"Sathorn Vallez! Sathorn Vallez!" tili niya rin nang umakyat na si Sathorn sa entablado.
Tama nga ang mga fan girl ng lalaki. Exciting nga na makita itong rumampa sa stage bilang Mr. Intramural contestant. Ngayon niya napagtanto kung gaano ito kaguwapo at kaastig dahil sa suot nitong sports wear.
"Best friend ko 'yan!" muli niyang bulyaw. Nakikisabay din siya sa cheers ng mga tagahanga nito mula sa iba't-ibang level at section.
Mabuti na lang talaga at nakumbinsi niya ito na maging representative ng kanilang level. Nangako kasi siyang kapag sumali ito sa ganitong pageant ay hinding-hindi na siya magka-cut ng classes o kaya naman ay gumala na hindi nagpapaalam sa kaniya mga magulang.
"Ang guwapo-guwapo mo, Thorn!" sigaw din ni Eulla.
"Marry me, Sathorn Vallez!" pabiro niyang sigaw din nang mapatingin ang lalaki sa kanilang puwesto.
Paano ba naman ay sila ang pinakamalakas ang tilian kaya mas agaw atensiyon sila kaysa sa mga contestant sa stage. Wala namang masama sa kanilang ginagawa. Kailangan ng pangmalakasang audience impact. Dagdag puntos iyon para sa kay Sathorn. Nagpagawa pa sila ng tarpaulin na may nakalagay na "Marry me, Sathorn Vallez".
"What did you say?! Say it again!" malakas na sabi sa kaniya ni Eulla.
"Ano bang sinabi ko?" lito niya namang tanong. "Dami mong tanong. Tumili ka na lang kasi. Kailangan nating matalo ang fanclubs ng ibang contestants."
"Vyienna! Vyienna!" sigaw ng mga kasamahan nila. Nakalimutan niyang ang babae pala ang partner ni Thorn.
"Kung pumayag ka sanang ikaw ang maka-partner ni Thorn-"
"President ako ng fanclub ni Thorn, okay?!" asik niya sa kaibigan niyang namilit din sa kaniya na maging representative nila.
Hindi na nga siya magaling sa klase, sa ganitong klase ng competition pa kaya? Tiyak na ilalampaso lang siya ng mga magiging kalaban niya. Mas mapapahiya lang siya. Mas mabuti na iyong si Thorn at Vyienna ang naging representative nila dahil kitang-kita na malakas ang posibilidad na mananalo sila.
"Ang ganda mo, Vyienna!" tili niya na lang para suportahan din ang isa. Ngumiti ang babae at ipinulupot nito ang kamay sa braso ni Thorn at sabay na silang rumampa. "Bagay na bagay kayo!" muli niyang sigaw.
"Huwag ka ngang plastic," bulong sa kaniya ni Eulla sabay apak ng kaniyang paa.
"Aray ko! Bakit ba?!" angil niya naman.
"I-cheer mo na lang si Thorn. Hayaan mo na si Vyienna. Halata namang napipilitan ka lang."
Ngumisi naman siya. "Talaga? Okay. Si Thorn lang naman talaga ang gusto kong i-cheer. Kayo na ang bahala sa isa," deklara niya naman.
"Tsk! Sabi kasi sa 'yong-"
"Go, Thorn! Ilampaso mo silang lahat! Let's go, baby! Let's win!" Napansin niyang napatingin pa sa kaniya ang mga 3rd year nasa kabilang bahagi ng gym nakapuwesto. "Heto lang kayo, oh," nang-aasar niyang sabi sa mga ito sabay taas ng kaniyang kalingkingan. Hindi pa siya nakontento at nag-thumbs down pa siya para lalong asarin ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Love On The Edge
RomantizmWhen love is on the edge, everything feels uncertain and blurred, making it hard to articulate the emotions swirling within. ★Eunjie Paz ★ ★Sathorn Vallez★ Love On The Edge High School Love Replay Series #1 Written by LovieNot