Chapter 2

24 2 0
                                    

"Baka may nakalimutan ka pa 'nak ha. I-check mong mabuti, masyadong malayo ang Manila para umuwi sa naiwan lang na gamit," paalala ni mommy habang iniisa isa ang mga gamit ko na nakalagay na sa maleta. Napapakamot nalang ako dahil inayos ko na lahat 'yon pero nilabas niya pa rin para i-check kaya uulit na naman ako.

"Mom, I told you kompleto na 'yan. I have a checklist kaya sure akong wala na akong naiwan, promise," saad ko habang binabalik lahat ng 'yon sa maleta. Bukas pa ang flight ko patungong Manila pero ngayon palang ay nagri-ready na ako. Ayoko kasi ng rush.

"Sure ka Sachi ha, oh siya sige bababa muna ako. Puntahan ko lang ang daddy mo. Ipagpatuloy mo na 'yan,"

"Sige po,"

Kahit na nakaready na ang lahat ng mga dadalhin ko ay dinouble check ko pa rin ang mga importanteng dokumento na dadalhin ko lalong lalo na 'yong mga requirements ko na ipapasa sa university na papasukan ko which is the Ateneo University. Malapit na kasi ang examination schedule ko ro'n kaya kailangan ko ng lumuwas ng Manila.

Besides, I also wanted to look for Jeannah kasi ang dami ko pang gustong itanong sa kaniya. Magdadalawang buwan na kasi simula noong sinabi niya sa 'kin na makikipaghiwalay na siya pero hanggang ngayon ay preskong presko pa sa memorya ko ang mga salita niya at masakit pa rin ang nararamdaman ng puso ko.

Imagine, being into a relationship with someone na masasabi mong almost perfect na and then suddenly, one day bigla nalang nagbago ang lahat at sasabihin niya sa 'yo na makikipaghiwalay na siya after months of not being able to contact her. Gano'n gano'n nalang 'yon na iiwan ka niya without giving you the reasons why.

So, what do you expect? Na magmo-move on na ako ng gano'n gano'n nalang? I know I couldn't and even if I could, I will not move forward hanggat hindi ko nalalaman kung bakit siya nakipaghiwalay sa 'kin kasi I am clueless. Hindi ko alam kung ano ba ang maling nagawa ko para magdesisyon siyang iwanan ako.

"Oh god! Kung anu ano na naman ang mga iniisip ko." Napailing iling nalang ako sa sarili at ipinagpatuloy ang ginagawa.

It was very early in the morning when I arrived at Manila. I immediately texted Bea na nakarating na ako dahil nagvolunteer siya na susunduin niya raw ako. Good thing is nagreply naman agad siya na papunta na raw. Hindi naman ako matagal naghintay sa kaniya dahil hindi naman gaanong traffic.

"Hey buddy!" Pambungad ko nang maisara ang pinto ng kotse niya. Nagpout lang siya habang ini-start ang kotse niya. "Wow, ang tamlay ha! Hindi mo ba ako na-miss?"

"I'm still sleepy. Nagising ako sa tunog ng text mo," aniya habang nagda-drive. Yeah, mukhang antok pa nga siya pero she has no choice. She volunteered na siya ang magsusundo sa 'kin kaya wala siyang magagawa. "Pero seriously, na-miss kita gago!" Dagdag pa niya na ngayo'y masigla na.

Hindi natahimik ang biyahe namin ni Bea dahil napuno 'yon ng kwentuhan at asaran. It's been years na hindi kami nagkita simula noong nag migrate kami ng Cebu kaya ngayon ay hindi kami nauubusan ng kwento sa mga naging buhay namin sa nakalipas na taon.

Medyo mahaba haba ang biyahe namin kaya naman ang dami ko ng nakwento sa kaniya including my status with Jeannah. I also asked her kung may balita ba siya kay Jeannah o kung may alam niya kung nasaan ang babae pero tanging iling lamang ang naibigay niya sa 'kin.

"I don't know, ang tagal ko ng walang balita sa kaniya at hindi ko na siya actually nakikita sa school dati pa. Hindi ko rin masyadong napapansin kasi naging busy din ako sa sports at acads," she answered. Napatango nalang ako sa narinig mula kay Bea at mapait na napangiti. What happened to her? Bakit bigla nalang siyang naglaho?

Mabilis lang lumipas ang mga araw simula noong dumating ako rito. Within the span of one week, nakituloy muna ako sa condo ni Bea habang inaayos pa nila mommy ang transaction sa owner ng condong bibilhin nila para sa 'kin. They also bought me a car para daw hindi na ako mapagod kaka-commute.

She's That Woman (Book 2) (On going)Where stories live. Discover now