Chapter 8

6 0 0
                                    

"She's my girl."

Nag e-echo sa utak ko ang katagang 'yon.

Nandito pa rin kami sa Cultural Center at nililigpit na ang mga gamit namin dahil aalis na kami.

Kaunti nalang kami dito dahil nauna na sila Chichay, Therese at sina Sofia.

"Problema mo?" Tanong ng lalakeng naka puting sando at itim na shorts. Inshort, si Jax. "Kanina ka pa diyan naka tunganga. Tapos na kaming magligpit."

Tintigan ko lang siya ng mariin. Ng napansin niyang nakatitig ako ay agad niya akong tinaasan ng kilay. I'm not examining his face, but I'm still thinking about the thing he said last night. Kilala ko ang sarili ko. Alam ko ang nararamdaman ko. I know that i like Jax, that's why I'm acting like this.

After a couple of minutes, hindi ko parin inalis ang titig ko sa kaniya. At siya rin ay nakatitig lang sa akin. Para kaming tanga dito. Hinihintay ko lang siyang magsalita ulit dahil hindi ko maibuka ang bibig ko.

Hindi na ako makatiis at umalis na ako sa pwesto ko at nagtungo sa kinaroroonan nina Manang L at Manong G.

Manang Linda smiled at me when she saw me.

"Oh, Ija. Hali ka na, alis na tayo." She said while closing the bags at binuhat ito ng walang pag aalinlangan. "Hoy hardinero! Tawagin mo na si Jax ng saganon ay makaalis na tayo!" Utos niya kay Manong G.

Agad namang sinunod ni Manong G ang utos, i even heard the sound of his footsteps.

As minutes ticked by, I heard footsteps again-but this time, there were two sets. I recognized his, and intentionally didn't look back. I'm perplexed, these feelings are unfamiliar. Avoiding him seems wise, given... he's already taken. I blame myself for reading into his actions. Maybe this is just his usual behavior around girls. Perhaps he reserves special treatment for his girlfriend?

So many questions form in my head. Nabalik na lang ako sa huwisyo ko nung nakauwi na kami at nakita ko ang itsura nag farm.

Nasaktan ako nung nakita ko ang itsura ng farm, but mas masakit talaga yung ginawa niya sa akin.

Ginawa?

He didn't even do anything! Why am I thinking this shit?!

As we walked here, I failed notice the fallen trees. My attention was drawn only to the muddy road and the obstructing roofs and debris from houses along our path.

When i saw the farm, i can't stop myself from crying. Although I'm the only one who is so dramatic here. I didn't even see any sign of sadness on the face of Manang L, Manong G. But kay Jax, i don't know. He's staring at me. Can't he see all of these? All of his hardwork are gone. A garden once lush with vibrant green grass has given away to a dismal scene of mud, mire, and decay.

Naiilang talaga ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Bakit niya ba ako tinititigan?! Hindi niya ba nakikita tong farm niya? Ubos na lahat ng pinaghirapan niya oh. Ang farm na inaalagaan at tinatrabaho namin noon ay isang maputik na lugar na ngayon. Dagdagan pa nitong bahay namin na iilang piraso na lang ang bobong.

As i wiped my tears, pinapasok na ako ni Manang. I need to rest muna daw dahil maya-maya ay aayosin na namin itong farm at yung bahay. Habang naglalakad pagpunta sa bahay ay ramdam ko ang mainit niyang mga titig. Hindi ba sumasakit ang leeg o mga mata niya sa kakatitig sa akin?

Nang naka pasok na ako ay ganon pa rin naman ang itsura ng bahay pero ang iilang bagay ay basa na, katulad ng sofa at cabinet, dagdagan pa nitong dingding na maybakas ng maruming tubig o baha.

I went to the kitchen to get some water and gladly walang nagbago sa kitchen. All of the veggies and the fruits we harvest last day ay nandun pa rin sa pwesto nila. Walang kulang, walang bawas.

EVERY KISSWhere stories live. Discover now