CHAPTER 9

5 1 0
                                    

“Guys, double time! Naghihintay na sa gym si Sir J!”  sigaw ni Pres Eunice.

“Uy, lakat na ta!”

“Ta ta ta! Basi ma-late ta kag absent ta sa PE class.”

Mabilis akong hinatak ni Sweet papuntang cr. Kaniya-kaniyang bitbit kami sa aming PE uniform.

“Bilisan natin. Strikto pa naman si Sir sa time,”  saad ni Sweet.

“Okay, okay.”

Pero kamalas-malasan nga naman, pagdating namin sa cr ay nakapila na ang classmates namin sa bawat cubicle. Kaya wala kaming choice. Sa harap ng lababo na lang kami naghibis. Pagkatapos ay agad kaming tumakbo papuntang gym. Naabutan namin si Sir J na nakatayo at may hawak na stopwatch habang hinihintay ang pagdating ng mga classmates namin. Na-late ang ilan kaya may bawas points na ang magiging score nila sa activity. Ang daming umapela pero dahil strikto si Sir J, hindi siya nagpatinag.

“Class, for today, we will be playing a  dodgeball game. Dodgeball is a team sport where players aim to hit opponents with a ball while avoiding being hit themselves. I will divide the class in four teams and each team is consist of ten players. I have here the colored papers and each of you will pick one color to determine which team you belong. Are you all ready?!”  Sir J energetically asked.

“Yes, Sir!”  We all cheered.

Isa-isa kaming bumunot ng kulay at kulay pula ang nabunot ko. Si Sweet naman kulay asul at si Xavier kulay dilaw. Nang sulyapan ko si Haruki at nakita niyang nakatingin ako ay itinaas niya ang kamay na may hawak na papel na kulay pula habang naglalakad palapit sa akin.

Ayos! Same team kami ni Haruki!

Nang makalapit siya ay nagfist-bump kaming dalawa. Nang mabalingan kami ni Sweet ay kaagad niya akong hinila palayo kay Haruki at binalaan niya naman ng tingin ang huli. Napangiti na lang ako. Ito talagang si Sweet daig pa ang mga magulang ko sa sobrang pagka-protective.

Halos two weeks na rin kaming madalas na magkasama ni Haruki dahil sa pair tutoring and hindi ko maitatanggi na unti-unti nang napapalapit ang loob namin sa isa’t isa. Parang naging habit na namin na tuwing uwian ay diretso kami kaagad sa library. Isang bagay na tuluyang nagbago sa madalas na routine ng buhay naming dalawa. Hindi na siya sa court dumideretso tuwing uwian. Hindi na rin ako maaga kung umuwi. Nakausap ko na sina Mommy at Daddy tungkol sa pair tutoring at binigay naman nila ang buo nilang suporta. Hindi naman sila nababahala dahil magkasama naman kami ni Haruki tuwing uwian lalo at magkalapit lang pala ang bahay namin. Hindi ko kasi alam no’ng una na sa subdivision din namin siya nakatira.

“Okay, now, I want you all to find your teammates. Those who picked color blue will be Team 1, yellow Team 2, red Team 3, and green will be Team 4. Our game will have 2 rounds. For first game, Team 1 versus Team 2. Second game, Team 3 versus Team 4,”  Sir J instructed.

Pumunta kami sa kaniya-kaniya naming grupo. Magkalaban sina Sweet at Xavier samantalang magkasama naman kami ni Haruki.

“And for the mechanics of the game, eliminate players on the opposing team by hitting them with a ball or catching their throws. The game starts with players lined up on their respective sides. At the whistle, players should rush to the center to grab balls. A player is out if hit by a ball thrown by an opponent. Players must stay within designated boundaries. Stepping out results in elimination. The game ends when all players on one team are eliminated, or a set time limit is reached, with the team having the most players remaining declared the winner. Each round is only five minutes. Is the mechanics clear, class?” 

We answered in unison.  “Yes, Sir!”

“Okay, let the game begins!”  Sir J declared.

Everyone cheered for the first team players. Team ni Xavier ang naunang iiwas sa bola at team naman ni Sweet ang babato ng bola. Nang pumito si Sir J ay sigawan ang lahat. Kaniya-kaniyang cheer para sa mga kaibigan nila. Pati ako ay napasigaw para i-cheer si Sweet.

“Go, my bebs Sweet! Go sexy, sexy, love!”  Palundag-lundag pa ako at pakaway-kaway. Natatawa na lang si Haruki sa tabi ko. Si Xavier naman ang chini-cheer niya.

Ang lalamya ng teammates ni Xavier kaya naman wala pang five minutes, ubos na silang tamaan lahat. Si Sweet ang nakatama ng bola kay Xavier. Parang tuod naman kasi sa gitna. Nang nakita niyang si Sweet ang may hawak ng bola, hindi na siya gumalaw kahit sinisigawan siya ng kaniyang ka-grupo na umiwas. Sunod na babato ng bola ang team ni Xavier at ang team naman ni Sweet ang iiwas. Hindi katulad ng nauna, mas maliksi ang grupo ni Sweet. Hirap na makatama ang grupo ni Xavier. Kaya halos patapos na ang five minutes, may tatlong member pa na natira.

“Last 1 minute!”  Sigaw ni Sir J.

Natamaan ang isa kaya si Sweet na lang at Marco ang natira.

“Last 10 seconds!”  Sigaw ulit ni Sir J.

Si Xavier ngayon ang may hawak ng bola. Napatitig siya kay Sweet at inayos niya ang suot na salamin.

“9! 8! 7!”

“Xavier, ibato mo na! Si Marco ang targetin mo at kami ang bahala kay Sweet bilis!”  sigaw ng teammate ni Xavier.

“6! 5!”

“Ibato mo na, Xavier, ano ba!?”  Gigil na gigil na ang groupmates ni Xavier.

Kahit kami na nanonood ay grabe na ang kaba. Pigil-hininga kong pinanood ang susunod na mangyayari.

“4! 3! 2!”

Binato ni Xavier ang bola at . . .

“1!”

Natamaan si Marco! Kaya ending natira si Sweet kaya palano ang grupo nila. Pagkatapos ng game ay napansin kong sobrang namumutla si Sweet pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin dahil baka napagod lang. Nagtatatalon si Sweet at teammates niya sa sobrang tuwa samantalang hindi naman maipinta ang mukha ng teammates ni Xavier.

Whoah! What a game!

Kami na ang sunod na maglalaro. Pumuwesto na ako at tumabi naman sa ’kin si Haruki.

Nagfist-bump kami bago mag-start ang game.

“Let’s do this.”

“Yes! Let’s win this game!”

Kami ang unang babato sa grupo nina Eunice. Five minutes lang kaya ginalingan talaga namin.

“Pasa dali!”  Sigaw ko at nang masalo ko ang bola ay maliksi kong binato si Eunice. Tinamaan siya sa balikat kaya na-eliminate siya. Sa sobrang intense ng laro ay tila nabingi ako sa ingay ng sigawan ng classmates namin. Lumabas ang pagiging competitive ko kaya hindi pa natatapos ang oras, natamaan na namin lahat ang kalabang team. Kami naman ngayon ang iiwas at sila naman ang babato.

We positioned ourselves in the center and when we heard the whistle, we started moving. Maliksi dapat para hindi kami tamaan kaso ay magaling din pumuntirya ang kabilang team kaya marami agad sa amin ang natamaan. Hanggang sa patapos na ang oras at lima na lang kami ang natira. Maraming boys na kasama si Eunice sa team kaya natamaan din ang tatlo. Sa huli, kami na lang ni Haruki ang natira.

“Last 1 minute!”  anunsiyo ni Sir J.

Kinabahan na ako dahil mahaba pa ang oras. Pero hindi kami sumuko. Mas ginalingan namin ang pag-iwas. Sinigurado na hindi kami matatamaan.

“Last 20  seconds!”

“Aray . . .”  mahinang daing ko sabay sapo sa aking puson.

Agad akong inalalayan ni Haruki.  “Hey, okay ka lang?”

Umiwas kami nang binato ang bola at lumipat sa kabilang side. Nakahawak pa rin siya sa siko ko.

“Ang sakit ng puson ko,”  nasasaktang daing ko.

Si Eunice ang may hawak ng bola at handang-handa nang bumato para matamaan kami.

“9! 8! 7!”

Ibinato ni Eunice ang bola. Kitang-kita ko kung paano siya kumuha ng bwelo kaya alam kong malakas ang pwersa ng bato niya patungo sa ’kin. Sa sobrang sakit ng puson ko ay hindi ko na kayang kumilos para umiwas. Napapikit na lang ako at . . .

“Pfttttttttttttttttt!”  Malakas na pito ni Sir.

I heard strong gasps and screams. But I didn’t feel anything hitting me. When I opened my eyes, I saw Haruki . . . standing in front of me, towering me with his height, thus receiving the hit that was supposed to myself and . . .

WE WON.

Destined To YouWhere stories live. Discover now