Chapter Three

52 6 18
                                    

"Seryosong-seryoso mag-aral ah! Ako siguro inspiration mo, no?" biro ng katabi ko.

Si Walto.

Katabi ko siya at kaming dalawa lang sa dulo ng hilera ang nakaupo dito.

“Lunes na lunes naman, Walto.” napipikon kong sagot habang isinasara ko ang notes na hawak ko.

He just gave a peace sign.

Umurong pa siya ng kaunti palapit sa akin at saka humarap sa pwesto ko, nakasubsob sa armchair niya.

Aba, at ayaw pang tumigil.

“Gusto mo rin bang malipat sa star section? Iiwan mo na ako?” said dramatically

Umacting pang nasasaktan ang gago.

“Mag-review ka nga muna diyan!” suway ko sa kanya.

“Yes, ma'am!” Umayos naman siya ng upo at sumaludo pa sa akin bago kumuha ng notebook mula sa bag niya.

Siya ang pinaka-close ko sa classroom, bukod kina Gino at Dolly. Pero nakakausap ko rin naman ang iba kong mga kaklase, lalo na't tungkol sa klase.

I glanced out the window and saw the class president walking in, with the vice president trailing behind.

I couldn’t help but smile at the two of them.

Mukhang bati na sila ah.

Noong nakaraan lang, grabe sila mag-debate. Ibang klase talaga ang love language ng mga matatalino.

Walang may alam na may "something" sila. Kung hindi ko lang sila nahuli dati sa convenience store na patagong nagkikita noong mga panahong ilang linggo pa lang ako noon…

Hindi ko mapapansin na mag-jowa sila. Kinausap pa niya ako na huwag kong ipagkalat dahil ayaw nilang makaapekto sa pag-aaral ang relasyon nila.

Madali naman akong kausap.

“Wow, sweet niyo ngayon ah!” Sigaw ko sa dalawa.

Nakita kong sinamaan niya ako ng tingin at nagmamadaling lumapit sa akin.

“Cally!”

“Joke lang!” Natatawang sabi ko.

Apat pa lang naman kami dito. Wala pang mga kaklase ko dahil masyado pang maaga para sa unang exam.

Actually, si Walto ang una kong nakita na pumasok.

Nakasubsob lang siya diyan kanina sa pwesto niya at natutulog.

Hindi ko alam trip niya minsan.

—-

Ilang oras ang lumipas, at natapos na rin ang tatlong magkakasunod na exam. Bukas ay ganoon din. Next week, wala na kaming pasok—dalawang linggo ang bakasyon namin bago magsimula ang second semester.

Kumaway ako kina Dolly bago lumabas ng classroom. Mukhang mamaya pa sila lalabas kasama si Vice. They're probably going on a date again.

Stay in love, love birds..

"Heading home?” biglang sulpot ni Walto. Napatigil ako sa paglalakad dahil hinarang niya ako sa gitna ng daan. Nakapasok ang kanyang mga kamay sa bulsa ng puting track jacket niya.

"Ano na naman ba?" tanong ko, kunwaring masungit. Nagpatuloy akong maglakad, at sumabay naman siya.

"May bagong bukas na café. Gusto mo ba? Libre ko."

Medyo maaga pa naman, at nag-chat din sa akin si Nika na gagabihin siya ng uwi. Nagpatuloy ako sa paglakad, at muli niya akong sinundan.

"Huyyy!" tawag niya sa akin.

AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon