“Out na po ako!”Pinindot ko ang maliit na ring bell sa ibabaw ng counter at inalis ang apron ko.
“Ingat ka ah! See you tomorrow!!”
Pahabol na sigaw ni Ate Mara, ang may-ari ng maliit na convenience store kung saan ako nagpa-part time. I’ve been working here for almost three months, and I’m still adjusting.
Bagong lipat lang ako dito. Mababait naman ang mga tao at tahimik.
Maski sa school, kaya kahit ang mga estudyante ay mabilis na makagaanan ng loob.
So far, my life here has been quiet.
“Oh, hi Cally!” A girl wearing glasses greeted me. She was carrying several bags of snacks.
Aba, sa ibang convenience store pa talaga bumili.
Taksil.
Siya si nika.
Grade 12 na siya at STEM ang kinuha niya. Kasama ko siya sa apartment. Hati kami sa expenses na binabayaran.
Buti na lang nag-post siya sa social media na kailangan niya ng roommate.
“Bakit ka napadpad dito?” Kahit naman tanungin ko siya, hindi siya nag-sasabi.
Marami siyang binibiling chichirya tapos kinabukasan ay maaga siyang papasok. Tapos gabi na siya uuwi kahit na half day lang naman ang klase namin.
Simula nang naging roommate ko siya, ganito na ang naabutan ko.
–
NAGISING ako sa tunog ng alarm clock ko—5 a.m. in the morning. Just like my normal routine. Tumatakbo muna ako sa labas para mag-jogging. 20 minutes every morning. Nakakatulong din kasi ito sa paglabas ng endorphins, isang kemikal na galing sa utak na may kakayahang magbigay sa atin ng maayos na mood buong araw.
“Hello, Cally! Pinaghanda na kita ng sandwich at kung gusto mo ng kanin. May spam akong niluto.”
Kinuha ko ang notes na nakasabit sa ref. Nagbaon din kasi siya kaya nakakatuwang iniisip niya rin ako.
Kahit na ilang buwan pa lang kaming magkasama, ganun pa rin siya nung una ko siyang nakilala. Napakabait niya at parang ate na ang turing ko sa kanya kahit na isang taon lang ang agwat ng edad namin.
–
"You all know that your grades determine which section you'll be in next semester. So, if you want to be in Section A, work hard."
They say there's a better chance of passing the college entrance exam if you're in the star section.
Maraming estudyante dito sa university. Isa kasi itong malaking paaralan dito sa Ilocos.
MMSU.
Ma. Masilag State University.
"Ms. Caszino?"
Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang instructor na tinawag ang pangalan ko.
"Kanina ka pa tinatawag." mahina kong narinig na bulong ng katabi ko.
Bigla akong napatayo ng tuwid. "Yes po, ma'am?" medyo kabadong tanong ko.
"Someone is looking for you outside.”
Nakita ko si Nika sa labas, at nakangiti niya akong kinawayan.
"I might not be able to come home tonight. Huwag mo na akong hintayin." sabi niya, may dala-dalang gamit. Mukha siyang nagmamadali at palinga-linga.
"Ichachat sana kita kaso naubusan ako ng load. Baka bukas na ako makauwi."
"Saan ka ba pupunta?" I asked directly.
BINABASA MO ANG
Abyss
Teen FictionIn a world where justice fails, she became the law, punishing the wicked not with death but with the weight of their own sins. Story started: August 10, 2024 Story Ended: Still on going