CHAPTER 2

0 0 0
                                    

*Mga Lihim na Tanong* 

Hindi ko ma-explain pero noong nakita kong in-accept ni Kyla 'yung friend request ko, napangiti ako ng todo. Parang walang dahilan, pero iba 'yung saya na naramdaman ko. Wala pang isang minuto, nag-scroll na ako sa profile niya. Simple lang siya, hindi 'yung tipong mahilig mag-post. Pero 'yung mga pictures niya, 'yung mga nakangiti, nagbigay sa akin ng kakaibang vibe—'yung pakiramdam na gusto mo siyang kilalanin nang mas malalim.

"Ano ba 'to, Alex. Chill lang," sabi ko sa sarili ko habang nagbabrowse ng mga post niya.

Habang nag-i-stalk ako (aminin na natin, stalker moves 'to), napansin kong may mga interaction siya with Yuni, kaya lalo akong naging interesado. Sa isip ko, "Sana maging close din kami, gaya nila." Pero alam kong hindi gano'n kadali.

I decided to message her. Simple lang—walang halong landi, walang halong expectation. Hindi ako sigurado kung irereply-an niya ako, pero sinubukan ko pa rin. Kaya isang gabi, habang nakahiga ako, nag-type ako ng isang casual na message.

**Alex:** "Hi Kyla! Thanks for accepting my friend request. Nasa room ka pala ni Yuni madalas, napansin kita. Kamusta?"

I sent the message, at habang hinihintay 'yung reply, napapaisip ako kung dapat ko bang burahin. Pero bago ko pa maisipang gawin 'yun, nag-notify ang phone ko.

**Kyla:** "Hi Alex! Oh, ikaw pala 'yun. Oo, minsan kasama ako ni Yuni sa Litmatch. Kamusta din?"

Bigla akong napangiti. Hindi ko alam kung bakit, pero 'yung simpleng "Kamusta din?" niya parang ang laki na ng impact sa akin. Siguro dahil hindi ako sanay na maging excited sa ganitong bagay.

**Alex:** "Okay lang! Natutuwa lang ako na nakita kita sa party room. Si Yuni pala, sobrang kulit no?"

Mabilis din siyang sumagot, kaya medyo gumaan 'yung vibe ng usapan namin.

**Kyla:** "Haha, oo nga eh. Pero dahil sa kanya, natutuwa din ako kasi ang dami kong nakikilalang bago."

Mula doon, nagsimula na 'yung mga simpleng kwentuhan namin. Puro light and casual lang, walang halong pressure. Inisip ko, "Huwag kang magmadali, Alex. Mahirap 'pag pinilit mo." Pero hindi ko rin maiwasan na isipin kung may chance ba kami maging close—baka sakaling maging kaibigan ko talaga siya o baka… something more?

Lumipas ang mga araw, hindi na ako nawawala sa pag-chat kay Kyla. Hindi rin siya 'yung tipong maraming tanong, pero 'pag nagreply siya, parang may depth. Hindi boring, hindi mababaw, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya pa ilalabas lahat. Minsan, nagtataka ako, "Sino ba talaga si Kyla?" Pero hindi ko rin siya kinukulit tungkol sa personal niyang buhay. Sinusubukan ko lang hintayin kung kailan siya magbubukas nang kusa.

Hanggang sa isang araw, nagbago ang usapan namin.

**Kyla:** "Alam mo ba, si Yuni? May sinabi siya tungkol sa'yo."

Napakunot ako ng noo. "Anong sinabi ni Yuni?" Nagsimula nang magtakbuhan ang isip ko. Ano kaya ang sinabi niya? May nagawa ba akong weird? Pero bago pa ako kabahan nang tuluyan, nag-reply si Kyla.

**Alex:** "Ano daw sinabi ni Yuni?"

**Kyla:** "Sabi niya, crush mo daw ako."

Napamura ako nang mahina sa sarili ko. "Tangina, Yuni." Hindi ko alam kung tatawa o maiinis. Dapat ba akong mahiya? Pero bago pa ako makapag-react, sinundan niya 'yung message.

**Kyla:** "Totoo ba?"

Napaisip ako saglit. Wala nang atrasan. Siguro, ito na 'yung moment na kailangan kong maging totoo, pero hindi ko rin puwedeng ibuhos lahat. Kaya sinagot ko siya nang medyo kalmado.

**Alex:** "Haha, sinabi niya 'yun? Well, to be honest, I find you really interesting. I guess you could say ganun nga."

Natagalan bago siya nag-reply, at kinabahan ako nang konti. Baka nabigla siya, baka hindi siya komportable. Pero 'nung bumalik 'yung message niya, natanggal 'yung kaba ko.

**Kyla:** "Haha, okay. Interesting din naman ako sayo, I guess."

Nagulat ako. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro. Pero 'yung simple niyang reply, parang gumaan ang pakiramdam ko. Bigla akong napahinga nang malalim, na parang hindi na ako gaanong kinakabahan.

Kaya mula doon, mas naging open na 'yung usapan namin. Hindi na lang simpleng small talk, kundi may mga tanong na rin kami tungkol sa isa’t isa. I found out na nasa Davao pala siya, malayo. Sobrang layo. Pero hindi ko inisip na problema 'yun. Sa isip ko, “Malayo lang ‘yung distance, pero 'yung connection, mas malapit naman.”

Habang tumatagal, mas napapalapit ako kay Kyla. Hindi ko alam kung nahuhulog na ba ako, pero ang alam ko lang, she was slowly becoming a part of my day.

---

**End of Chapter 2**

Itutuloy...

Connected SoulsWhere stories live. Discover now