Chapter 6

2 1 0
                                    

Nilingon ko naman ang banda kung saan may tinawag siyang Anastasia.

"Loka! Mama ni Chichay yan." Sabi ko at humalakhak.

As if? Inakala niyang si Anastasia yung Mama ni Chichay? Well, maganda naman kasi yung katawan ng Mama ni Chichay eh. Kahit may mga anak na ito ay hindi pa rin nagbabago ang katawan niya. Dalaga pa rin tignan. Nung una ko ngang kita sa kaniya ay hindi ako makapaniwala na Mama yun ni Chichay, akala ko kasi ate e.

"A-ah? Haha. Akala ko si ano." Sabi niya
at tumalikod.

"Sexy. Maganda." Wala sa sarili na sabi ko.

"Well, tama ka. Maganda nga siya. Sexy.." sabi niya at ngumisi.

What the hell? Ang weird niya no. Manyakis ba siya?

At, bakit ba siya ngumiti? Gaano ba ka sexy nag Anastasia na yun at napangiti siya?

Sa tingin ko nga ay hinuhubaran niya na si Anastasia sa isip niya dahil sa pamamaraan ng pagngisi niya.

Kadiri.

"Yuck." Sabi ko at agad niya naman akong nilingon.

"Tara na. May pa yuck-yuck ka pa diyan."

"Ganon ba ka ganda ang katawan ng Mama ni Chichay at napagkamalan mong si Anastasia yun?" Tanong ko.

"Bakit, nakita mo na ba si Anastasia? Yung katawan niya?" Tanong niya naman.

Oo nga no? Pano ko naman na sabi yun?

"Ang ganda naman kasi ng pangalang Anastasia. Tingin ko talaga maganda yung Anastasia na yun tapos sexy. Pangalan niya pa lang patok na." Sabi ko.

"Tara nga. Dami mo pang sinasabi." Sabi niya at tuluyan ng umunang umalis.

***

Nasa Evacuation centre na kami. Cultural centre. Medyo hindi naman marami ang tao dito kaya mabilis kaming nakakita ni Jax ng pwesto na pwede naming lagyan sa mga gamit namin at matutulogan.

Sina Manang Linda at Manong Gardener naman ay nasa right side namin. Satingin ko ay magkatabi lang silang matulog dahil iisang kama lang ang dala nila.

Hala shet?

Only one bed?

Magkaano-ano ba sila? Mag asawa?

What if... Wala talaga silang relasyon pero nagkataon lang ma magkatabi matulog kasi kinakailangan?

Aba, pake ko.

Nevermind.

Pero pano kapag may sari-sariling pamilya na sila?

Pinuntahan ko si Jax na ngayon ay naglalapag ng higaan ko.

"Jax.." tawag ko sa kaniya.

"Uy Jax!" Tawag ko uli.

Hindi pa rin ako pinapansin.

"Louielias!" Ayon, lumingon din.

"Ano?" Nakakunot noo niyang tanong sa akin.

"Magkaano-ano ba si Manang L at Manong G?" Bulong ko sa kaniya.

"Bat mo naman na tanong?" Tanong niya.

"Magkatabi ata silang matulog mamaya." Sabi ko.

"Hindi ko alam. Baka magkapatid." Sabi niya.

Magkapatid? Eh hindi nga magkamukha e.

"Hindi naman siguro." Sabi ko at pinag cross ang braso.

"Alam mo, mas mabuti sana kong tulungan mo ako dito. Hindi yung inuuna mo yung chismis. Kailan ka pa naging chismosa a?" Nakataas kilay niyang tanong.

EVERY KISSWhere stories live. Discover now