Between The Night And Day
"Blind date lang naman to kaya wag kanang umangal. 10 years ka nang single subukan mo naman mag risk kahit ngayon lang" pa ngungulit ni Kate sakin.
Na pa buntong hininga nalang ako. Ito na naman ako dito sa walang kwentang blind date na'to. Ginagawa ko lang 'to para sa kaibigan ko. Alam ko naman na ginagawa niya lang din 'to para sakin. Ayaw niya lang siguro na malungkot ako kaya siya na mismo ang gumagawa ng paraan para sa love life ko.
Ayaw ko naman malungkot siya kasi siya ang nag e-effort para maka usad ako.
"Ikaw talaga.... Ilang beses mo na akong sinet-up sa blind date na'yan, osya gagawin ko na" wala na akong choice kundi ang pumayag pero kahit na pumayag ako sa gusto ni Kate alam kong hindi naman gagana 'to kung ang puso ko ay nag hihintay parin sa isang tao.
Ilang beses na 'to pero ika nga nila Take the risk or lose the chance.
"Buti naman! Bukas ng gabi ang date niyo sa Bluebird, alam mo nayon kaya goodluck!" sabi niya. Natigilan ako saglit bago ngumiti ng pilit. Ang lugar na iyon ay na paka especial para sakin.
Parang nag lakbay pabalik sa nakaraan nag aking isipan nang marinig ko ang pangalan ng lugar na iyon. Ngumiti nalang ako ng mapait bago alisin yon sa isip ko.
"Narinig ko na pupunta ka ng korea! Ang swerte mo namam, isa ka sa mga architect na kukunin nila at hindi nako mag tataka kasi ang galing mo kaya! Akalain mo 'yon? Sa loob ng sampong taon ang dami mo nang award"
Tungkol sa pag punta ko sa korea ay pinag iisipan ko pa kung tatanggapin ko ba offer ng boss ko. Isa ako sa mga napili para pumunta sa korea for 2 years contract para sa bagong building na itatayo. This is my bigbreak as a architect pero hindi ko alam kung tatanggapin ko.
"Pag iisipan ko pa 'yon" tipid kong sabi sa kanya.
"Ah basta dapat tumuloy ka. This is your opportunity para makilala bilang isang Architect Cruz. Pag talaga naka ipon nako ikaw ang kukunin ko para mag design ng bahay ko! Dapat may discount ha" biro niya.
"Syempre naman! Basta bigyan moko ng sampong inaanak!" Biro ko at nag tawanan nalang kami hanggang sa nag paalam nako para umuwi.
Nang maka uwi nako galing sa trabaho ay ibinagsak ko nalang ang katawan ko sa kama. Ilang minuto na ako sa ganitong posisyon at parang na lulunod ang utak ko sa daming tanong na umiikot sa isip ko.
"Kamusta na kaya siya?"
"Ang tagal narin nang huli naming pag kikita"
"Na saan na siya? Babalik ka pa ba?"
Na inis lang ako nang maisip ko na naman ang lalaking yon. Sampung taon narin ang nakalipas pero parang walang umuusad?
Kinabukasan ay agad nakong pumunta kung saan kami mag kikita ng ka blind date ko, tapos na ang trabaho ko kaya mabuti nalang ay 5pm nang makarating na ako doon ay malapit nang palubog ang haring araw.
Ang kulay na kahel na kumakalat sa paligid at tumatama ang gintong kulay nito sa aking balat na dahilan para mas lumabas ang kayumaging kulay kong balat.
Umupo ako sa isa sa mga table habang hinhintay ang ka blind date ko. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng lugar. Overlooking ang place kaya mula dito sa kinakaupuan ko ay kita ko ang malawak na karagatan at ang pag kalat ng gintong kulay sa paligid na sanhi ng papalubog na araw.
30 minutes na ata ang lumipas pero walang dumadating. Napa buga nalang ako ng hangin dahil palpak nanaman ang blind date na ito. Tumayo ako at nag lakad palapit sa railings at doon sumandal. Napa tingala ako sa kalangitan at isang pamilyar na pangayayari ang muling nag paalala sakin sa tao 'yon.
Nasa kalagitnaan ako ng Araw at gabi. Habang ang araw ay papalubog nakikita narin ng mata ko ang buwan sa langit.
Hindi ko namalayan ay tinatahak na naman ng aking isipan ang mga pangyayari na dapat na sanang kalimutan.
Pero paano? Paano kalimutan? Ang huling sabi niya mag kikita kami pero bigla siyang nawala. Ang masakit pa dun ay ni hindi man lang kami nakapag paalam sa isat isa.
Kaya sa tuwing pinag pinag mamasdan ko ang papalubog na araw at ang buwan sa kalangitan ang pangalan niya nais bigkasin ng bibig ko.
"Hae wol...miss na kita"
BINABASA MO ANG
Between The Night And Day
RomansaAaron Cruz, a hot-headed architecture student from Samal Island University, was always in a bad mood. He would meet a man named Park Hae Wol, who was half-Korean and half-Filipino. Unbeknownst to Aaron, Park, Hae Wol He will trip to ruin Aaron's day...