Between The Night And Day
"Na saan ang Cor mo?" Tanong ng babaeng naka upo sa may entrance ng gymnasium. Na lintikan na! Nakalimutan kong dalhin yon! Yon pa naman yong access ko para maka pasok sa gym.
Kung saan 'san ko pa kasi nilagay yon! Napa kamot nalang ako pero agad kong naalala na may picture pala ako nun na naka save sa galary ko.
"Miss nakalimutan ko kasi sa bahay pwede bang picture nalang?" Ngumiti ako ng pilit bago siya bumuntong hininga at tumango.
"Sorry talaga promise dadalhin ko na sa next orientation" pinag dikit ko ang palad ko at humingi ulit ng tawad. Dahil sa katangahan ko to kaya naiwan ko yong cor ko.
Buong gabi akong mulat at wala pang tulog kaya mula sa bahay at pag baba ko ng bus ay parang pasan pasan ko ang buong mundo sa ulo ko; kulang nalang kumuha ako ng tungkod para lang maging tuwid ang lakad ko.
"Gaga anong nangyari sayo? Sabog ka ba?" Natatawang sabi ni Ashley kaibigan ko. Classmate ko sya nong senior at iisang college lang din ang pinag enrollan namin.
"Wala pa akong tulog simula kagabi" sabi sabay isinandal ko ang ulo sa balikat niya. Wala namang nag utos sakin na mag puyat sadyang ganon talaga ang techniques ko para ma reset yong body clock ko.
Biruin mo? Ginawa kong gabi ang umaga? Buong mag damag akong gising at 5am na ako natutulog sinong hindi mag aadjust sa ganung set up?. Pasalamat nalang talaga kay Lord dahil kahit pumipitik na ang ugat sa utak ko himala't buhay pa ako.
"Attendance lang pinunta ko dito kaya ikaw na makinig para sakin" sabi ko at inirapan nalang ako ng babaeng to bago ako humiga sa likod.
"Alam mo matulog ka kaya ng maaga lahit pilitin mo lang sa ginagawa mo niyan baka kunin ka na ni Lord" biro niya
"Dalawang buwan akong puyat Ash kaya hindi pako kukunin ni Lord" naka higa na ako at hindi naman ako kita doon dahil sa natatakpan ako ng mga studyanteng naka upo. Iidlip lang ako tapos babalik narin ako sa pakikinig.
"Bahala ka diyan" ngumiti lang ako bago natulog.
Nagising ako nang may yumogyog sa balikat ko kaya nalimpungatan ako. Pa pungas pungas pakong bumalik sa pag ka upo at nang pag mulat ng mata ko ay para atang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang wala nang tao sa buong gymnasium.
Putik talaga! Bakit hindi ako ginising ni Ashley? Napa tingin ako sa bag ko at buti nalang ay nandun pa yon. Sa sobrang pag mamadali kong maka alis ay hindi ko na napansin ang lalaking gumising sakin.
Agad nakong tumakbo palabas ng Gym. Wala nang tao sa school at mag gagabi narin ka inis naman kase. Nag mukha pa akong mag nanakaw kanina dahil sa suot ko! Naka suot kasi ako ng black hoddie jacket at tumatakbo palabas ng gym at napag kamalan akong mag nanakaw! Kainis talaga.
"Huy sino ka?" Sita sakin ng guard napa hinto nalang ako at nag dasal na sana maka labas pako ng buhay dito! Wala akong dalang cor kaya anong ipapakita kong evidence na studyante ako!.
Dahan dahan akong pumihit at hinarap si manong Guard. "Bakit po?"
Na lintikan na!
"Hindi naman po kase ako mag nanakaw Manong Guard! Nag sasabi ako ng totoo. Naka tulog ako sa orientation kaya hindi ko namalayan tapos na pala at naiwan ako" kanina pako pa ulit ulit sa mga sinasabi ko pero hindi parin ako pinapakawalan ni Manong Guard. Malapit na mag gabi at kailangan ko nang maka uwi!

BINABASA MO ANG
Between The Night And Day
RomanceAaron Cruz, a hot-headed architecture student from Samal Island University, was always in a bad mood. He would meet a man named Park Hae Wol, who was half-Korean and half-Filipino. Unbeknownst to Aaron, Park, Hae Wol He will trip to ruin Aaron's day...