar. Likas na protective ito kay Gwen.
"Hindi naman sinasadya," sagot ng lalaki habang nakangiti. Tumango ito bago lumakad papalayo.
"Grabe, ang cute niya," bulong ni Lia.
Hindi pa rin makakilos si Gwen. Hindi niya alam kung anong meron sa lalaking iyon, pero may kakaiba. At alam niyang hindi ito ang huling beses na magkikita sila.
---
to be continued.

BINABASA MO ANG
Only Yours
RomanceTitle: Only Yours Author: Richsterrrr "Only Yours" is a tale of discovery and love-a journey brimming with genuine emotions, struggles, and hope. Behind every mistake, they will find that the heart has the final say.