"Ang death penalty ay isang uri ng parusang ipinapataw sa mga taong nagkasala ng matitinding krimen gaya ng pagpatay, panggagahasa, o terorismo."
Kanina pa nagsisimulanang klase, at lahat ay nakatutok kay sir. Malapit nang matapos ang unang semestre namin, at finals na sa susunod na linggo.
40% ang finals namin, kaya halos lahat ay nakatutok kay sir dahil mahirap makakuha ng mataas na marka sa kanya.
Understanding Culture, Society, and Politics pa ang subject namin sa 7 a.m. na klase. Grade 11 pa lang ako, pero ang eye bags ko ay pang-college na.
"Now, I want to hear your opinions about it. Who would like to share their thoughts about the death penalty?"
Nakita kong nag-iwasan ng tingin ang mga kaklase ko, at ang iba naman ay nagkunwaring nagsusulat sa notebook nila.
Seriously? Opinion na lang?
Nakita kong tumingin si sir sa akin, at nag-iwas naman ako ng tingin.
Ako rin pala.
Pigil akong napa-padyak. Bakit kasi ayaw pa nilang mag-volunteer, eh?
Umayos ako ng upo at handa na sanang magtaas ng kamay nang may magsalita sa harapan.
"Para sa akin po, sir, mas okay kung may death penalty para mabawasan ang krimen at matakot ang mga tao sa paggawa ng masasamang bagay."
Si Dolly, ang presidente ng klase. Matalino at maganda siya, kaya maraming ibang mga strand ang napapadpad sa classroom namin para lang sulyapan siya.
"That's a good point, Dolly. Tinatawag yang deterrence theory, which suggests that the presence of a harsh punishment, like the death penalty, can prevent people from committing crimes. Pero, sa kabilang banda, may argumento rin na maaaring hindi ito epektibo."
"Ang mga inosente ang madadamay dito. Tinatawag itong miscarriage of justice dahil may mga taong napaparusahan sa mga bagay na hindi nila ginawa. They are wrongly convicted. Hindi lahat ng nasa kulungan ay masasama," dagdag pa ni sir.
Totoo naman, minsan ang mga tunay na dapat managot sa batas ay ang mismong mga humahawak sa batas.
yung iba nga, kumakandidato pa.
Kakapal ng mukha.
"Kung kayo ang tatanungin ko, sino dito ang sang-ayon sa death penalty?"
Unang-una si pres na nagtaas ng kamay. Sumunod na rin ang iba, at halos nangalahati ang pro sa death penalty.
"Sino naman ang hindi sang-ayon sa death penalty?"
Nakita kong nagtaas si Vice President Gino.
Matalino rin siya at may itsura, kaso wala siyang close ni isa sa classroom, bukod kay pres. Kailangan kasi nilang magkasundo dahil mga officer sila.
Pero bakit kaya magkaiba sila? Alam ko may something yang dalawa na yan. LQ yarn?
Sakit niyo sa mata, mga gunggong.
Ay, sorry sa bad words.
"Okay, baba na ang mga kamay." Ibinaba ni sir ang hawak niyang libro at
naglakad sa gitna.
"Gino, pwede bang magbigay ka ng opinyon kung bakit tutol ka sa death penalty?" Walang pag-aalinlangan na tumayo si Gino.
"Because of the risk of wrongful conviction, Sir. Katulad ng sinabi niyo kanina, hindi lahat ng nasa kulungan ay masasama. Maraming mahihirap ang nakukulong ngayon. Paano pa kaya pag may death penalty na? It clearly shows that the death penalty is anti-poor."
"Pero may mga lawyer para sa mahihirap na pinondohan ng gobyerno, katulad ng Public Attorney's Office (PAO). Tumutulong sila sa mga mamamayan na walang pambayad ng abogado," singit ni Dolly.
Nakita kong inayos ni Sir ang salamin niya at simpleng napangiti sa kanyang nakikita. Nakatayo na rin kasi si Dolly na nakaharap kay Gino. Parehas silang nasa harap pero nasa magkabilang sulok.
Mukha ngang LQ sila.
Buti nga.
Dejk.
Hay, ang intense naman nito. Gusto ko lang naman umuwi.
"Sa tingin mo ba ganoon lang kadali iyon? Sa dami ng kaso na hinahawakan ng mga public attorney, napagtutuunan ba talaga ng sapat na pansin ang bawat isa? I'm not saying they aren't skilled. It's just that their services are extremely limited in scope, which becomes a barrier for complex cases that require specialized knowledge or expertise."
"Yes, Cally?"
Napatingin ang lahat sa akin. Nagtaas kasi ako ng kamay.
"Time na po, sir."
Alanganin akong ngumiti.
Nakarinig naman ako ng mahihinang bungisngsi nila.
"Alright, makakaupo na kayong dalawa. Thank you for your insight on the death penalty. Pero bago tayo magtapos," tumingin sa akin si sir at ngumiti.
Parang may hindi magandang mangyayari, ah.
"Hindi kita nakitang nagtaas ng kamay, Cally."
Sabi na eh.
"Sang-ayon ka ba o hindi sa death penalty?"
Nakangiti akong tumayo at saka umiling.
"Hindi po, sir."
"Pwede bang malaman kung ano ang opinyon mo?"
"Para sa akin, ang kamatayan ay ang pinakamadali at pinakamabilis na paraan ng pagpaparusa."
Nakita kong nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin.
"Habang bitbit ng mga pamilya ng mga biktima ang trahedyang sinapit nila hanggang sa kanilang pagtanda, ang suspek naman ay mamatay lang? Napakadali naman niyon. I want to keep them alive and impose a severe punishment so harsh that they end up wishing for their own death. Waking up every day should be their punishment."
BINABASA MO ANG
Abyss
Teen FictionIn a world where justice fails, she became the law, punishing the wicked not with death but with the weight of their own sins. Story started: August 10, 2024 Story Ended: Still on going