Chapter Five

53 5 2
                                    

“I’m Cally Caszino.” maikli kong pagpapakilala sa harapan.

It’s the first day of school for the second semester, at nasa star section ako. Kasama ko sina Dolly, Gino, Walto, at dalawa pa naming kaklase dati.

When I look at the front, they’re just quietly staring at me. Not a single smile.  Maayos at diretso ang kanilang pag-upo. sobrang bigat ng aura nila.

Ibang-iba sa dati kong section.

Bumalik ako sa pwesto ko sa pinakadulo. Mabuti na lang at walang sitting arrangement.

“Hi?” Nang tingnan ko ang katabi ko, nagulat ako nang makita siyang nakangiti sa akin.

Sabels.

She’s still sitting perfectly, legs crossed, and wearing earphones.

Ang mahaba at blonde niyang buhok ay naka-sabit sa kaliwang balikat. Hindi mo aakalaing kayang gumawa ng kademonyohan sa kabila ng mala-anghel niyang mukha.

Nang inikot ko ang paligid, nakita ko sila isa-isa. Parang nag-aabang na madapuan ko sila ng tingin.

Napahawak ako sa ulo ko nang may tumama sa akin mula sa harapan.

A crumpled piece of paper.

Nang tignan ko kung sino, nakita ko si Cesar. Nag-middle finger siya sa akin.

Binalik ko ang tingin ko sa lukot-lukot na papel na nasa sahig at kinuha ko ito para buksan.

"Mag iingat ka sa dilim."

Yan ang tumambad sa akin. Muli ko itong nilukot at binato sa malapit na basurahan.

Shoot.

Nang tumingin ulit ako kay Cesar, kita ko ang gulat sa mukha niya. Bago pa siya makabawi, umiwas na ako ng tingin.

Sige lang, pakasaya kayo sa mga ginagawa niyo ngayon. Hanggang saan ang kademonyohang kaya niyong gawin?

Nika withdrew her complaint when she returned from her province. I don’t know, but something feels off.  Wala siyang sinasabi sa akin, pero agad siyang nagsabi sa pulis na hindi na niya itutuloy ang reklamo. Maski ang mga magulang niya ay pumayag na magkasundo.

Ang head ng school ay napagkasunduan na rin kung ano ang dapat mangyari. Mukhang naayos ito sa mabuting usapan. O sa usapan nga ba talaga?

Nang mag-vibrate ang cellphone ko, palihim ko itong binuksan at nakita ko ang message ni Walto.

“Mukhang ikaw ang target nila ngayong semester. Mag-ingat ka, Cally.” I spot Walto sitting on the same row as me, but in the opposite corner.

Hindi siya tumingin sa akin. Naka-focus lang siya sa librong binabasa niya.

May dalawang bakanteng upuan sa tabi ko bago ang pwesto niya.

“Sorry, I’m late.” Isang pamilyar na boses ang nakaagaw ng atensyon ko. Mula sa labas, nakita ko ang isang lalaking hingal na hingal sa pintuan.

“Traffic po, kaya tumakbo na lang ako,” paliwanag niya.

“Desmond? Mmmm…” basa ni ma’am sa nakaukit na name tag sa dibdib niya, saka tinignan ang master list.

“Okay, introduce yourself first.”

Naglakad si Desmond sa harapan habang nakasabit ang bag niya sa kanang balikat.

Kahit magulo ang buhok, hindi maikakaila ang taglay niyang kagwapuhan.

“My name is Desmond Raige. I'm a transfer student from Manila. I hope we can get along.” diretso niyang sabi habang nakatingin sa akin.

AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon