Chapter 5

7 0 0
                                    

When Chichay finally left dahil tinawag siya ng Mama niya aya agad naman akong tumakbo papalabas ng bahay at pumunta sa may puno ng mangga para mapag-isa. Gusto ko munang mapag-isa.

I open my phone at nagtungo agad ako sa Instagram ko. Mabuti nga ay may load balance pa ako.

Nakita ko ang mga kaklase ko noon na nag m-myday ng picture nila na nakasuot ng uniform. Ang iba sa kanila naman ay nag myday ng laptop, ibig sabihin ay nag-aaral sila.

Kung nakapag-aral kaya ako? Masaya kaya ako? I know na stressful ang pagiging student pero worth it naman din ang stress kapag nakapag graduate kana dahil makakahanap ka ng magandang trabaho.

Madonna and i are the same. Her parents doesn't want her na mag college din dahil siya yung tagapagmana ng company. We both convinced our parents na paaralin kami ng college kahit mag take lang ng business na kurso pero ayaw parin nila. Sapat na daw sa kanila na nakapag senior high kami.

Isinandal ko ang ulo ko sa puno habang tinitignan ang kalangitan. Well, may mga lamok but thankfully naka jacket at pajama ako at naka medyas. Medyo malamig na kasi, i think dahil na rin siguro to sa paparating na bagyo.

Habang pinagmamasdan ko ang kalangitan ay nakita kong lumabas ang parents ni Chichay sa bahay nila. Matatanaw lang kasi dito dahil di naman ito medyo kalayoan mula dito sa puno ng mangga.

Nakita kong maybitbit na speaker ang Papa ni Chichay samantalang ang Mama niya naman ay may bitbit na maliit na lamesa. Nakita ko rin na lumabas ang kapatid ni Chichay na may bitbit na pitsel ay mga pagkain at inilagay ito sa maliit na mesa na siyang bitbit kanina ng Mama nila.

Nagsimula ng magpatugtug ang Papa ni Chichay at sumayaw naman ang kapatid ni Chichay.

"Chay! Hali ka na, lumabas kana diyan. Kakain na tayo para tayo'y makapagsayaw na rin pagkatapos." Tawag ng Mama ni Chichay sa kaniya.

"Opo Ma!" Rinig kong sigaw ni Chichay sa loob ng bahay.

Ang music na pinatugtug ng Papa ni Chichay ay Dancing Queen dahilan na napasayaw ang Mama niya at sinabayan naman ito ng Papa niya.

Ngayon ay sumayaw na silang dalawa, habang hawak-hawak ng Papa ni Chichay ang waist ng Asawa. At ang Mama naman ni Chichay ay hawak-hawak ang balikat ng Asawa.

Ang ganda nilang tignan.

Sana.. in the future, ang pamilyang ma bubuo ko ay kagaya ng pamilya ni Chichay.

Yung tipong kahit mahirap ay masaya at nag mamahalan.

Nakita ko si Jax na lumapit kay Chichay dahilan na napatigil sa pagsayaw ang mga magulang niya.

Shit. Baka hinahanap niya na ako.

Agad agad naman akong tumakbo papalapit sa kanila.

"San ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap." Bakas sa tono nito ang pagkairita.

"S-sorry. Nasa may puno lang ako, nagpapahangin." Sabi ko.

"May hangin naman dun sa atin. Anong hangin ba yung hinahanap mo ha?" Seryoso niyang tanong.

Hindi nalang ako sumagot at nagsimula ng mag lakad pauwi.

"Bakit hindi ka nagpaalam? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?" Sunod-sunod na tanong niya.

Aba malay ko ba na kanina mo pa ako hinahanap, nagpapahangin lang naman ako saglit.

Akmang bubuksan ko na ang kwarto ko pero pinigilan niya ako.

"Sa susunod na umalis ka ay magpaalam ka!" Sigaw niya sa akin.

"Ano ba?! Nandiyan lang naman ako sa labas ah! It's not far naman! At syaka, malaki na ako, okay? No need to pressure yourself sa paghahanap sa akin dahil kaya ko namang umuwi!" Hindi ko napigilan ang sarili kong pag taasan siya ng boses.

EVERY KISSWhere stories live. Discover now