Chapter 3

9 1 0
                                    

Friday afternoon, nakatoka ako bilang cleaners. So far, maayos naman ang naging takbo ng first week of school ko sa DAALMHS. Hindi ako nasamahan maglinis ni Sweet dahil may SSG meeting sila sa SSG office. Hindi ko nga alam na SSG President pala siya. Kung hindi sinabi sa akin ni Eunice na classroom president namin hindi ko pa malalaman dahil hindi naman ’yon nasabi sa akin ni Sweet. Basta as of now, ang alam ko si Sweet ang SSG President at si Xavier naman ang Vice-President.

“Louisse, mauna na ako ha. Nagchat kasi si papa na hinihintay na niya ako sa labas,”  paalam ni Eunice.  “Ikaw na bahala dito ah. Pakipatay na lang ng mga ilaw pag-alis mo at huwag kalimutang i-lock ang classroom,”  bilin niya.

“Sure, Pres! Ako nang bahala,”  sagot ko.

“Salamat. Bye!”

“Bye,”  paalam ko at kumaway sa papaalis na si Eunice.

Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga upuan na nagulo kanina dahil nag-apply kami ng floorwax. Iniutos kasi ni Miss K na dapat malagyan ng floorwax ang sahig para presentable ang classroom sa Monday.

Nanibago ako sa cleaners na set-up dahil wala kaming cleaning assignment sa dati kong school. May sariling hired na tagalinis kasi ang school at ang sahod nila ay kasama na sa tuition na binabayaran namin. But I admit, being a cleaners is fun! New experience, another kulitan habang naglilinis, and it also teach us to become diligent and responsible.

Naiwan akong mag-isa sa loob ng classroom. Hindi ako sanay sa nakabibinging katahimikan kaya naman nagplay ako ng Taylor Swift Song. Natapos na ni Eunice ayusin ang mga upuan sa first column kaya naman ang second column na lang ang tatapusin ko. I was busy lining the chairs and just minding my business when I suddenly heard a faint footsteps. I paused the song and listen again to check if I heard it right. Hindi nawala ang tunog ng naglalakad kaya naman kaagad akong kinabahan. Parang napanood ko na ‘to sa movies eh! Ito rin ang ilan sa mga eksenang nababasa ko sa horror stories like sa Spookify page lalo at lagi akong tambay sa page na ’yon.

Hinintay ko na tumigil ang tunog ng mga yapak ngunit sa halip na tumigil o mawala ay mas lalo itong lumalakas at parang papalapit! Napahigpit ang hawak ko sa armchair ng hawak kong upuan.

Sinasabi ko talaga. Kapag ito pumasok sa pinto ibabato ko ’tong upuan sa kaniya! Namamawis na ako nang malamig. Nanginginig na rin ang mga tuhod ko. Dahan-dahan kong isinukbit ang bag sa aking balikat. Parehong sarado ang pinto pero ang nasa likod ay nakalock na kaya hindi ako makadaan doon. Ang pinto naman na kalapit ng board ay sarado pero hindi naka-lock. Kaya wala akong choice, doon talaga ako dadaan para makalabas.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. At mas lalo pa itong kumabog nang impit na pumihit ang doorknob. Nanalangin ako nang wala sa oras. Sobrang takot ako at kinakabahan. First week ko pa lang ganito agad ang mararanasan ko. Papaiyak ako nang biglang bumukas ang pinto. Napapikit na lang ako sa takot na baka babaeng duguan ang tumambad sa aking harapan lalo’t usap-usapan ang nanyari rito sa school last year.

Ngunit hindi babaeng duguan o batang maputla na walang mukha ang gumising sa aking halos mahimatay nang diwa kung hindi ang pamilyar na baritonong boses.

“Are you okay?”

Nagmulat ako. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero nakita kong bakas sa mukha ni Haruki ang pag-aalala habang nakatayo ngayon sa harapan ko.

Umayos ako ng tayo at muntik pang matumba buti na lang at kaagad niya akong naalalayan sa braso. Hindi pa kasi matigil sa panginginig ang mga tuhod ko.

“I-i’m fine,”  tumikhim ako nang bakas sa aking boses ang kaba.

“You don’t look fine. Namumutla ka,”  puna niya habang kunot na kunot ang noo.

“Hindi ah! Ayos lang talaga ako. Labas ka na tatapusin ko pa ‘tong pag-aayos sa mga upuan tsaka pumasok ka na wala man lang suot na shoe rug eh katatapos lang namin maglagay ng floorwax sa sahig,”  inis kong saway.

