CHAPTER 6

7 1 0
                                    

After her class earlier, Miss K instructed me to go to faculty after afternoon dismissal. Hindi ko alam ang rason kung bakit gusto niya akong makausap. Hindi naman ako kinakabahan kaya hindi naman siguro ako pagagalitan since as far I can remember, wala naman akong nagawang violations.

Kaya ito ako ngayon at patungo sa faculty office ng Senior High School teachers. Isang buwan na ako rito sa school kaya kabisado ko ang designated buildings and offices. Nang makarating ay kaagad akong bumati sa mga teacher na nasa loob. Dalawa lang sila at wala pa si Miss K.

“Good afternoon po,”  magalang na bati ko.

Natigil ang kanilang pag-uusap nang marinig akong nagsalita sa pintuan. 

“Good afternoon, langga. Ano tani?”  tanong ng isang teacher na nagtuturo sa SMAW strand.

“Pinatawag po kasi ako ni Miss K. Nandito po ba siya?”  sagot ko.

Kahit na isang buwan na ako rito sa Negros, hindi pa rin ako nakapagsasalita ng Hiligaynon pero medyo nakakaintindi na ako ng ilan.

“Ay, ikaw gali ang taga-Maynila nga estudyante sa senior high? Hindi pa yata tapos ang klase niya. Hintayin mo na lang siya rito. Upo ka muna sa harap ng table niya.”

Nagpasalamat ako sa dalawang teachers. Maya-maya ay nag-ayos na sila ng mga gamit para siguro makauwi kaya naiwan akong mag-isa sa loob ng faculty. Nagcellphone na muna ako para hindi ako mabagot kahihintay kay Miss K. For sure patapos naman na ang klase niya kasi dismissal na ng halos lahat. Makalipas ang ilang minuto ay narinig kong pumihit ang pinto at pumasok si Miss K kaya kaagad akong tumayo at bumati.

“Good afternoon po, Miss K.”

“Good afternoon too, Louisse,”  bati niya pabalik at tumungo sa kaniyang table para ilagay ang bitbit niyang laptop.  “Upo ka.”  Itinuro niya ang inupuan ko kanina kaya naman umupo ako roon paharap sa kaniya. Nang makaupo rin siya ay nagsimula siyang magsalita.

“Pasensya ka na ha katatapos lang kasi ng klase ko. Kanina ka pa ba naghihintay?”

Umiling ako.  “Hindi naman po. Kararating ko lang din.”

“Okay, okay. So, pinatawag kita rito ngayon para sana personal na kausapin tungkol sa proposed pair tutoring na bagong programa ng DepEd. Base kasi sa academic performance ng school natin, may ilang estudyante na medyo hirap sa academics. Nagsagawa ang school ng preliminary test para masuri kung sino ang mga estudyante na kabilang sa below average level ang performance. Ang mga estudyanteng kabilang doon, ipe-pair sa estudyanteng nakakuha ng above average na performance. Paraan ito ng departamento para mapataas ang performance level ng mga kabataan pagdating sa academics,”  mahabang paliwanang ni Miss K.

“Louisse, pinatawag kita dahil isa ka sa mga nakakuha ng above average score kaya kung okay lang sa ’yo, ipapares ka namin sa isang student naman na nakakuha ng below average score. Don’t worry, ano man ang maging resulta, mag-improve man ang academic performance ng tuturuan mo o hindi, makakakuha ka pa rin ng merit for your grades. Pero syempre mas mabuti kung maging maganda ang resulta at mapataas ang level ng academic performance ng tuturuan mo ’di ba?”

“Opo,”  pagsang-ayon ko.  “But, Miss K, pwede ko po bang malaman kung sino ang tuturuan ko in-case na pumayag ako?”

“Just your classmate, Haruki Dela Vega.”

WHAT!?

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi makapaniwala na sa libo-libong estudyante rito sa school siya pa talaga.

