CHAPTER 15

8 1 0
                                    

Hindi nga ako nagkamali. He made me do something I didn’t expect at all. It was the first day of our Intramurals and earlier in the morning, Haruki went to our house.

“Oh! Isuot mo,”  utos niya sa ’kin sabay bato ng hawak niyang jersey.

Sinalo ko ito at tiningnan. Kulay dark blue na jersey. May apelyido niya at jersey number 10 sa likod. Kaagad na kumunot ang noo ko.  “Para saan?”

He smirked.  “You’ll be my cheerleader this intramurals, Amara. That’s my first dare.”

Napangiwi ako.  “Ayoko nga!”  Matigas na tanggi ko.

“Uh-uh! Bawal kang tumanggi, remember?”  paalala niya.

Nasapo ko na lang ang noo. Diyos ko! Ano ba naman ’tong pinasok ko? Ibabato ko pa sana sa kaniya pabalik ang jersey pero biglang siyang tumalikod at tumakbo.

“Don’t be late ha! 9 AM ang laro ko!”  Pahabol niyang bilin bago tuluyang makaalis.

Pumikit ako at humugot nang malalim na paghinga. Bahala na. Ang usapan ay usapan.

“Bebs, tara na! Magsisimula na ang basketball game!”  aya ni Sweet sabay hila ng kamay ko. Ang cute niya sa suot na gray unit shirt namin, white skirt, white sneakers, at blue ribbon headband.

Nagpaakay ako sa kaniya habang mahigpit ang pagkakahawak sa strap ng aking tote bag. Nasa loob ng bag ang jersey ni Haruki na hindi ko pa sinusuot dahil nahihiya ako. May dala rin akong tubig at gatorade.

Nang dumating kami sa gym ay puno na ng mga estudyante. May ilan ding teachers at outsiders. Nakapwesto na ang players sa kaniya-kaniyang bleachers.

“Tara, tara! Dito tayo!”  Nakisiksik si Sweet sa kumpol ng mga estudyante kaya kaagad ko siyang pinigilan..

“Huwag na dito na lang tayo, Bebs. Kita naman dito eh!”

Tinampal niya ang kamay kong pumipigil sa kaniya.  “Ano ka ba? Dito na hindi ko makikita ang laro riyan alam mo namang hindi pinagpala sa height ang kaibigan mo!”

Kaya wala na akong nagawa nang matagumpay niya akong nahila sa unahan kung saan kita ang pwesto ng Grade 12 players. Unang dumako kay Haruki ang tingin ko at napansin ko na parang may hinahanap siya sa mga manonood. Nang dumako sa amin ni Sweet ang kaniyang tingin ay ngumiti siya at tumayo.

Dug Dug!

Dug dug!

Dug dug!

Ayan na naman. Parang tinatambol na naman ang puso ko nang makitang papalapit siya sa pwesto namin ni Sweet.

“Excuse me. Uy, hi!”

Napalingon ako sa lalaking nakiraan sa gilid namin.

Lumiwanag ang mukha ko nang makilala ang lalaki. Siya ’yong representative ng Grade 11 noong Buwan ng Wika. 

“Uy! Hello!”  ganting bati ko.

Inilahad niya ang kamay sa harap ko.  “It’s nice seeing you again. By the way, I’m Nico,”  pakilala niya.

Kinamayan ko siya.  “Nice to meet you again, Nico. I’m Louisse Amara,”  pakilala ko pabalik.

“Nasaan na? Bakit hindi mo pa sinusuot?”  Bungad na tanong ni Haruki nang makalapit sa harap ko kaya natuon sa kaniya ang aking tingin. Nasa magkahawak naming kamay naman ni Nico ang kaniyang tingin at parang hindi maipinta ang kaniyang mukha kaya kaagad kong binawi ang aking kamay.

Sandali akong natutula habang nakatingala sa gwapo at fresh niyang mukha. Amoy na amoy ko ang kaniyang gamit na pabango na tila naging paborito ko nang amoy.

Destined To YouWhere stories live. Discover now