Napatingin siya sa kaniyang sapatos bago muling tumigin sa akin. He scoffed and murmured something pero hindi ko narinig dahil masyadong mahina.

Tinalikuran ko siya. I chose not to mind him na lang at ipinagpatuloy na ang pag-aayos ng upuan. Medyo kumalma na rin ang puso ko sa pagkabog. Bumalik na ulit sa normal ang heartbeat ko. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil hindi multo ang iniluwa ng pinto o mas dapat akong mabahala dahil si Haruki pala.

Nang marinig ko ang kaniyang yabag papalabas ng room ay sinundan ko siya ng tingin. Hindi mawala sa isip ko ang kwento ni Sweet sa akin last time.

Ayon sa kaniya, may babaeng namatay daw sa school last year. Noong una ay hindi matukoy kung kusang tumalon at nagpakamatay o tinulak kaya siya nahulog mula sa fourth floor papuntang ground floor. Isinugod siya sa ospital pero huli na ang lahat. Dead on arrival ang babae. Naging matunog ang insidente sa buong syudad at may ilang mga magulang na hindi muna pinapasok ang kanilang mga anak sa labis na pag-aalala. Ayon daw sa imbestigasyon ng pulis suicide case ang nangyari lalo at lumabas sa autopsy result na wala namang senyales ng panlalaban at ang naging cause of death ay ang excessive blood loss. Subalit hindi kaagad naisara ang kaso dahil may isang witness na estudyante rin na ayon sa kwento ay personal na nakita ang krimen. Si Kevin. Ang estudyanteng takaw gulo ayon sa description ni Sweet. Ayon daw sa kwento ni Kevin, pauwi na siya dahil maga-alas-sais na nang may marinig siyang sigaw ng babae sa PAGCOR building. Pagkatapos ay bigla na lang daw may kumalabog na parang malaking bagay na nahulog kaya kaagad niyang tiningnan. Doon niya nakita ang nakahandusay na katawan ni Kiara na may umaagos na dugo sa ulo. Sa sobrang kaba at taranta raw ay hindi siya kaagad nakapagsalita at nakahingi ng tulong pero sigurado raw siya na pagtingin niya sa taas ng building, nakita niya si Haruki na tinitingnan ang nakahandusay na katawan ni Kiara. Saglit lang ito dahil kaagad daw itong umalis sa pinangyarihan ng krimen.

Kaya rin hindi ma cross-out ng mga police ang posibilidad na murder ang nangyari at hindi suicide dahil may prime suspect na naituro ang witness. May ilan din kasing nakausap ang police na nagsabing matagal nang may gusto si Kiara kay Haruki ang kaso ay hindi ito pinapansin ng binata kaya baka sa labis na pagkairita sa babae ay naitulak niya ito sa building. Nasa klase pa raw no’n nang inaresto at pinusasan si Haruki dahil siya ang itinuturo na prime suspect. Ngunit kalaunan ay napalaya rin siya dahil napatunayang inosente nang lumabas ang autopsy. Wala raw makitang murder weapon at walang senyales ng panlalaban na nakita sa biktima. Simula raw noon, nag-iba na ang pakikitungo ng mga tao kay Haruki. Ang dating pinagtitilian ay kinatatakutan na ngayon. Pero kahit na ganoon ang nangyari, naging team captain pa rin siya ng Basketball Team kaya may ilan pa ring itinuturing siya bilang heartthrob sa school.

Doon ko naintindihan kung bakit mahigpit akong binabalaan ni Sweet na huwag mai-involved kay Haruki. Hindi raw kasi mabasa ang takbo ng utak ng lalaki kaya mahirap na.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano o sino ang paniniwalaan. May parte ng utak ko na nagsasabing walang masama kung maniniwala ako sa kwento lalo at wala namang mawawala, nag-iingat lang. Ngunit may parte rin sa akin na nagsasabing hindi ganoong klase ng tao si Haruki.

Oo, may pagka-misteryoso talaga ang awra niya at hindi rin madalas na nagsasalita. Pili lang rin ang mga sinasamahan niyang kaibigan. Pero hindi ko naman siya nakitaan ng negative o aggressive attitude. Ilap lang talaga siya sa mga tao.

But one thing is for sure. Time is the ultimate truth teller. And if it’s true na may foul play na nangyari sa pagkamatay ni Kiara, justice will surely prevail. Ang dalangin ko na lang, may her soul rest in peace.

Destined To YouWhere stories live. Discover now