@itsmeririelle
Hey! I'm sorry about what happened kanina. Sorry talaga, Deans ha!Kahapon niya pa sinend 'yon na chat niya pero ngayong umaga ko lang nabasa. Hindi na kasi ako nakapag open ng IG account ko dahil antok na antok na ako dala ng alak na ininom namin ni Bea. Nasundan pa kasi 'yong isa ng dalawa, tatlo hanggang sa maka anim na bote kaming dalawa kaya ngayon, nararamdaman ko na ang sakit at bigat ng ulo ko.
@deannawongst
Sorry for the late reply. It's fine, Ririe. Wala 'yon.She just reacted 'heart' in my reply kaya hindi na nasundan pa ang conversation namin.
Nang mga sumunod na araw ay pinigilan ko ang sarili kong i-chat siya because I feel like, I am disturbing her kaya nagfocus muna ako sa studies and other matters pero palagi ko pa ring inaabangan ang mga stories and ganap niya sa buhay because I feel like my day is not complete without knowing what's her day be like.
First week ng school year ay halos paglalaro ang inaatupag ko since hindi pa naman formal ang mga klase sa lahat ng subjects. Aside from playing, we were always hanging out especially if I am with Bea.
Nilalagay ko rin ang bawat ganap ko sa buhay sa stories ko and I feel happy everytime she viewed it kasi pakiramdam ko, inaabangan niya rin ang mga bagay na nangyayari sa 'kin or baka assumera lang ako. I also asked Bea about it and I think mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.
"Dude, think of it again. Hindi porket bino-view ang stories mo ay like kana ng isang tao, pero since you're my friend, I'm gonna support you, so yeah! Maybe she likes you!" Masigla niyang tugon na naging dahilan ng pag irap ko pero actually, she has a point. Baka nga, nag a-assume lang ako, baka nga habit niya ang pagbo-view ng stories at ako lang ang naglalagay ng meaning, yeah, baka 'yon nga.
"Pero, do you think may...chance?" I asked Bea na kakatapos lang lumagok sa alak na hawak niya. Uminom din ako sa alak na hawak ko at napapikit nang maramdaman ang manamis namis at mapait na likidong dumaloy sa lalamunan ko.
"Chance?"
"Yeah, I mean...kami. Do you think there's a chance na magustuhan niya ako?" I asked again. Kung hindi ako lasing, sigurado akong hindi ko magagawang itanong 'to kay Bea. I noticed how her lips formed into a smile kaya medyo nahiya ako sa mga pinagsasasabi ko.
"Haha! Grabe, malala kana, Deanna. Pero, as an answer, I think there's a chance, if...if she's not straight, you know," she casually answered.
Well, I don't know kung ano ba ang pagkakakilanlan niya sa sarili niya because I have no idea. Hindi ko naman siya palaging nakakasama kaya hindi ko pa siya lubos na kilala. She acts girly and boyish din at the same time kaya it's hard for me to confirm if she's straight or not.
"Do you think she's straight?" Tanong ko. Nagkibit balikat naman si Bea at nagsalita.
"Well, she has a suitor," she stated.
Hindi na rin naman ako umimik at ipinagpatuloy na ang iniinom. I feel dizzy na rin kaya kung anu ano na ang mga naiisip ko. She has a suitor, so, does it mean na she's straight? But, why does she allows me to be with her without feeling awkwardness?
"Kung ano man ang mga iniisip mo, buds, stop it. Baka mamaya, umiyak ka pa rito," pagbibiro ni Bea. Napailing nalang ako sa sinabi niya.
"I'm not like that,"
Nang mga sumunod na araw ay naging focus na ako sa studies and hobbies ko. Pinipilit ko na rin ang sarili ko na huwag magbabad sa social media kasi tuwing iyon ang ginagawa ko, I always ended up stalking her. Ilang beses na rin akong nag-attempt na i-chat siya pero ilang beses ko ring binubura ang imi-message ko sana.
YOU ARE READING
She's That Woman (Book 2) (On going)
FanfictionI love welcoming the warm sunrise in the morning, but, with her presence, it makes my day even more brighter than the scenery. Just like sunset, their love story is beautiful, yet, a sad one. They broke up, met once again, yet, one still chose to st...