Nanakit na ang kaniyang likuran na nakasandal sa pader at natapos na rin nila ni Raquel ang dalawang pocketbooks na kanilang binabasa ngunit wala pa ring nagbubukas ng CR kung saan sila nakakulong. Aaminin niyang kinakabahan na rin siya ngunit ayaw niyang ipahalata iyon sa kaniyang kasama.
"Hindi ka ba maarte? Kaya mo bang matulog dito sakaling walang may magbukas sa atin ngayon?" pabiro niya pang tanong. Gumuhit naman sa mukha ng isa ang matinding kaba. Napansin niya rin ang bahagyang panginginig ng kamay nito.
"Ah, k-kaya ko naman po."
"Relax. Binibiro lang kita. May avengers ako. Kapag napansin nilang nawawala ako ay hindi sila titigil hangga't hindi nila ako nahahanap. Paniguradong mapapagalitan na naman ako ni Sathorn Vallez kapag nalaman niyang nakipag-away ako kaya tayo nakulong dito," natatawa niya pang sabi habang nakaguhit sa kaniyang mukha ang naiiritang mukha ng lalaki. "Tiyak na masisira ko ang moment nila."
Nila ni Vyienna bilang Mr. and Ms. Intramural. Paniguradong nanalo sila.
"Sobrang close niyo po talaga ni Kuya Sathorn, 'no?"
"Dahil matagal na kaming magkaibigan."
"Kaya po nagpagkakamalan kayong magkasintahan."
"Hindi kami totoong mag-best friend kung hindi kami pinagkakamalang gano'n. Normal lang naman ang judgment na gano'n," aniya sabay kibit-balikat pa.
"Ni katiting po ba ay wala kang gusto kay Kuya Sat bilang isang lalaki?"
Natigilan naman siya sa tanong na iyon. Naging natural na lang sa kaniya ang senaryong inaasar sila sa isa't-isa. Abala siyang i-enjoy ang kaniyang buhay estudyante at mas may oras siyang makipagdaldalan o away kaysa sa ang pag-isipan ang kaniyang nararamdaman sa mga taong nakapaligid sa kaniya.
Akmang magsasalita na siya nang biglang bumukas ang pinto at bumungad ang mukha ng kanilang janitress. Nagulat pa ito nang makita sila.
"Ano'ng ginagawa niyo rito?" puno ng pagtatakang tanong nito sa kanila.
Ngumisi naman siya at sinagot ito. "Napaglaruan lang po kami ng maligno, Ate Alice. Thank you at napagawi ka po rito! Kayo po ang anghel na ipinadala ng langit para iligtas kami sa mga lamok dito! Mauubos na ang dugo namin dahil sa kasisipsip nila," masigla niyang sabi sabay labas.
"Nakung mga bata kayo! Mabuti na lang at naisipan kong mag-ikot muna bago umuwi!"
"Salamat po at naisipan ninyo! Sobrang thank you talaga!" pasalamat niya pa ulit. "Mauna na po kami, ha?" paalam niya pa.
"Thank you po, mauna na po kami," paalam din ni Raquel at sabay na silang umalis.
Nakahinga na siya nang maluwag. Tahimik na ang buong campus at may kadiliman na rin. Palagay niya ay kaunting minuto na lang ay 6:00 p.m na rin. Walang dudang tapos na ang program.
BINABASA MO ANG
Love On The Edge
RomanceWhen love is on the edge, everything feels uncertain and blurred, making it hard to articulate the emotions swirling within. ★Eunjie Paz ★ ★Sathorn Vallez★ Love On The Edge High School Love Replay Series #1 Written by LovieNot