Napansin yata ni Miss K ang pagkabigla ko kaya naman sandali siyang natawa.  “Huwag kang mag-alala. Sa susunod na linggo pa magsisimula ang programa kaya may panahon ka pa para makapag-isip at makapag-desisyon. Kapag pumayag ka, magpapatawag ulit ako ng meeting kasama na ang lahat ng magiging parte ng programa. Ayos lang ba ’yon sa ’yo?”

I nodded.  “Okay po, Miss.”

“Great. I will respect whatever your decision is. Thank you, Louisse.”

“You’re welcome po.”

Tumayo si Miss K.  “Okay, you can go home now. See you again, next week. Mag-iingat ka.”

Nagpasalamat muna ako at nagpaalam bago lumabas ng faculty office.

Unbelievable. Tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan para paglapitin kaming dalawa. Kung iisipin, mas pabor sa akin ang proposed program kasi makakuha ako ng merits na dagdag sa aking grades. Sino ba naman ako para tumanggi sa dagdag points? Isa pa, kailangan ko ’yon kasi dapat matataas ang grades ko para makapasok ako sa prestigious universities. Ang kaso lang ay kung papayag si Haruki since hindi naman mandatory ang program. Kapag hindi siya pumayag wala akong points!

Paglabas ko ng gate ay natakam ako sa streetfoods kaya naisipan kong bumili. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakakain ng streetfoods.

“Manong, dalawang kwek-kwek po at sampung fishball please.”

“Sige, gwapa! Wait lang ha, initon ko lang,”  sabi ng tindero.

“Okay po.”

Nagcellphone ako saglit para i-check kung may chat si Mommy. Nang makitang wala ay pinatay ko na lang ang phone at hinintay na maluto ang binili ko. Mix lang ng matamis at maanghang ang pinalagay kong sauce at no’ng inabot na ni kuyang tindero ay inabot ko rin ang bayad.

“Baw bilog ba. Daw wala gid ko di bala sinsilyo, Day,”  saad ng tindero.

“Po? Sinsilyo? Sukli?” 

Hindi ko kasi naintindihan ang sinabi niya.

“Manong, bakal ko fishball baynte,”  si Haruki na biglang sumulpot na lang sa gilid at hindi ko alam kung saan galing.

“Inday, basi matunaw na si Toto sa tulok mo.”

Napaiwas ako ng tingin nang marinig ang sinabi ni kuyang tindero. Pakiramdam ko ay biglang uminit. Nasa harap pa naman ako ng mainit na mantika.

Kinuha ni Haruki ang iniabot ng tindero.  “Ibalik na lang na iya kwarta, Nong, ari sa amon nga duwa oh.”

“Baw, mayo lang may gwapo ka kag kwartahan nga migo, Day!”  Mukhang ang saya ni kuyang tindero habang ibinabalik sa akin ang isang libo.

Naunang naglakad si Haruki kaya naman kaagad akong sumunod.

“Wait lang, Haruki!” 

Saglit siyang tumigil at nilingon ako. Hindi na siya nakasuot ng uniform polo, white shirt na lang. Basa rin siya ng pawis pero mabango pa rin. Kagaya ng dati, magulo ang kaniyang buhok na ang ilang hibla ay humaharang sa kaniyang noo.

“Babayaran na lang kita bukas. Wala kasi akong smaller bill eh. Promise, I’ll pay you back tomorrow,”  I assured him while smiling.

Saglit siyang nag-isip bago tumango.  “No rush. Sisingilin lang kita kung kailan ko gusto.”  He smirked.

“O-okay.”  Naguguluhan kong tugon.  “And!”  Pahabol ko bago siya muling magsimulang humakbang.  “About do’n sa pair tutoring. You’ll sign up, right?”  Nag-aalangan kong tanong.

He scoffed before answering.  “No.”

Last words he said before turning his back and continuing his steps.

Huhu lagot.

Destined To YouWhere stories live. Discover now