Between The Night And Day
"Kilala mo yong si Park Hae Wol? From BSBA? Ang dami daw nag kaka gusto sa kanya!" Balita sakin ni Ashley na ngayon ay pumunta pa talaga sa room namin para maki chismis. Vacant nila kaya ito siya nang iistorbo. "Mukhang may tatalo na kay Nam Shin mo!" Natatawang sabi niya.
Excuse me! Walang tatalo sa ultimate crush ko. Kahit hanggang tingin nalang ako walang papantay sa crush ko no! Kahit si Hae wol pa yan.
"Si Nam shin parin para sakin deadma sa bashers" sabi ko at tinakpan ang tenga ko. Ayaw ko marinig mga pinagsasabi niya nakaka sira ng mental health!
"Pero may nasagap akong balita ha! Close daw kayo ni Hae Wol. I chika mo yan sakin" nag Cross arm siya at tinititigan ako para bang pipigain ang buong pag ka tao ko.
"No! Hinding hindi kami magiging close ng hayop na'yon. Wala ngang ibang ginawa yon kundi ang bwisitin ako araw araw eh" inis kong sabi.
Totoo naman kasi!
Yong mga ginawa niya simula pa nong orientation at hindi niya pag reply sa chat ko! Teka? Bakit ko naman siya hinhintay mag reply sa chat ko?. Naalala ko na may sinend akong picture ng sunset kaso nag seen lang siya at hindi nag reply!
Nakakainis talaga! Akala ko pa naman mapapatawad ko na siya pero sa ginagawa niya mas lalo niya pa akong ginagalit!.
Wow self! Grabe na talaga saltik sa utak ko. Resulta na siguro to sa laging pag pupuyat!
Hindi ko siya mahagilap sa Campus dahil mag ka salungat ang schedule namin minsan at kung mag kikita man kami ay hanggang tingin lang din kami sa isa't isa.Minsan napapa tanong din ako kung ano bang nakita nila sa Park Hae Wol na'yon. Di hamak na mas gwapo si Nam Shin kay'sa sa kanya no!.
Nag paalam na si Ashley sakin matapos makipag kwentuhan na mga walang kwentang bagay. May binalita pa siya na kina sakit ng aking heart! May rumours daw na may nililigawan si Nam shin kaya na Hurt ako ng sobra pa sa sobra dahil special ka!.
Self, rumours lang naman yon kaya hindi tayo mag seselos for to days video! Nang matapos ang klase namin ay nakipag kita muna ako kay Kate dahil nag aya ang bruha na kumain sa labas kaya agad din akong umalis dahil libre din naman niya.
Ang dami pang pa Eme ng babaeng to eh sa Mornight café lang pala kami pupunta pero ang ganda ng lugar at ang Aesthetic ng dating, kaya din pala gusto ng babaeng to na dito mag kape kase ang pogi ng staff!
"Afternoon Ma'am and sir" bati nong lalakeng lumapit. Agad lumawak ang ngiti ni Ate ko! Na punta ang paningin ko sa nameplate ng lalake ang pangalan niya ay Hector.
"Kuya yong best seller nyo po ang i serve nyo" pa cute na boses ni Kate kaya na badtrip ako agad. Na pa sapo nalang ako dahil sa inakto niya sa harap ng lalake.
May mga kaibigan talaga tayong may split personality e no? Pag kaharap mo parang kulang nalang mag dala ng baso at alak tas pag may kaharap na lalake pa hinhin ang pota!
Nang makuha na ni Kuya ang order namin ay bumalik sa katauhan ang kaibigan ko. Grabe parang kakagaling lang sa exorcism.
"Sarap mo din buhusan ng mainit na kape no?" Akmang babatukan ko ang babae. "Kulang nalang i lahad mo buong pag ka tao sa lalakeng yon"

BINABASA MO ANG
Between The Night And Day
RomanceAaron Cruz, a hot-headed architecture student from Samal Island University, was always in a bad mood. He would meet a man named Park Hae Wol, who was half-Korean and half-Filipino. Unbeknownst to Aaron, Park, Hae Wol He will trip to ruin Aaron's day...