“Thorn,” untag niya sa kaibigang seryoso sa pagre-review ng notes dahil may summative sila sa Science.
Oras na ng recess nila kaya gusto niyang yayain itong mag-ikot muna sa campus kagaya ng nakasanayan nila nitong mga nakaraang taon nila rito sa HNHS. Alam niya kung gaano kaseryoso si Sathorn sa pag-aaral at napansin niyang mas naging seryoso pa ito ngayon.
“Bakit?” mahinahon nitong usisa at tinapunan siya ng tanong. Naupo siya sa bakateng upuan sa likuran nito at dumukwang para bulungan lamang ito.
“Ikot tayo.”
“May summative tayo sa last period,” sagot naman nito at hindi man lang kumilos mula sa tuwid na pagkakaupo dahil napakalapit ng kanilang mukha sa isa’t-isa.
Nagre-review din kasi si Vyienna na nasa tabi lang ng lalaki kaya ayaw niyang madisturbo ito sa ingay nila. May kasungitan pa naman ang top 1 nila at ayaw nito ng maingay kapag may paparating silang summative test.
“Saglit lang naman, recess pa lang. Matalino ka naman na, tama na ’yang review. Ako nga ay tanggap ko ng maze-zero ako mamaya.”
Napalayo siya nang bahagya nang bigla itong pumihit paharap sa kaniya. “Are you serious?! Mag-review ka roon,” utos nito sabay pitik ng kaniyang noo.
“Tsk! Ayaw ko nga. Kahit anong review pa ang gawin ko ay lowest score din naman ang nakukuha ko. Nasasayang lang ang oras ko sa wala. Ayaw mo talaga sumama?” paninigurado niya pa.
“Ayaw,” matatag nitong deklara.
“Fine,” nakanguso niyang sabi.
“May assignment ka na sa Math?” biglang iba nito sa usapan.
“Wala. Required ba? Hindi ba at optional lang naman ang paggawa ng assignments? Kapag gusto mong tumaas ang grades mo ay gumawa ka, kapag hindi naman ay ayos lang naman, ’di ba? Masakit ang ulo ko kagabi kaya hindi ko naalalang may assignment pala,” nang-aasar na palusot niya.
“Masakit ang ulo pero nasa basketball court ka kagabi at tumitili-tili?”
Natakpan niya naman ang kaniyang bibig. Nakalimutan niyang malapit nga lang pala ang boarding house nito sa court.
“Bakit mo alam? Stalker ba kita?”
“Idiot,” may diin nitong asik sabay mahinang isinampal sa kaniyang mukha ang Math notebook nito. Naramdaman niya pa ang pagtitig ni Vyienna sa kaniya. “Mangongopya ka na lang. Baka tamarin ka pa niyan?” dagdag buwelta ni Thorn.
“Yey! Kaya love kita, e! Ang suwerte talaga ng mapapangasawa mo. Guwapo na, matalino pa at nagpapakopya pa ng assignments. Hindi na bale, kapag tumakbo kang Presidente ng Pilipinas ay ikaw kaagad ang iboboto ko,” masigla niyang sabi at patakbong lumabas na ng kanilang classroom.
Nagmamadali siyang bumaba ng building at dumiretso sa classroom ng dati niyang classmates na sina Joyce at Teshia. Inimbitahan kasi siya ng mga ito na sa kanilang baryo dahil fiesta diumano. Nakarating na siya roon noong isang taon at hanggang ngayon ay nananatiling lihim sa kaniyang mga magulang ang tungkol sa bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
Love On The Edge
Roman d'amourWhen love is on the edge, everything feels uncertain and blurred, making it hard to articulate the emotions swirling within. ★Eunjie Paz ★ ★Sathorn Vallez★ Love On The Edge High School Love Replay Series #1 Written by LovieNot