Chapter Two

49 7 23
                                    


"Natagpuan si Sergeant Ricardo 'Ricky' Cruz sa kanyang kwarto na may tama ng baril sa kanyang ulo. Walang senyales ng pagkakaroon ng nang loob, at sa kasalukuyan, hinihinala itong isang pag-suicide. Ang mga awtoridad ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang mga detalye at dahilan ng kanyang pagkama-"

Hindi ko na tinapos ang balita at pinatay ang TV. Kakatapos ko lang mag-jogging. Kahit sa labas, maraming tao ang nag-uusap tungkol sa pagkamatay ng isang police officer. Marami na raw na kaso ang nalutas niya at marami siyang natanggap na parangal.

So, they don't believe he committed suicide.

"Nika?" I knock on her room, but it seems she hasn't come home yet. Hindi pa rin siya nagre-reply kahit na ni-load-an ko na siya kahapon.

Baka dahil walang klase ngayon, kaya hindi siya umuwi ng maaga. Magpapahinga lang ako saglit at matutulog ulit. Mamaya pa naman ang pasok ko sa trabaho.

-

Naalimpungatan ako ng malalakas na katok. Mukhang napasarap ang tulog ko.

Mag-aalas dose na ng tanghali.

"Sino yan?" Walang sumasagot.

"Nika? Ikaw ba yan?" Pero kung siya iyon, bakit pa siya kakatok? She has her own key.

Nang tuluyan kong buksan ang pinto, tumambad sa akin ang malaking kahon. Napansin ko ang maliit na papel na nakadikit sa ibabaw nito.

"Sana matuwa ka, Nika."

I wonder who sent this. Medyo magaan. Ano kaya ito?

I'll just leave it in front of her door so she'll see it as soon as she gets home.

Kaya gustong-gusto ko ang weekends. Nakakapagpahinga ako ng maayos. Wala akong pasok sa trabaho tuwing Linggo kaya naman may oras pa ako para mag-review bukas.

Kung tutuusin, mas okay lang sa akin kung hindi ako mapunta sa star section. Hindi ko naman alam kung hanggang kailan ako tatagal dito.

Wala naman akong plano mag-college. Hindi ko rin alam kung anong gusto ko paglaki. Wala naman akong pangarap.

-

"I-sasara ko muna ang store ng ilang araw. Pupunta akong Manila para umattend ng burol. Baka ilang araw akong mawawala." Pagkasabi niya nito, iniabot niya sa akin ang sobreng naglalaman ng isang linggong sahod ko.

When I look at it, I'm surprised because it's thick and filled with one thousand peso bills.

"Bakit po gan-" hindi na niya ako pinatapos at muling nagsalita.

"Maraming salamat, Cally. Napaka-buti mong bata at napakasipag mo. May mga araw na hindi kita napapasahod pero hindi ka nagrereklamo." Umalis siya sa harapan ko na may dala-dalang malaking supot na naglalaman ng iba't ibang klase ng pagkain.

It seems like it came from her store.

"Para sa'yo na ito. Baka kasi tuluyan na akong magsara." May namuong mga luha sa mga mata niya.

"Ate Mara..." Nang niyakap ko siya, doon siya tuluyang humagulgol.

Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan niya, pero sa simpleng yakap, sana ay gumaan ang kanyang nararamdaman.

Minsan, kahit na gusto nating sarilinin ang ating pinagdadaanan, humihiling tayo na sana may makapansin. Kahit na gusto nating mapag-isa, humihiling tayo na may makakasama.

Nang araw na iyon, doon ko lang nalaman na panganay niyang anak ang nasa balita kaninang umaga.

Mukhang nasa 30s lang si Ate Mara, pero 48 na pala siya. Hindi halata sa kanyang mukha dahil mukha talaga siyang bata pa.

AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon