Matagal kaming nagkaroon ng pagkakataon na magkasama ni Ririe, pero bakit hindi ko man lang nagawa na maglakas loob na magtanong sa kaniya if she's okay with me just being around.
You know, sa nakikita ko kasi, most of the straight girls are not comfortable being with us, pero, Ririe is different. Straight man siya o hindi, she doesn't make me feel na ayaw niya sa 'kin o sa presensiya ko.
"Dito na, Deans. Salamat sa paghatid ha," pagpaaalam niya. I gave her a smile and when she's about to open the door, I quickly stopped her.
"Wait!"
"Why?" She asked, confused. Nanatili pa rin ang kamay niya na nakahawak sa handle.
"Let me do it," saad ko at saka bumaba ng kotse. I opened the door for her at tuluyan na rin siyang bumaba. She opened their gate at pumasok na rin ako. Ihahatid ko siya hanggang sa pintuan ng bahay nila kasi gusto ko.
"Salamat ha. Pasensya kana, ang dami kong abala sa 'yo. Uhm, pasok ka muna, magluluto ako ng almusal," she offered. I wanted to pero hindi ko alam bakit bigla akong nakaramdam ng hiya so I refused her offer at tuluyan na ring nagpaalam. I also make sure na nakapasok na siya sa loob ng bahay nila before driving away.
Dumaan muna ako sa condo ni Bea para guluhin ang umaga niya. Natuwa naman ako nang makarating doon na may almusal na at nakahain na. Maging si Bea ay nakaligo na at nakapag ayos na rin ng sarili which made me curious kasi hindi naman ganito ang babae in her usual day.
"Wow, anong meron? Bakit ready?" Tanong ko. I quickly took a sip on the coffee para magkalaman ang tiyan ko. Hindi kasi kami nakapag almusal ni Ririe kanina dahil nagmamadali na siyang umuwi.
"Nothing. I just prepared our breakfast because you're gonna make kwento to me on what happened last night," she said. Oh right, she's already expecting me to come here kaya pala naka prepared na ang lahat.
Well, Bea being my bestfriend and best bud, wala akong naitatago sa kaniya. So, napuno ng kwentuhan at asaran ang umaga namin habang nagbi-breakfast. Hindi rin naman ako nagtagal doon dahil maliligo pa ako at mag aayos bago pumuntang school.
It was just a usual day at ang na-enjoy ko lang sa buong maghapon ay ang pakikipagchat kay Ririe noong vacant time. We talked a lot and shared some corny jokes until she mentioned na she needs to meet the Exisplay members.
@deannawongst
Congrats agad!@itsmeririelle
Thanks! Gusto mo sumama?Napaayos ako ng upo sa nabasa kong chat niya. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Bea mula sa likuran ko. Ang gaga ay kanina pa pala nakikibasa sa conversation namin at hindi ko man lang namalayan.
"Sus kunwari ka pa, sumama kana, sinasabi ko sa 'yo," aniya.
"God Bea! Kanina ka pa pala nakikibasa," saad ko naman at nilayo ang cellphone. Tumawa lang ang babae at umalis na sa pwesto nito. Bumalik ako sa ayos ng pagkakaupo at nagtype ng reply kay Ririe.
@deannawongst
Tinatanong pa ba 'yan? I'm always free naman kaya.Kahit alam kong may gagawin ako, bahala na, kaya ko naman 'yon i-cram. Natigil na ang usapan namin dahil dumating na ang sunod na professor. Nagbigay lang ito ng gagawin at nagrecall lang ng mga previous topics.
Nang makauwi sa condo ay agad kong sinimulan ang mga gagawin. 'Yong iba naman ay ika-cram ko nalang bukas ng madaling araw. 6 PM yung time na sinabi ni Ririe and I don't wanna be late. Wait, parang I forgot something.
I grabbed my phone and chatted Ririe na susunduin ko nalang siya sa kanila para hindi na siya mag commute. She agreed naman kaya agad na akong nag ayos ng sarili and drove to their address. At exactly 5:30 PM ay nakarating na ako sa kanila pero hindi muna ako bumaba sa kotse kasi masyadong maaga pa. Baka isipin niyang excited akong makasama siya which is true naman.
YOU ARE READING
She's That Woman (Book 2) (On going)
FanfictionI love welcoming the warm sunrise in the morning, but, with her presence, it makes my day even more brighter than the scenery. Just like sunset, their love story is beautiful, yet, a sad one. They broke up, met once again, yet, one still chose to st...