CHAPTER 2

20 13 0
                                    

“Sana ay si Kuya Sathorn naman ang pambato ng 4th year sa Mr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Sana ay si Kuya Sathorn naman ang pambato ng 4th year sa Mr. and Ms. Intramural ngayong taon, ’di ba?”

“Yeah, gusto ko ring makita kung paano maging contestant si Kuya Sat sa isang school pageant. Ang sexy niya siguro rumampa.”

“Bakit kaya hindi nila nilalaban sina Kuya Sathorn, Xeiroh, Law? Malaki naman ang possibility na mananalo sila, ’no?”

“Agree, idagdag mo pa sina Kuya Clyde, Zeus, Rain at Dylan, ’di ba?”

“Si Kuya Clyde ay Captain ng Basketball Team natin. Si Kuya Zeus ay nasa school band at si Kuya Rain at Dylan ay badminton players. Malabo silang maging contestant.”

“Sina Kuya Sat, Xei at Law na lang talaga. Kahit sino sa kanila, ’di ba?”

“Sinabi mo pa! Nakapadami palang pogi na, talented pa sa Senior. Nakakainggit. Sana ay naging ka-edad na lang nila tayo. Ang angas sigurong maging classmate nila.”

“Ngayon mo lang na-realize na maraming guwapo sa school natin? Iyong iba nga ay nagsi-transfer na lang sa ibang school. Hindi mo alam na School of Gods and Goddesses ang tawag nila sa HNHS?”

“Gods and Goddesses?!” sabat niya na talaga nang hindi niya na matagalan pa ang bulungan ng tatlong estudyanteng nasa kabilang mesa lamang.

Base sa kulay ng suot na ID lace ng
mga ito ay mga sophomore palang sila. Bakas din sa mga mata ng mga ito na nagulat nang makita siya.

“Hi, Ate Eunjie,” sabay-sabay pa nilang bati sa kaniya.

Hindi niya rin maiwasang magulat dahil kilala siya ng mga ito ngunit naisip niya rin na kung totoong fangirls ang mga ito nina Sathorn ay malamang updated ito sa kung sino-sino ang mga taong malalapit sa mga lalaki.

“Nasa library kayo pero ganiyan ang usapan ninyo? Paano kung parusahan kayo ni Papa God sa ginagawa ninyong ’yan?” asik niya pa.

“Ate Eunjie naman, nagagalit ka na naman diyan. Ayaw mo kasing payagang sumali si Kuya Sat sa school pageant natin, e,” nang-aasar pa na sabi ng isa.

“Bakit ako ang sinisisi mo? Hawak ko ba ang buhay ng isang iyon?”

“Hindi ba at boyfriend mo naman si Kuya—”

“What?! Hoy, hindi, ah?! Pasmado talaga iyang bunganga mo!” depensa niya naman sabay hampas sa ulo nito ng libro. Um-echo pa ang tunog niyon sa kabuuan ng library.

“Labas,” biglang sabi ng boses na babae. Matigas din ang tono ng pananalita nito. Kahit hindi pa nila ito tinatapunan ng tingin ay alam nilang ang masungit na librarian nila ito. “Lalabas kayo o iba-ban ko kayo buong taon dito?” pananakot pa nito sa kanila.

Wala silang nagawa kundi ang tahimik na tumayo  sabay labas ng library. Masama ang tingin na ibinigay ng isa sa kaniya. Tinaasan niya naman ito ng kilay.

Love On The EdgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon