Chapter 3

39 2 0
                                    

"Are you okay?" Bea asked when she noticed my mood. I immediately nodded and faced her, giving her a thrift smile.

"Yeah, this is nothing. May...may sumagi lang sa isip ko," I answered. I know that she knows what was it kaya hindi na siya nagtanong pa na ipinagpasalamat ko naman.

"Ah sige. That's okay, buds! Cheer up lang dapat! We're here to enjoy!" She tried to make my mood light up again which is somehow effective.

"Yeah right,"

Tinapunan ko ng tingin ang babae na pansamantalang nawala sa isip ko at nakitang abala na ito sa pakikipag usap sa katabi niya kaya nag-focus nalang ako sa pakikinig at pakiki-jam sa bandang tumutugtog ngayon. They're actually good in performing.

After some minutes ay nagpaalam ako kay Bea na magsi-cr lang. Walang tao pagkarating ko ro'n at sobrang tahimik ng paligid. I immediately occupied the first cubicle. After I make sure that I'm okay, binuksan ko na ang pinto at napahawak ako bigla sa dibdib sa gulat.

"Woah!"

"Ah sorry, nagulat ba kita?" She asked, worriedly. Oo, nagulat mo 'ko at para akong aatakihin sa puso kanina. Napabuntong hininga ako at agad na umiling.

"Ah, hindi...hindi naman," I lied. Sinundan niya talaga ako papunta rito sa cr? What for? I never expected this kasi tuwing magkakatitigan kami ay palagi siyang umiiwas.

"Gusto ko lang sanang ibalik 'to sa 'yo. Nahulog mo ata no'ng nasa pastry shop ka," she said. She showed me the necklace at may kung anong kirot akong naramdaman nang muli ko itong makita.

"Ah oo, nahulog ko nga 'to. Kaya pala hindi ko makita sa bahay. Akala ko kasi ay naiwan ko lang," I grabbed the necklace and put it on my pants. "Salamat ha. Thank you. Thank you so much," I said while smiling. Mas dumoble ang ngiti ko nang ngumiti siya pabalik.

"You're welcome. So, anyway, una na 'ko ha. Iyan lang naman kasi ang sadya ko eh," she said. She's leaving? Agad? Akmang tatalikod na sana siya nang pigilan ko siya.

"Wait!" Gosh! Why did I stop her? Oh right, I wanna know her name. Sayang naman ang pagkakataon na 'to at hindi ko 'to palalagpasin nang hindi ko nalalaman ang pangalan niya.

"Hmm?"

"What's your name?" I asked. Why I am asking for her name? Wala lang. Gusto ko lang malaman. Napansin kong kumunot ang noo niya sa tanong ko kaya nagsalita ulit ako. "Ah just your name," I added.

"Ririelle," she simply answered.

Ririelle.

Wow, what a beautiful name for a beautiful girl. Wait, what? May dumaang ngiti sa labi ko nang may biglang naisip about her name. Ririelle is good but what I think is much better and suits her well.

"Oh, Ririe," I said. Hindi ko alam kung bakit bigla ko siya binigyan ng nickname. It's just...it's just I actually don't know. Basta, I wanted to call her that way.

"Ririe?" She asked, confused but having a little smile. I think she never expected that someone will give her a nickname.

"Yup! Ririe. Ririe suits better as your name." Kasi ako ang gumawa at nakaisip.

I didn't expect na we're having a little conversation because she asked me too about my name. I automatically lend my hand for a shakehands which she immediately accepted as well.

"Deanna. Deanna Wong,"

Upon touching her hand, may kung anong dumaloy sa buong katawan ko na hindi ko maipaliwanag. Pero, infairness ha, her hand is not that soft pero ang sarap hawakan dahil mainit ito.

She's That Woman (Book 2) (On going)Where stories live. Discover now